29

5 1 0
                                    

KIEL

Malapit na kami sa garden ng school at nakayuko pa rin ako habang nakasunod sakanya. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang ginawa niya kanina sa loob ng room.

Harana?

Oo, aaminin kong unang beses ko pa lang naranasan 'yon, at sakanya pa talaga. Ang totoo, nakaramdam ako ng kilig kanina habang nakangiti siyang kumakanta na nakatingin pa sa akin. Hindi ko maitatanggi 'yon, dahil ang lakas ng dating niya, at kitang kita 'yon ng mga kaklase ko, lalo na ng mga babae. Feeling ko nga, pati si Claire kinilig din kanina. Hindi ko lang talaga inaasahan ang ginawa niya kanina. Natuwa talaga ako, pero naiilang at nahihiya pa rin ako. Ni hindi rin ako mapakali. Dere deretso pa rin ako sa paglalakad habang nakayuko. Pakiramdam ko, namumula pa rin ang mukha ko, kaya nahihiya akong mag angat ng tingin sakanya. Bigla akong natigil sa paglalakad ng may mabunggo ako.

"I'm sorry." Ani ko at nag angat ng tingin sa taong nabunggo ko.

"Hey, are you okay?" Tanong ni kumag sa'kin. Siya yung nabunggo ko at hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa garden, nanaman. Kanina'ng umaga nandito lang kami para pag-usapan 'yong nangyari, tapos ngayon nandito ulit kami, hindi para mag usap kundi para mag community service.

"Ah, yeah. Don't mind me." Sabay iwas ng tingin sakanya.

Hindi pa rin talaga ako makatingin sakanya. Nanguna na ako kumilos para matapos agad. Nakita kong may isang medyo may katandaang lalaki'ng utility na nagtatrabaho dito sa school. Lumapit ako sakanya at lumingon naman ito sa gawi ko.

"Ahh kuya, nandito po kasi kami for community service. May nabanggit na po ba sainyo si Mr. Sebastian?"

"Ah oo. Nasabihan na nga ako kanina pa, na may darating raw na dalawa'ng estudyante na makakasama ko sa paglilinis dito hanggang biyernes."

"Ahh opo, kami po 'yon."

"Ako nga pala si Julio, iha. Puwede niyo ako tawaging 'Mang Julio' o di kaya ay 'Kuya Julio'."

"Hello po, ako po si Kiel at iyon naman po'ng lalaki'ng iyon ay si Javier." Pagpapakilala ko habang nakaturo din sa gawi ni kumag. "Puwede niyo po tawaging 'kumag' ang isang 'yon." Biro ko kay Kuya Julio at natawa naman ito. "Nice meeting you po pala Kuya Julio, hehe."

"Naku iha, nobyo mo ba ang lalaki'ng 'yon?"

"Naku Kuya Julio, hin----"

"She's my girl." Putol nito sa sinasabi ko. Hindi ko lang rin naramdaman na nakalapit na pala siya sa gawi namin.

Mukhang nalito si Kuya Julio sa naging sagot naming dalawa, kaya naman natawa nalang ito sa'min.

"Naku, ang mga kabataan nga naman." Natatawa pa ring aniya. "Oh siya, simulan na natin ang paglilinis. Iha, kunin mo ang walis tingting at dust pan sa banda roon," turo niya sa gawi ng malapit sa mga benches sa garden. "Magwawalis ka dito sa hallway na 'to. 'Yung mga tuyong dahon na nalalaglag, 'yon lamang ang gagawin mo." Paliwanag pa nito sa gagawin ko. Saka naman humarap sa tabi ko kung nasaan si kumag. "Ikaw naman iho, didiligan mo ang mga halaman, kunin mo lang ang balde at tabo sa gawi rin non kung saan nakalagay din ang mga walis."

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora