32

8 1 0
                                    

JAVIER

Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nandito pa rin ako sa harap ng room nila. Unti unting gumuhit sa labi ko ang ngiti at unti unti ring bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kabaklaan na ata 'to.

Wala na siya dito sa harap ko ngunit pakiramdam ko paulit ulit nag-re-replya sa utak ko ang ginawa niyang pagkayakap sa'kin. Pati na ang mga ngiti niya. Lalong lumapad ang ngiti ko.

"Hoy James!"

Bigla akong natauhan sa tumawag sa'kin. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Marion na nagtataka sa'kin.

"Ano?" Pasinghal na sagot ko sakanya.

"Kanina pa kita tinatawag! Bakit ba hindi ka sumasagot?! May pangiti ngiti ka pang nalalaman dyan?! Mukha kang siraulo, gago!"

Kanina niya pa ba ako tinatawag? Pero bakit wala akong naririnig?

"Kanina pa nakaalis si Kiel at kanina ka pa rin nakatayo dyan! Nakangiti ka pa dyan? Wala ka ba sa sarili mo ha?" Dagdag panenermon niya pa.

"Easy!" Sabi ko at pinanlakihan niya ako ng mata.

"Anong easy? Male-late na tayo oh." Singhal pa rin niya na nakaturo pa sa relo niya sa wrist.

Tinignan ko naman ang relo ko sa wrist ko at tama nga siya, male-late na kami. Five minutes nalang.

"Tara na." Biglang yaya ko sakanya.

"Ang galing, pagkatapos mong magpatagal dyan, tsaka mo kami biglang mamadaliin?" Sarkastiko'ng sabi niya. "Ano bang nangyari ha?" Biglang ngisi'ng dagdag niya pa.

"Oo nga, ano bang nangyari at nakatulalang nakangiti ka doon kanina?" Sabat ni Harry. Si Harry, siya yung inutusan ko kanina para yayain si Kiel sa table namin.

"Anak ng, kinikilig ka ba sa babae pre?" Natatawa pang dagdag ni Cyrus. Si Cyrus, siya 'yung nanguna na okupahin ang pwesto namin sa cafeteria kanina.

"Huwag niyo na ngang pagtripan." Seryoso'ng usal naman ni Gabrielle. Si Gabrielle ay madalas tahimik at seryoso, pero minsan ay marunong rin makipag sabayan sa biruan. Malimit lang din ngumiti, hindi siya gaya namin na halos laging napupunit ang labi kakangiti.

"Oo tama 'yon Gabby!" Pag sang ayon ko sakanya sabay akbay. Nakita ko namang nagsitawanan ang tatlo'ng siraulo.

"Tsh, stop calling me 'Gabby'. Parang pambabae! It's 'Gab', okay? Kung ayaw mo ng 'Gab', 'Vince' is much better, okay?" Masungit nitong sabi sa'kin. Natatawa'ng tumango nalang ako sakanya. "Tara na nga, late na tayo." Dagdag pa niya, bago tuluyang naglakad.

Sumunod kami agad sakanya. Ilang minuto pa ay nakarating kami ng room. Wala pa naman ang teacher namin kaya nag dere deretso na kami sa upuan namin.

***

KIEL

"Hoy!"

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now