13

9 1 0
                                    

Javier's POV

Nasalubong ko si baliw kanina at sinabi ko sa kanyang hindi ko siya maihahatid sa bahay nila. Yung sinabi ko kanina na 'may gagawin ako' *in a serious face*, dahilan ko lang yon. Ang totoo ay gagala lang kami ni Marion at kung may mahanap na mapagtitripan, ay sige! Naalala ko na naman ang mukha niya nang makaharap ko siya kanina, mukha siyang tanga na nagkakanda-utal-utal sa sinasabi. Pinaseryoso ko ang mukha ko non at hindi ko akalain na maninibago ang baliw na yon sa akin at magiging ganon ang pagsasalita. Wirdo tsk tsk tsk.

Natapos ang buong araw ng klase ko. Lumabas na kami ng room ni Marion at naglalakad ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ko na naman si baliw. Pumasok na naman sa isip ki ang pagtripan ang babaeng yon.

"Teka bro, may gagawin lang ako sa baliw na to"nakangising harap ko kay Marion at natatawa't napapailing na lang ito sa kalokohan ko.

Umupo siya isa sa mga bench at inilabas ang cellphone niya't nagpipindot doon. Batid kong nagtetext siya sa isa sa mga kasamahan nila sa bahay. Lumapit kami banda sa kanya yung hindi niya kami mapapansin.

"Pssssstt" tawag pansin ko sa kanya at tumago sa kinaroroonan namin. Lumingon-lingon siya at biglang naging balisa ang mukha niya ng wala siyang makita ni isang anino ng tao.

"S-sino y-yan?" Nangangatal pang tugon niya. Nang walang sumagot sa kanya ay bumalik siya sa ginagawa niya. Hapon na at halos wala na ring eatudyante sa lugar na iyon. Mangilan-ngilan na lang ang estudyante ngunit hindi na nagagawi sa kinaroroonan namin.

"Kieeeeeeeellll"nananakot kong tugon at nakita ko na naman ang takot sa mukha niya.

Hahahahaha! Takot pala sa multo ang baliw na to!

"A-ano ba? H-hindi na n-nakakatuwa!"pilit pinapahinahon ang sarili. Napapabungisngis kami ni Marion dahil sa itsura niya. Talagang natatakot siya!

"Psssstt..... Pssssttt.... Psssttt" paulit ulit kong sabi at nagpalinga-linga ulit siya pero wala siyang makita. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at umalis na ngunit sinundan namin siya. Nang malapit na siya sa gate ay....

"Kieeeeelll!!!!"gulat ko sa kanya at nanlalaki naman ang mata niyang tumingin sa akin at hinampas hampas ako. "A-ano ba?!" Singhal ko pa sa kanya.

"Ba't mo ba ako ginugulat na kumag ka ha?!" Sigaw niya sa akin. Naghahabol siya ng hininga habang nakahawak sa dibdib niya. "Pakyu ka! Wag mo ng uulitin yon!"

"Why? Tinawag lang naman kita ah? Bat parang daig mo pa nakakita ng multo ng makita mo'ko?" Inosenteng tugon ko sa kanya. Napapalunok naman siya't bumakas naman ang takot sa mukha niya.

"M-may n-nakasunod ba s-sakin k-kanina?" Utal pang tugon niya.

Kumunot ang noo ko at umiling. Mas lalong nanlalaki ang mata niya at mas bumakas sa mukha niya ang takot!

Hahahaha! Napaka epic ng mukha mo baliw!

Gusto kong humalakhak dahil sa mukha niyang balisa at animong takot na takot.

"M-may tumatawag k-kasi s-sakin k-kanina. May MUMUUUU!!!"pahina ng pahinang tugon niya pa.

"Hapon pa lang, baliw. Masyado mong tinatakot ang sarili mo o baka napapraning ka lang?" Nakangising usal ko.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum