10

17 1 0
                                    

Javier's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang fianceé ko na tinutukoy nila mom. Freaaakk! May kung ano sa loob kong nagpoprotesta sa ginawang arrange marriage sakin nila mom at dad. Pero kung ngayon niyo pa lang malalaman sakin to, Oo loko loko ako pagdating sa school pero pagdating sa magulang ko nagiging seryoso't hindi ako makatanggi. May kung ano rin sa loob ko na nagugustuhan ang arrange marriage na yon, dahil siguro mas mapapalapit ako sa baliw na yon at mas maaasar ko pa siya.

Gaya ng sinabi ko sa kanya kahapon ay susunduin ko siya at sabay na kaming papasok magmula ngayon. Matapos kong makabihis ng uniform ko ay nagpaalam na ako kay mom at dad na susunduin ko ang baliw na babaeng yon. Dumeretso ako sa kotse ko at tinungo ang papunta sa kanila. Kung tinatanong niyo kung paano ko nalaman ang bahay nila, sinabi ng magulang ko sakin. --___--

Pinagmasdan ko ang bahay nila, malaki, malawak at sumisigaw ng karangyaan. Malaki rin ang bahay namin tulad ng kanila. Bumaba ako ng kotse ko at nag door bell sa gate nila. Pinagbuksan ako ng isang babae, base sa suot niya ay isa siyang kasambahay dito. Ngumiti ito sakin at gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.

"Pasok ka iho"aniya't nakangiti pa rin sakin. Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Siguro alam na niyang ako ang susundo sa babaeng yon kaya kilala niya na ako't pinatuloy.

Sumunod ako sa babaeng nagpatuloy sakin at bumungad naman sakin ang mommy ni baliw.

"Good morning iho, ang aga mo naman"nakangiting bungad sakin ng mommy niya.

"Susunduin ko lang po sana siya mom"ngiting tugon ko at humalik sa pisngi niya.

"Ah naalala ko nga, pababa na siguro iyon..... ELLLLYYYY IHAAA!" Pagtawag niya sa anak niya. "Kumain ka na ba iho?"baling niya sakin at tumango naman ako.

Maya maya pa'y nakababa na sa taas ang babaeng yon, at ayon na naman ang pambungad na sama ng tingin niya sakin. Palihim ko naman siyang ginantihan ng ngisi. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya, maayos ang uniform ngunit medyo gulo gulo ang ayos ng buhok niya. Napangiwi naman ako ng makita ko iyon. Nagpaalam lang kami sa momny at daddy niya na aalis na at lumabas na.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger's seat pero mas pinili niyang umupo sa likod. Pumunta naman na ako sa driver seat at minaneho papuntang school.

"Kung inaakala mong magiging ayos ang pakikitungo ko sayo dahil sa ginagawa mong hatid-hatid na to, nagkakamali ka!"singhal niya sa gitna ng katahimikan.

Ngumisi naman ako. "I'm just doing this for my parent's because they asked me to. Mamaya ma-misinterpret mo pang may gusto ako sayo" tugon ko at bahagya pa siyang nagulat ngunit nabura agad yon.

"Asa ka rin namang magkakagusto ako sayo. Ni katiting nga ay wala akong maramdaman" inis na tugon niya sakin.

Natahimik ako sa sinabi niyang iyon at parang konting kumirot sa damdamin ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagtuon na lang sa daan paountang school. Pagkarating sa parking lot ay nagpaumuna siyang bumaba ng sasakyan.

"Wag na wag kang lalapit sakin kapag maraming tao, mamaya kalbuhin pa ako't pagsasampalin ng mga nagkakagusto sayo"asik niya bago lampasan ako't magpaumuna.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang