12

13 1 0
                                    

Javier's POV

Over time ang klase namin ngayon dahil napahaba ang diskusyon ng aming guro. Inayos ko lang ang aking gamit ang naglakad na kami ni Marion papunta ng cafeteria. Mula sa labas ng cafeteria ay may naririnig na akong nag-aaway, boses babae.

Pumasok ako ng cafeteria at at nakita ang babaeng nag-aaway.

It was Kiel.... At sino naman yung babaeng umaaway sa kanya? Pamilyar ang likod nito.

Lumapit sa kanya ang babaeng nakatalikod sa gawi namin at akmang sasampalin na nito si Kiel ng tumakbo ako papalapit sa gawi nila at hinawakan ko ang kamay ng babae na si.... Alexa... Ang babaeng may gusto at baliw na baliw sa akin...

Humarap naman ako kay Kiel at nakita kong natapat na siya sa lalaking kasama nila. Batid kong hinila siya ng lalaking iyon para hindi dumapo ang kamay ni Alexa sa mukha nito. Tinignan ko ng masama si Alexa at lumamya naman ang mukha nito na animong takot na takot. Naramdaman kong lumingon sa gawi ko si Kiel at nakikita ko pa ang gulat na reaksyon niya mula sa gilid ng aking mga mata.

Hinila ko palabas ng cafeteria si Alexa, at sumunod naman ang mga alipores niya. Hindi ko na rin namalayan ang presensya ni Marion na sumunod pala sa akin. Maski ang presensya ng ibang estudyanteng nanonood ng nangyari kanina. Mahigpit ko pa ring hawak ang braso ni Alexa at batid kong nasasaktan na to sa pagkakahawak ko. Nang tuluyan na kaming makalabas ay pabato kong binitawan ang braso niya.

"Don't do that again, Alexa!" banta ko sa kanya at bakas naman ang takot sa mukha niya. "Don't you ever do that again!" paglilinaw na sigaw ko sa kanya at mas lalong nadagdagan ang pangangatog ng katawan niya.

"I-i'm so-sorry, Ja-javier, i di-didn't m-mean to do t-that"utal utal na tugon niya. "I-it's j-just t-that a-ayoko l-lang d-dumidikit siya sa-sayo. N-naiinis a-ako"dagdag niya pa.

"Hindi siya dumidikit sa akin! She's my fiancé! Naka arrange marriage ako sa kanya ng dahil sa magulang ko, naintindihan mo ba yon?!" singhal ko sa kanya at mas napapatungo siya.

"Bro tama na, babae pa rin yan"awat sa akin ni Marion.

Tinignan ko muna ng masama ang mga alipores ni Alexa at dumeretso na ulit kami ng cafeteria ni Marion. Pagkapasok namin sa cafeteria ay tahimik na ulit ang paligid na animo'y walang nangyari kanina. Andoon pa rin silang magkakaibigan sa kanilang upuan. May hawak na notebook at batid kong nagrereview ang mga ito. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang lalaking kasama nila, siya yung nakasabay namin mag-recess din noong lunes. Mukhang transferee dahil bago siya sa paningin ko.

Hindi na rin ako madalas mambuyo ng mga estudyante ngunit kapag may nakakapagpakulo ng dugo ko ay iyon ang pinag iinitan ko ng husto. Hindi ko alam kung bakit ko nagawang pigilan ang pagsampal kay Kiel kanina. Hindi ko rin alam kung saan nagmumula ang galit na binigay ko sa kanila Alexa kanina. Basta ng makita kong ganoon na ang mangyayari ay bigla akong napatakbo dahil yon ang sinasabi ng isip ko. Kung tutuusin dapat wala akong pakialam dahil wala din naman siyang pakialam sakin. Wala kaming gusto sa isa't isa, pero ano yung ikinilos ko kanina?! Damn it!

-

Kiel's POV

Naiisip ko pa rin ang mga matang galit na nakatingin ni kumag doon sa babae kanina. Pinilit kong inalis ang isiping iyon at itinuon ang akin atensyon sa notebook ko at nag review. Nang malapit ng mag-time ay nagsitayuan na kami at dumeretso na sa room. Wala pa rin akong kibo at parang lumulutang sa ere ang utak ko.

"Ayos ka lang bes?"nag aalalang tugon niya. Tinanguan ko lang siya at tipid na ngumiti.

Hinarap ko naman si Kristoff, "thank you" sambit ko at matamis naman na ngumiti siya sa akin.

Nakarating na kami ng room at kasunod non ang Propesor namin sa susunod na subject.

DISCUSS

DISCUSS

FILIPINO TIMEEEEE!!!

"Magandang umaga"bungad ni Bb. Gillian at nagsipagtayuan rin kami.

"Magandang umaga po Bb. Vinluan" bati namin at tumango ito sa amin at sinenyasan na maupo na.

"Kumuha ng kalahating papel yung pahaba. Isulat ang inyong pangalan, mauuna ang apelyido bago ang pangalan." Tugon nito at agad naman kaming sumunod. "Isulat ang numero isa hanggang tatlumpu."dagdag pa ni Miss.

Nag-umpisa na siyang bumanggit ng mga tanong na madadali. Ang iba'y nangangamot-ulo na dahil sa hindi nila alam ang sagot. Batid kong baka hindi nagreview ang mga ito. Nagsalita lang ng nagsalita si Miss ng mga tanong at meron pa rin naman akong naisasagot, ngunit ang iba ay alanganin dahil hindi ako sigurado sa iba.

"26-30. Ibigay o ipaliwanag ang mitolohiya." Pagtatapos niya sa pagsasalita. Sinulat ko muna ang aking sagot ang ng matapos ako ay pinagmasdan ko ang iba na mukhang hindi alam ang isasagot. May iba pang nagiging giraffe sa pangongopya sa katabi, ngunit hindi iyon napapansin ni Miss. "Ipasa na ang mga papel. Yun lamang para sa araw na to. Pwede na kayong mananghalian"aniya ng matapos ang pagsusulit namin.

Kinalabit ako ng katabi kong si Iver at nilingon ko naman ito. "Nasagutan mo ba lahat?"nakangiwing tanong niya.

"Oo, ngunit hindi ko sigurado ang iba kong sagot" napapakamot ulong tugon ko.

Matapos naming mag-usap-usap sa natapos naming pagsusulit ay niyaya na kami ni Claire na pumunta ng cafeteria. Halos wala pang ibang estudyante doon, mga kaklase lang namin at kami ang nandoon dahil maaga kaming dinismissed ni Miss.

Kaming apat ngayon ang umorder ng sari-sariling pagkain namin dahil wala pa namang halos tao, at maluwang pa ang cafeteria at makakapamili pa kami ng pupwestuhan namin. Nang matapos kaming umorder ay umupo na kami sa table na nasa kanan. Uupo na sana ako ng maramdaman kong naiihi ako.

"Cr muna ako"paalam ko sa kanila at tumango naman sila.

Tinahak ko ang papuntang CR at kamalas-malasang makakasalubong ko ang kumag, batid kung hindi niya pa ako nakikita kaya inalis ko sa kanya ang paningin ko. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at bigla niyang hinila ang braso ko... Wth?!

"Ano ba bitiwan mo nga ako!"singhal ko sa kanya at parang nanigas ako ng pasadahan ko ng tingin ang itsura niya, masyadong seryoso. Wala ang ngisi at wala ang nakakalokong ngiti. "A-ano ba a-ang k-kailangan mo?" Utal na dagdag ko.

"Hindi kita maisasabay mamaya pauwi, may gagawin ako"seryosong aniya.

Napalunok naman ako, hindi ako sanay na seryoso masyado ang mukha niya >>___<< "S-sige, o-okay l-lang" napapatungong sagot ko.

"Bat nauutal ka?"tugon niya at sinalubong ko ang mukha niya at napalitan ito ng nakakalokong ngiti. Hinila niya lalo ako palapit sa kanya at bigla niya na namang hinalikan ang pisngi ko! Buong pwersa ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

"Namimihasa ka ha! Damn you!!"sigaw ko sa kanya at tinawanan lang niya ako.

Binitawan niya ang kamay ko. "Bye baliw! See you tomorrow!"ngising sambit niya, pero bago niya ako talikuran ay kinindatan niya pa ako.

Bago yon ah! Bwiset na kumag yon!!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit niya na naman ginawa yon?! Inaasar niya na naman ba ako?! Kasi kung ganon nga ay asar na asar na ako sa kanya! Bwiset ka kumag!!!! Napaka-wirdo ng kinikilos mo ngayon!!! Weirddddd!!!!!


I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now