03

16 2 0
                                    

KIEL

KRIINNNGGG!!! KRIINNNGGG!!!

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Pinatay ko iyon at ako'y bumangon na dahil may pasok pa ako. Dumeretso muna ako ng CR ko at naghilamos. Pagkababa ko ng hagdan ay nagdire-diretso na ako sa dining area at naabutan ko doon si mommy't daddy.

"Kain na Elly"nakangiting yaya sakin ni mommy kaya naman umupo na ako at nanguha na ng pagkain.

Habang kumakain ay biglang may tumawag sa cellphone naman ni daddy...

"Yes hello?... Whose this?... Uh yeah... Whaaaatt?!... What happened?.. Ahh sige sige... I'll be right there in a minute.." then dad hung up.

Nanlulumong tumingin sakin si daddy, parang alam ko na ang mangyayari. "Ah Elly, I'm sorry hindi kita maihahatid muna ngayon may emergency bigla eh. Ang mommy mo na lang ang maghahatid sayo. I promise, I'll make it up to you" alanganing sambit ni dad at tumayo at humalik na lang sa pisngi ko.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa taas at naligo. Inihanda ko na ang aking uniform. Matapos kong maligo ay dinalian ko ng magbihis, magsuklay at bumaba na agad. Nakita ko naman si mommy na inaantay ako sa sala.

"Are you done baby?" nakangiting tanong sakin ni mommy kaya naman tumango ako. "Then, let's go" ngumiti naman ako nung sumakay na kami ni mommy sa sasakyan.

Tahimik lang kami ni mommy habang binabaybay namin ang papuntang school. Nang makarating sa school ay nagpaalam na ako kay mommy.

"Bye mom, I'll see you later. I love you" matamis ang ngiting sambit ko at humalik sa pisngi ni mommy.

"Bye baby, i love you too" sambit ni mommy bago ako bumaba ng sasakyan.

Nang umalis na ang sasakyan namin ay nagdire-diretso na ako papuntang building namin. Ang room namin ay sa first floor lang ng building na yun, kaya hindi na ako nahihirapan umakyat-baba. Nakarating ako sa classroom namin at dumeretso ako sa aking upuan. Nakita ko naman agad si Claire Kaya tinawag ko ito.

"Beeesss!!!" Nakangiting bungad ko sakanya at lumawak naman lalo ang ngiti niya.

"Ay bakla ka! Kahapon halos di maipinta ang mukha mo, ngayon naman kung makangiti parang walang bukas ha?!" Natatawang sabi niya kaya naman napabungisngis ako.

"Bes, okay na ako. Di ko na nga naaalala yung nangyari kahapon eh" sabi ko pa habang tumatawa, kaya naman mas lalo siyang natawa.

"Hayaan mo na yon bes, sira lang talaga ulo non si-----" naputol ang sasabihin niya ng biglang pumasok na si Ms. Tori.

"Good Morning class. Today, may ipapagawa ako sainyo bago mag-umpisa ang discussion natin. I will give an activity. A tongue twister activity." Nakangiting sambit ni Miss kaya naman nagbulong-bulungan ang iba. Kesyo daw na mahirap daw yon, na magkakabulol-bulol daw sila. "Okay class, you'll perform that activity today right after i give the activity." Napapatango na lang ang iba at walang magawa. Tumalikod na si Miss at sinulat ang tongue twister sa board.

'TONGUE TWISTER 101'
Betty bought a bit of butter
but she found the butter bitter
So she bought a bit of better butter
to make the bitter butter better.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon