15

11 1 0
                                    

Javier's POV

Natapos ang pang-umagang klase at ito na naman kami ngayon ni Marion, nasa daan papuntang cafeteria. Makikita ko na naman ang baliw na nagpapagulo sa isip ko >>___<<
Nitong mga araw laging magulo ang isip ko ng dahil sa kaiisip sa babaeng yon. Wala akong gusto sa kanya, ilang beses ko ng sinabi ko sa sarili ko yan pero may parte na hindi naniniwala sa akin. Nang makarating kami ng cafeteria ay inutusan ko si Marion na siya ang bumili ng lunch namin, at humanap ako ng mauupuan para sa aming dalawa. Ngunit sa kamalas-malasan, wala ng bakante at napalingon naman ako sa table nila baliw may bakante pa roon na dalawa. Lumapit ako sa table nila at napalingon naman agad sa akin ang tatlo niyang kasama, si Claire lang ang kilala kong kaibigan niya at hindi ko kilala ang dalawang lalaki na kasama nila.

"Do you if we join you?" Tanong ko at nagtaas naman ng paningin si baliw at tumingin sa akin. Ang inosente niyang tingin sa akin ay napalitan ng nagtatakang tingin. "There's no more vacant table here" dagdag ko at luminga linga naman siya sa paligid, animong kinukumpirma kung tama ba ang sinabi ko.

"Pwede ka naman maki-share sa iba..... Mamaya may sumugod na naman sa akin at magreklamo na layuan kita, kesyo ganito ganyan"aniya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Please" pamimilit ko pa sa kanya at nagulat pa itong lumingon sa akin.

"What did you say?"gulat pa ring tanong nito.

"I said, PLEASE" diniinan ko pa ang pagkakasabi ko.

"Okay, you may"tugon niya at hindi na ako pinansin.

Sakto namang pagkaupo ko ay ang pagdating ni Marion. Ang bakanteng dalawang upuan ay sa tabi ni baliw at nung kaibigan niyang si Claire. Doon ako umupo sa tabi ni baliw at si Marion sa tabi naman ni Claire. Tahimik lang kaming kumain, walang sino man ang kumibo sa amin habang kumakain kahit pa ang dalawang lalaki na kasama rin nila. Humarap ako kay baliw at kinalabit ito.

"Ano?!"asik nito.

"High ka naman agad, wala pa ngang sinasabi eh"natatawang usal ko. Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Get straight to the point!" Singhal niya at napataas naman ako ng kamay sa pagsuko.

"Okay, okay! Calm down!" Sabi ko pero hindi nawala ang sama ng tingin niya kaya nagpatuloy ako. "Dadalhin kita sa salon sa mall mamaya at paaayusan"bulong ko at kumunot naman ang noo niya.

"For what?!"asik na naman nito.

"Basta!" Tugon ko ngunit hindi pa rin siya kumbinsido.

"Dinner lang naman yon, bat pa kelangan ng ayos ayos na yan?! Lintek ka talaga, pakekealaman pa nila ang mukha ko"

"Eh kung sanang marunong kang mag-ayos, edi sana hindi na kita ipapaayos mamaya!"

"Ewan ko sayo! Andami mong arte! Tanong mo sa pagong!" Bulyaw niya't napatingin sa amin ang mga kasama namin sa table. Binigyan nila kami ng nagtatakang tingin at natahimik na lang kaming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay nauna na silang umalis, at as usual walang paalam-paalaman. Tumabi sa akin si Marion at inusisa naman ako.

"Bakit binulyawan ka na naman non?"natatawang tanong niya.

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now