16

10 1 0
                                    

Kiel's POV

Nang makarating kami sa harap ng bahay nila kumag ay akmang bababa na sana ako sa kotse niya.

"Hey, wait"malumanay na salita niya.

"What?" Tanong ko sa kanya.

May inilabas niyang pahabang lalagyan.... Parang lalagyan ng isang kwintas.... Iniabot niya sa akin iyon.

"Wear that" tugon nito at binuksan ko naman. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dalawang kwintas. Isang susi at isang padlock.

"How am I gonna wear this necklace? Eh dalawa? Alangan naman pagsabayin kong itali sa leeg ko?"sarkastikong tugon ko sa kanya at abaaa! Umirap ang kumag!

"Stupid! Isa lang ang saiyo dyan. The other one is mine!"asik nito at nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"A couple necklace? For you and for me?"

"Yes! Nagustuhan ko lang kaya binili ko kanina"

"Ba't naman couple? Hindi naman tayo couple diba?"

"Aisshh! Stupid! wear that one now!"singhal niya at kinuha ko ang kwintas na may pendant na padlock. "Give me that one"dagdag pa niya at iniabot ko naman sa kanya ang isang kwintas na may pendant na susi.

Nang akmang isusuot ko na ay nahihirapan ako isarado ang lock nito, napansin niya naman kaya bigla siyang lumingon sa akin. "Let me help you"usal niya.

"No, I can manage" tugon ko at sinubukan ulit ang pagsarado sa lock nito ngunit nahihirapan talaga ako. Bigla niyang hinablot ang kamay ko at kinuha ang kwintas.

"Turn your back on me"he said then I immediately turn back. "Done" usal niya't humarap na ako sa kanya. Pinagmasdan ko rin ang siya at nakita kong nakasuot na sa kanya yung kwintas.

Bumaba siya ng sasakyan at akmang bababa na rin ako ng siya mismo ang umikot at magbukas ng pinto sa tabi ko. Bumaba agad ako. Naglalakad na kami papasok sa bahay nila ng bigla niya namang kunin ang kamay ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Get your hands off me. Wala tayo sa teatro para umakto ng ganito"asik ko sa kanya.

"Will you please stop complaining?"aniya pero hindi ako nagpatinag. Akmang hahablutin ko ang kamay ko sa kanya ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak ron.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!"singhal ko sa kanya ngunit parang wala lang itong narinig. Nagpumiglas ako ng nagpumiglas hanggang sa padarag niyang binitawan ang kamay ko. Na-out of balance ako at ng matutumba na ako...

"Gotcha! Wag ka kasi malikot"aniya matapos ako saluhin bago ako malaglag sa sahig. Ngumisi siya habang ganoon pa rin ang posisyon namin at nakaalalay ang braso niya sa likod ko.

"Bitiwan mo nga ako!" Inis na bulyaw ko sa kanya at..... Binitiwan niya nga ako! Tuluyan akong bumagsak sa sahig. Tinignan ko siya ng masama. "What the hell?! Why did you do that?!"

"Sabi mo bitiwan kita, edi binitiwan kita"nakangising aniya at dali dali naman akong tumayo at pinaghahampas siya ngunit nasasalag naman ng braso niya.

"Bwiset ka, bwiset ka! Kumag ka talagaaaa!"singhal ko habang pinaghahampas pa rin siya.

"Hey, stop! Mamaya makita pa tayo dito nila mom at dad!"

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant