01

53 4 0
                                    

KIEL

Ngayon ang unang araw ng pasukan, at kung nagtatanong kayo kung anong grade ko na ay hindi ko po alam ay char! Grade 10 na po ako, panghuling grade ko na para sa Junior High School. Kaya syempre naghahanda na akong pumasok. Pababa na ako ng hagdan ng salubungin ako ng yaya ko...

"Ms. Elly kain na po kayo at baka ma-late pa kayo sa unang araw ng eskwela" sabi ni Yaya Linda.

"Ah opo Yaya, asan po sila mommy at daddy?" Tanong ko at medyo nagulat pa siya ng tanungin ko iyon.

"Ayy, kasi po. Ano po kasi eh----" kamot-ulong hindi niya maipaliwanag kung nasaan sila.

"Ah umalis na ba? Nasa trabaho na sila? Ah sige po Yaya, sabayan niyo na lang po ako kumain" medyo malungkot kong sabi pero diko pinahalata kay Yaya yon dahil alam kong mag-aalala siya sakin.

Umupo nalang ako sa aking upuan at inaya ko na rin ang ibang maids na sumabay na sakin kumain, dahil ayoko naman kumain mag isa na andami daming pagkain sa harap ko. Pagkatapos kung kumain nagpahatid na ako kay Mang Roly sa A.G Academy para mahanap ko na ang aking classroom....

Pagkababa ko sa gate ng school ay sobrang daming estudyangteng nakakalat at sobrang ingaaaayyy ng paligid. Rinig na rinig ang tsismisan ng bawat isa.....

"Ay freeeennn!!! Sobrang excited ako sa school year ngayonnnn!!!" Wika nung isang babaeng nakasalubong ko.

"Waaaahhh ako rin freeennn!!! Balita ko daw mas dumaming gwapo ngayonnnn!!! KYAAAAAAHHHHH!!!" Wika naman nung ka-tsismisan niya.

"Haaayy, ano ba naman yang inaatupag ng mga to, panay mga lalaki, makaalis na nga lang at hahanapin ko pa ang classroom ko" ayan nalang ang nasabi ko sa sarili ko dahil sa dami ng mga tsismis na naririnig ko sa mga dadaanan ko.

Pumunta ako sa building ng Grade 10 para hanapin ang aking classroom. Habang naghahanap ako ay, nakita ko naman ang kaibigan kong si Maria Claire Perez. Siya ang kaibigan ko magmula grade 7 palang kami, sobrang close namin dahil katulad ko ay isa rin siyang nerdy girl. Nang makita ko siya ay agad ko siyang tinawag....

"Maria here!!!!" Sa sobrang lakas ng pagkakatawag ko sakanya ay hindi lang siya ang napalingon sa direksyon ko, kundi pati na rin ang ibang estudyanteng naghahanap rin ng kanilang mga room.

Napayuko nalang ako dahil andaming matang napatingin sakin kaya lumapit naman agad ang kaibigan ko sakin...

"Ano ka ba naman Kiel! Bat mo naman ako tinawag ng ganon kalakas? At ang isinigaw mo pa ay ang first name ko! Diba sabi ko sayo Claire ang itawag mo sakin, 'wag naman yung first name ko bes" napapangiwing sabi niya sakin. Naalala ko nga palang ayaw niyang nagpapatawag sa first name niya kasi masyado daw babaeng babae pakinggan, HAHAHAHAHA. Baliw talaga to si bes!

"Sorry naman bes, nadala lang ako HAHAHAHA btw i miss you bes! Naghahanap ka rin ba ng room mo?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya.

"Sabay na tayo maghanap bes, kasi I'm sure na magkaklase na naman tayo!!!!!" Kung di niyo natatanong ay lagi kaming magkakaklase ni Claire simula pa nung Grade 7 palang...

Sabay naming hinanap ang aming room at as usual section 1 na naman kaming dalawa. Sabi sainyo eh kaklase ko nanaman ang baliw kong kaibigan HAHAHAHA.

"Tara bes, hanap na tayo ng mauupuan" naghanap-hanap kami ng upuan hanggang sa makahanap kami, sa kasamaang-palad ay ang bakanteng upuan ay magkabilaan, may napapagitnaan kaming isang lalaki. "Okay lang ba sayo bes na doon nalang tayo? Para di na tayo maghanap ng ibang upuan? Kasi baka matabi pa tayo sa ibang maaarte, alam mo na" wika niya at napatango nalang ako.

Dumeretso kaming dalawa doon sa bakanteng upuan sa likod na napapagitnaan namin ang isang lalaki. Si Claire ay nasa kanan at ako naman ang nasa kaliwa...

Magkukwentuhan pa sana kami ni Claire ng biglang pumasok na ang aming Prof. for sure siya ang Adviser namin.

"Good Morning Class, welcome to the new school year. My name is Toriel Vargas but you can all call me, Ms. Tori. I'm your class adviser for this year. Are you all to ready introduce yourself?" Sabi ni Miss kaya naman medyo kinabahan ako, kasi lagi naman akong kinakabahan lalo na sa introduce yourself na yan. Mukhang mapapasabak na naman ako dito. Haaaaayyyy...

Alphabetically arrange ang pagpapakilala at sa kasamaang-palad babae pa ang nauna, kaya isa-isa ng nagpakilala hanggang umabot na kay Claire kaya mas lalo akong kinabahan dahil magkasunod lang kami...

"Hi everyone, my name is Maria Claire Perez, but you can all call me Claire. And i believe in the saying that 'what is your beauty if your brain is empty' thank you." Ayan tapos ng magpakilala si Claire kaya mas lalo pa akong kinabahan dahil nahihiya ako pag sa ibang tao, pero pag kay Claire hindi.

Tumayo na ako at naglakad ng dahan-dahan papunta sa harap dahil talagang kinakabahan ako, "ehem, H-hi m-my name i-is Elly Kiel Ramirez. A-and i b-believe in the saying t-that, 'Don't give up and grow up!' t-thank you." Haaayy salamat naman at nairaos ko kahit pa utal utal ang pagkakasabi ko. Bumalik na ako sa upuan ko at tuluyan na rin nakalma ang sarili....

Natapos ang pakilalahan sa isa't isa at sumunod din ang isang prof. namin na ganon din ang pinagawa...
Pagkatapos ng nakakakabang pakilalahan ay dumeretso kami ng cafeteria ni Claire para bumili ng mga makakain namin...

"Grabe talaga bes, jusko kinabahan ako ng bongga dun sa introduce introduce na yon! Ayoko na umulit sa ganon, halos maihi na ako sa kaba" sambit ko at napabungisngis naman kami sa isa't isa dahil sa reaksyon ko.

"Ano ka ba naman bes, bakit di ka pa masanay na kapag first day of school ay panay introduce yourself na ganyan pa-kemekeme. Masanay ka na kasi may iba pa tayong Prof. mamaya HAHAHAHA" Tumawa naman siya at natawa na rin ako.

Nang makabili na kami ng pagkain namin ay naghanap naman kami ng mauupuan namin. Nakita namin ang bakanteng upuan malapit sa kaliwa at naupo kami doon...

Kinain ko na ang binili kong spaghetti at cheese burger pero bigla naman akong nasamid at pagkatingin ko sa harap ko ay wala pala akong nabiling inumin, kaya dali-dali akong tumayo at bumili ng maiinom ko na juice.
Habang pabalik na ako sa upuan namin ay bigla akong may nabanggang estudyante kaya napalingon ang iba at ang iba naman ay busy pa rin sa kakakain....

Nabuhos ang juice na binili ko at biglang...

"Ano ba?!! Bulag ka ba?! Hindi mo ba tinitignan dinadaanan mo?! Ang tanga mo naman!" Sabi nung nakabangga kung lalaki. Tumayo ako hindi ko pa rin nakikita ang mukha nung lalaking nabangga ko. "Ano ganyan ka na lang?! HAAA?!! Natapon mo sakin ang juice mo! Ang tanga mo naman!!!" Sabi niya pa kaya biglang naiangat ko na ang paningin ko sakanya at bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko... SOBRA AKONG KINAKABAHAN.

Kung tinatanong niyo kung sino ang nakabangga ko ay walang iba kundi ang bully na si.....

JAVIER JAMES DELOS REYES...




I'm Engaged With A Bully [On-Going]Where stories live. Discover now