30

8 1 0
                                    

KIEL

KINABUKASAN

Maaga akong nagising, sinubukan ko ulit matulog kahit ilang minuto pa pero hindi na ako dinadalaw ng antok. Tinignan ko ang orasan mag aalasais palang ng umaga. Napagdesisyunan ko nalang maligo. Tinagalan ko ang pagligo para naman hindi ko mamalayan ang oras. Ulang minuto pa ay lumabas na ako mula sa banyo ng naka bathrobe. Dumeretso ako sa closet ko at kinuha ang uniform ko. Kumuha rin ako ng mga undergarments ko, pati na ng sando at shorts. Isinuot ko ang mga pang ilalim ko at sinunod ko na ang uniform ko. Bumalik ako sa closet ko para kumuha ng white long socks at para na rin kunin ang black shoes ko. Bumalik ako sa kama ko at umupo sa gilid, isinuot ko ang white long socks ko at pati na rin ang black shoes ko. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang bag pack ko.  Palabas na ako ng kwarto ko at pababa na ng hagdan.

Dumeretso ako sa isang sofa sa sala at umupo doon. Kinuha ko ang cellphone ko at sakto naman na may na-received akong message galing kay kumag.

Fr: Kumag

Good morning! Otw to fetch you. We'll eat outside nalang, if it's okay  with you?

6:50 A.M.

Nag-type ako ng isasagot ko.

To: Kumag

Ah yeah. Btw, good morning too!

Message sent!

After I texted back, isinilid ko ng muli ang cellphone ko. Nakita kong lumabas si Yaya Linda mula sa kusina. Napatingin ito sa gawi ko at mukhang nagulat pa. 

"Good Morning, Yaya."

"Good Morning din, iha. Ang aga mo naman?"

"Hindi na po ako makatulog e."

Pinagmasdan niya ang kabuuan ko.

"Oh? At bihis kana pala? Halika na doon sa dining area, kumain kana. Bababa na mamaya 'yong magulang mo."

Ngumiti ako ng awkward kay Yaya, "Ahh, sa labas na po ako kakain."

"Ganoon ba? Sinong kasama mo? Iyong nobyo mo ba?"

Nobyo? Really?

"Ahh hehehe.... Nag-aya po e." nahihiya'ng tugon ko.

"Naku, oh siya sige. Hayaan nalang kita dyan ha?"

"Opo, Yaya."

Bumalik ulit si Yaya sa loob ng kusina, at ilang minuto pa ay nakita ko ng pababa ng hagdan si Mom at Dad. Lumapit ako para salubungin sila.

"Good Morning, Mom Dad." Sabi ko sabay halik sa pisngi nilang dalawa.

"Good Morning, baby." Si Mom.

"Good Morning, baby girl." Si Dad.

Pinagmasdan ako ni Dad.

"Ang aga mo naman? Papasok kana ba?" Tanong ni dad.

"Hindi pa po, Dad."

I'm Engaged With A Bully [On-Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora