Chapter 2: Lunchbox x Note

267 15 0
                                    

Kasalukuyan na akong nakasakay rito sa jeep. At na-stuck na naman ako sa traffic na ito. Shit. Late na ako! As usual, natraffic na naman dahil sa ginagawang kalsada.

Medyo may kalayuan pa ang paaralan dito sa kinalalagyan ng sinasakyan ko. Kaya nag focus na lang ako sa pakikinig sa music.

Hanggang kailan kaya matatapos itong pagkukumpuni ng kalsada na ito? I mean, malaki ang nasasayang na panahon at oras nang dahil lang sa traffic. Marami ang pwede kong gawin sa mga naaksayang panahon na iyon. Ang init pa naman at nakaka haggard ng bongga ang pawis.

Ang pagkaka alam ko ay nung nakaraang buwan pa lang 'to natapos na kalsada tapos ngayon kinukumpuni na naman? Ano to endless?! May mabulsa lang sa proyekto kuno nila.

Habang nag mumuni muni ako para 'di mairita sa traffic, may biglang sumakay at tumabi sa akin.

"Pasuyo po ng bayad. Sa university lang po. Salamat" pasuyong sabi ng katabi ko.

Nang aabutin ko na ang bayad niya ay saka ko lamang siya nakita. Siya 'yung nabangga ko kahapon sa cafeteria! At nakangiti pa siya habang ipinapaabot ang kanyang bayad.

"Ah, eh." nauutal kong sabi at nanginginig din akong inabot ang kanyang bayad since katabi ko siya at malapit ako sa driver.

"Uhm, bayad daw po" abot ko sa jeepney driver. "Shit, katabi ko siya ngayon." bulong ko sa sarili ko.

Ang weird lang kasi parang tinititigan ako ng katabi ko. Pero hinayaan ko na lang. Baka guni guni ko lang.

Kinuha ko na lang ang wireless earphones ko para makinig ng music. Nang ma-connect ko na sa cell phone ko ang wireless earphones ko ay binuksan ko ang spotify ko at hinanap ang Dangerous Woman Album ni Ariana Grande. Isa sa mga paborito kong album niya. By the way, I'm an Arianator. Nag scroll na lang din ako sa feed ng twitter ko para hindi ma-bored. Active din kasi ako rito eh.

Halos abutin ng kalahati pang oras bago makarating sa school namin. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inis.

"Late na nga ako" pairap kong bulong sa sarili. Wala na akong magagawa sa pagkakalate ko.

Siguro hintayin ko na lang sina Andrea sa library since mamaya pang 1 PM ang second subject namin at patapos na rin ang first subject namin ngayong 11 AM.

Habang naglalakad ako patungong library ay nakita ko na naman 'yung lalaki. Papunta siya sa building ng Engineering. Siguro engineering ang course niya? Malay ko. Ano kaya ang pangalan niya? Nacurious tuloy ako sa kanya.

Pagkarating ko sa library ay nag log-in ako sa computer gamit ang library card ko, nirerecord kasi ang attendance. Ba't pa kaya nirerecord eh alam ko namang pinagtatambayan lang 'to ng mga estudyante. Pumunta na ako sa usual kong inuupuan. Sa bandang dulo ng library at medyo tago kaya pwedeng pwedeng matulog.

Since then, palagi ko na itong tambayan. Ang silensiyo kasi at malamig. Minsan, dito rin ako natutulog kapag walang prof or kinulang sa tulog dahil sa pag rereview at paggawa ng mga requirements. And since late ako ngayon, dito na lang muna ako papatay ng oras.

"Andrea, nandito ako sa library. Puntahan niyo na lang ako rito pagkatapos ng first subject natin." dm ko kay Andrea para naman alam nila kung nasaan ako ngayon. 15 minutes na lang naman na bago mag lunch break eh.

Kumuha muna ako ng libro na related sa course ko at nagbasa muna para 'di ma bored.

'Di nagtagal ay dumating na sina Andrea at Jordan. Ang aga ata ng dismissal ngayon? Mas okay na rin palang 'di na ako tumuloy sa room, baka nagmukhang tanga lang ako pagkarating ko tapos uwian na agad.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now