Chapter 35: First Christmas Together♡

74 7 0
                                    

"Patayin mo na nga 'yang electric fan! Ang lamig lamig na nga nag e-electric fan pa rin." siko sa akin ni Andrea habang busy sa panonood sa TV. Inikutan ko siya ng mata, sinunod ko nga siya at pinatay na ito. Ang lamig na rin kasi dahil limang araw na lang ay pasko na, idagdag mo pa ang makulimlim na panahon. Hindi naman umuulan, gano'n naman talaga tuwing Disyembre. Sabado ngayon at nandito si Andrea, Chelsea at Jordan sa bahay namin, nanonood sa Netflix. Bored daw kasi sila kaya naisipan nilang mag movie marathon dito. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa kanila, paano ba naman nawalan kami ng bebe time ni Justin. Mamaya na nga lang.

Bandang hapon na nang matapos na kaming manood.

"Saan kayo magpapasko?" tanong sa akin ni Chelsea. "Uuwi ba kayo sa probinsya?" dugtong pa nito.

"Wala atang balak umuwi sa Bicol si ate Mitch eh. Kaya rito lang siguro sa bahay kaming dalawa mag papasko." kibit balikat kong sagot. Nakakatamad din kasing umuwi lalo na at ang layo nito.

"Sa probinsya kami mag papasko eh."

"Edi pasalubungan mo kami. Saan ba kayo?" sabat ni Andrea.

"Sa Baguio."

"Baguio? Mas malamig do'n ah? Pasalubungan mo kami strawberries ah!" pangungulit ni Andrea sa kanya.

"Tsk. Oo na!"

"Siguro kila Kian ako magpapasko." wika ni Andrea.

"Bakit hindi ka na lang mag pasko sa amin, Austin? Sama mo na rin si ate Mitch." sabi sa akin ni Jordan, napataas tuloy ang kilay sa kanya ni Andrea.

"Bakit? Boyfriend ka ba ni Austin?" mataray na tanong sa kanya ni Andrea.

"Iniimbitahan ko lang naman!" depensa agad ni Jordan na medyo may halo ng pagkainis sa tono ng pananalita.

"Hindi ko alam kung pwede Jordan eh. Pag isipan ko." sabi ko na lang para matigil na silang dalawa ni Andrea.

"Sige." nakangiting tugon ni Jordan.

"Paano, mauna na ako sa inyo ah? Magkikita pa kami ng boyfriend ko eh." paalam ni Chelsea at nag ayos na ito.

"Teka, sabay na tayo. Pupuntahan ko pa si Kian eh." tumayo na rin si Andrea at sumabay na kay Chelsea palabas ng bahay. "Ikaw Jordan, hindi ka pa ba uuwi?" baling nito sa nakaupong si Jordan.

"Susunod na lang ako." ani Jordan. Tumango na lang si Andrea kaya sinamahan ko na silang lumabas at nauna na silang umalis. Pagkabalik ko sa loob ay nakita ko si Jordan na nakaupo pa rin sa sofa.

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi siya magpapaiwan dito kung wala siyang sasabihin sa akin eh. Napatingin naman siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabalisa na ewan. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sa akin. Nginitian ko siya para iparating sa kanya na sabihin niya na sa akin.

"W-wala naman. Sasabihin ko lang na kung matutuloy kayo sa bahay namin sa pasko namin ay sabihan mo lang ako." tumayo na ito at nilapitan ako at nilagay ang kanyang kamay sa balikat ko. "Sige, mauna na ako." tumango lang ako sa kanya at sinamahan na siyang lumabas.

"Ingat ka pauwi." sabi ko sa kanya nang makasakay na siya sa kotse niya, kinawayan ko pa siya. Nagbusina lang siya bilang tugon niya sa akin at saka umalis na.

Ramdam kong hindi 'yun ang gusto niyang sabihin sa akin. Kung ano man iyon ay hindi ko alam. Pinagkibit balikat ko na lang ito at bumalik na sa loob. Pagka pasok ko ay sakto namang nag vibrate ang cell phone ko sa bulsa ko, tumatawag sa akin si Justin.

"Hello pogi loves." nakangiting sagot ko sa kanya. Narinig ko namang napatawa siya sa kabilang linya.

"Bakit?" nakangisi ko ring tanong sa kanya.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now