Chapter 10: Research

138 9 1
                                    

Dumating na ang araw ng Sabado at kasalukuyan na kaming gumagawa ng research dito sa bahay namin. At heto ako ngayon, nakatulala lang sa harap ng laptop ko habang nakatitig sa blank page na wala man lang kalaman laman. Kaloka! Nada-dry agad ang utak ko sa kaiisip ng ilalagay ko rito sa research namin eh. Mabuti pa si Jordan seryosong seryoso sa pag type sa laptop niya.

"Hay, ang hirap naman nito." ani Andrea na tila ba nanghihina na sa pag b'brainstorm. Mukhang patulog na ata 'to eh. Nakapikit na siya habang nakasandal ang ulo sa lamesa. Yinugyog ko naman siya.

"Hoy! Umayos ka nga riyan! Damayan mo kami sa paghihirap na ito. Baka tulugan mo na lang ang research at wala pa tayong magawa." pag istorbo ko sa kanya.

"Eh. Ang hirap kaya! Sumasakit na ang ulo ko. Kayo na lang gumawa niyan." ang yamot na sagot nito. Tsk. Wala na kaming aasahan pa rito.

Umayos na ulit siya ng kanyang upo at tumutok na sa laptop niya. Mabuti naman at naisipan niya pang tumulong! Seryosong seryoso na siya.

"Hanap na lang tayo ng makakalandian sa dating sites!" ang tila nabubuhayang sambit nito.

"Kingina. Akala ko gumagawa ka na riyan! Nakikipaglandian ka lang pala sa dating site."

"Aba! Mas may mapapala pa ako rito kesa sa research na 'yan. Sabi nga nitong si @marinongmaninisid 'Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba ang research? Ako matalino akong tao pero hindi ko maintindihan 'yung research niyo.' Kaya kung ako sa inyo maghanap na lang ng kalandian sa dating sites. Nang magkajowa na kayo no." mahabang litanya nito. Napakunot naman ang noo ko sa quote na binasa niya.

"Anong sabi mo? Ang alam ko si Villar ang may sabi nun, hindi iyang maninisid na pinagkakalat mo. At saka isa pa, may kwenta ang research no. Malaki ang tulong nito lalong lalo na para sa future natin." pangangatwiran ko naman. Kung makapagsalita naman ako kala mo talaga nakagawa na ng research.

"Si Villar ba? Eh bio kasi nitong marino." tinignan ko naman ang screen ng laptop niya at nakita ko ang profile nito. Bio nga ng maninisid na marino! Kaloka!

"Ang hilig mo naman sa marino!"

"Syempre, bali-balita kasing magagaling daw sila lalo na sa pagsisid. Sana sisirin nila ako pagdating ng panahon." nag space out siya. Nakuha niya pang mag daydream. Napangiwi ako sa kabastusan niya.

"Hoy Andrea, gumawa ka na nga ng research natin. Sabihin ko sa prof natin na 'di ka sa'min tumutulong. Siguradong bagsak ka sa kanya." pagsingit ni Jordan sa usapan namin. Nakaligtaan na pala namin ang ginagawa namin. Ito kasing si Andrea puro kaharutan ang inaasikaso.

"Hoy huwag namang gano'n! Ang hirap kasi mag isip."

"Anong mahirap?! Hindi ka naman kasi nag iisip eh. Puro kaharutan at kabastusan lang ang laman ng utak mo." panenermon sa kanya ni Jordan saka kinaltukan sa ulo.

"Aray. Eto na nga!" nakakamot ulo siyang tumutok sa laptop ulit. Mabuti naman at hindi na dating site ang nasa tabs ng laptop niya. Pero heto pa rin ako, wala man lang maisip. Tsk. Kung essay lang ito o simpleng paragraph lang ang ilalagay rito ay baka mahaba na ang mga nailagay ko at naka ilang page na. Kailangan kasing pag isipan talaga at dapat tama.

"Ano na ang mga nagawa mo Austin?" tanong sa'kin ni Jordan habang sumisilip sa laptop ko. "Wala pa rin?" ang medyo disappointed na dugtong nito. Napatawang hilaw naman ako.

"Ang hirap kasing mag isip eh. Di ako masyadong makapag concentrate." pagdadahilan ko sa kanya.

"I-narrow down mo lang kasi ang ideas. Baka kasi ang dami mong naiisip pero di mo nakuha ang gist nito. Halika tulungan na kita." inilapit niya naman ang upuan niya sa may upuan ko.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now