Chapter 42: Resolve

80 5 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong nagpalit ng damit. Nang magtanghali na ay nagluto na ako ng pagkain, nagpahinga saglit at naligo na pagkatapos.

Naalala ko ang napag usapan namin kanina ni Ashley. Parang gumaan na ang pakiramdam ko dahil doon. Kailangan ko na lang kausapin si Justin. Siguro ay sa Lunes na lang, sa pasukan.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng loose black shirt and above the knee khaki shorts with white fila shoes. Kinuha ko na ang cellphone at wallet ko laman ang perang binigay sa akin ni ate Mitch at ang listahan.

Saktong ala una ng hapon ay lumabas na ako ng bahay at nag commute papuntang mall. Sayang, hindi ko man lang kasama sina Andrea. Nakalimutan ko namang sabihan si Ashley kanina kaya mag isa na lang akong mag g-grocery.

Pagkarating ko sa mall ay agad na akong pumunta sa supermarket para mabili ang lahat ng nasa listahan.

Kumuha ako ng isang pushcart dahil marami-rami rin ang aking bibilhin. Nagsimula na akong mag-ikot habang nasa kamay ko ang listahan.

Halos kalahating oras na akong umiikot dito sa supermarket at halos mapuno ko na ang tulak-tulak kong pushcart.

"Detergent powder at fabric conditioner." mahinang basa ko sa listahang hawak ko. Nasa kabilang isle ang mga iyon kaya pumunta ako sa cleaning supplies area.

Maraming klase ng detergent powder. Wala namang nakalagay sa listahan kung anong klase kaya kumuha na lang ako ng isa at isang bote rin ng fabcon. Paliko na ako sa isang isle nang may tumawag sa akin.

"Austin!" napahinto ako sa pagtulak ng pushcart at nilingon siya. Si tita Madison pala! Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya at nakipag beso. Mukhang mag isa lang siyang nag g-grocery ngayon dahil hindi ko nakikita si Josiah.

"Nag g-grocery ka rin pala ngayon. Musta ka na? Hindi ka na pumupunta sa bahay. Nami-miss na kitang bata ka." ang parang nagtatampong wika nito. Kaya napakamot na lang ako ng aking ulo dahil sa hiya. Hindi ako nakasagot sa kanya.

"I know na hindi kayo okay ngayon ni Jus." ang sabi niya. Nagsimula na ulit kaming maglakad. This time ay magkasabay na kami.

"Oo nga po eh." mahinang sabi ko na lang. Kumukuha rin ako ng mga bibilhin sa mga nadadaanan namin.

"Musta na po pala si Justin?" tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Haay, ayon. Palaging nagkukulong sa kwarto. Lumalabas lang kapag kakain. Ang tamlay tamlay niya nga nitong mga nagdaang araw eh. Hindi niya kami masyadong kinakausap. Pati nga si Josiah ay hindi niya masyadong pinapansin kaya nag aalala na kami sa kanya." malungkot nitong sabi. Nag aalala nga talaga siya para sa anak niya. Na guilty naman ako dahil doon.

"Sorry po." apologetic kong sabi sa kanya.

"No, no. Alam ko kung ano ang nangyari sa inyo dahil nakwento niya sa akin noong pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Wala kang kasalanan. Nasaktan ka lang kaya gano'n." tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ng mapait.

"Nagsisisi rin siya dahil nangyari 'yon. Sana magkausap na kayong dalawa. Parang bumabalik na ulit siya sa dati eh." aniya. Nagpatuloy na ulit kami sa paglilibot sa supermarket para makuha ang mga bibilhin.

"Ano pong ibig niyong sabihin na bumabalik siya sa dati?" curious kong tanong. Kung gano'n ay may hindi pa ako alam kay Justin.

"It's about his dad." mahinang wika ni tita Madison. Nararamdaman ko ang lungkot niya sa himig ng kanyang boses. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay ang susunod na sasabihin.

"May sakit kasi sa puso ang daddy niya at ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay. High school pa lang siya noon at maliit pa lang noon si Josiah. I think two years old pa lang. Sobrang nalungkot siya nang mawala ang daddy niya, ang asawa ko. Naging cold siya at hindi masyadong makausap. Sobrang close kasi nilang dalawa ng asawa ko eh. Syempre bilang magulang ay nalungkot din ako dahil nagkagano'n siya. Nag alala rin ako sa kanya. Naisipan ko nga rin siyang ipatingin sa doktor kasi baka kailangan niya ng professional help. Pero kahit papaano ay naging okay din siya lalo na't nagkaroon din ito ng kaibigan. Si Kian. Naging thankful din ako sa batang 'yon." mahabang pag kwento nito sa akin. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang nangyari sa kanya. Napapansin ko namang wala nga ang daddy niya sa bahay nila pero hindi na ako nagtanong kasi ang rude naman.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now