Chapter 13: Jealousy???

131 9 0
                                    

"Wala pa rin sila?" bulong ko sa aking sarili pagkapasok ko ng room namin. Actually, 10 am ang first class namin pero maaga akong pumasok sa school ngayon. Tinignan ko phone ko, 9:30 pa lang pala. Kaya siguro wala pa ring tao sa room.

Nagtungo na ako sa upuan ko, pero bago pa man ako makarating sa armchair ko ay may napansin na akong nakapatong na box dito. Pagkalapit ko ay sinuri ko ito. May kalakihan ng kaunti ang box na para bang tablet phone ang laki. Nababalutan din ito ng magandang wrapper. May nakita akong nakadikit sa ibabaw nito. May note na naman! Tinanggal ko ito sa pagkakadikit sa box saka binasa.

"Meet me on Friday 5 pm at the library." pagbasa ko sa note.

Oh? Makikipagkita na siya sa'kin? Sino kaya 'to? Nilapag ko muna sa armchair ang note. May kabigatan pala itong box. Ano kaya ang laman nito? Buksan ko na kaya?

Bago ko pa man masira ang magandang wrapper na nakabalot sa box ay siya namang pagdating ni Andrea.

"Himala ang aga mo ngayon ah?" napalingon ako sa kanya.

"Ah oo. Trip ko lang pumasok ng maaga."

Mukha namang napansin niya na ang hawak hawak kong box.

"Ano 'yan?" pang uusisa niya. "May nagpapabigay na naman sa'yo?" kinuha niya ang box at in-examine ito.

"Oo ata. Pagkarating ko rito nakita ko 'yang nakapatong sa armchair ko."

Nabasa niya rin ang note na pinatong ko sa armchair.

"Makikipagkita na siya sa'yo?!" ang tila gulat at 'di makapaniwalang reaksyon nito. Oa!

"Obviously. Nabasa mo naman sa note 'di ba? Huwag tanga." pambabara ko sa kanya.

"Pero makikipagkita ka ba? Maupo nga muna tayo at nakakapagod magdaldalan ng nakatayo no." kaya umupo na muna kami.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Makikipagkita ba ako sa kanya sa Friday sa library? Wala namang mawawala kung pupunta ako 'di ba? At saka makikilala ko na rin kung sino ang nasa likod ng mga natatanggap ko.

"Siguro." unsure kong sagot.

"Ba't siguro? Puntahan mo siya sa Friday! Kung hindi ka pupunta ako mismo ang pupunta at sabihin na lang sa'yo ang aming napag usapan."

"Gaga ka. Pag isipan ko muna."

"Ba't kailangan pang pag isipan?! Makikipagkita ka lang naman. Malay mo maging syota mo pa siya 'di ba? Sayang ang chance bakla kaya pumunta ka." at talagang naisip niya pa 'yan ah? Porke puro meet up siya pero 'di naman nakatutuluyan.

"Kung ano-ano na naman ang ini-imagine mo. Kanonood mo 'yan ng Kdrama. Wala akong pake sa syota syota na 'yan. Hindi mangyayari 'yang iniisip mo no. Imposibleng mangyari sa'kin 'yon." at lalong ayoko ring umasang mangyayari talaga 'yan. Lakas maka cynical romantic.

"Ang nega mo naman. Makikipagkita ka lang, sumipot ka sa Friday ah?" pamimilit nito. Ang aga aga naririndi na agad ako kay Andrea. Sana pala ay hindi na muna ako pumasok na maaga.

"Oo na." sagot ko na lang para matahimik na ang kaluluwa niya. Kung hindi pa ako sa-sang-ayon ay mas lalo lang ako nitong kukulitin.

"'Yun!" masayang ani nito. "'Di mo pa ba 'yan bubuksan? Nang makita mo na ang laman niyan." pagtukoy nito sa box na nakapatong sa armchair ko.

"Ah hindi na." binuksan ko ang bag ko saka nilagay ang box. Tinanggal ko naman ang case ng phone ko at nilagay rin dito ang note para 'di mawala.

"Gara mo naman bakla. Tch."

"Tse! Tigilan mo ako. Teka. Kumusta ka na? Okay ba ang ma-ghost?"

"Ha? Wala na akong pakialam sa kanya. Nagchat nga siya sa'kin nung nakaraan na namimiss niya raw ako. Neknek niya! 'Di siya sa'kin magpaparamdam ng ilang araw tapos bigla na lang siyang magchachat na namimiss niya na ako?!" mukhang matindi ang hinanakit niya sa nang ghost sa kanya.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now