Chapter 12: Kian

142 10 1
                                    

"Bilisan mo naman Austin." pagmamadali sa'kin ni Andrea habang binibilisan nito ang paglakad. Kaya binilisan ko na rin.

"Oo. Teka lang!" hinihingal na ako sa paglakad, lalong lalo na at inakyat pa namin ang building hanggang fourth floor! Bakit kasi walang elevator man lang dito o kaya escalator? Para 'di nakakapagod umakyat ng building.

"Kapag 'di natin naabutan 'yung kikitain natin, ikaw ang may makikita sa'kin." pambabanta nito sa'kin.

Hindi kami pumunta sa building na ito para makipagmeet na naman siya sa random strangers. Naparito kami para kitain ang isa sa mga respondents ng research namin, nagkataon kasing kailangan ng masinsinang pakikipagpanayam at malalimang obserbasyon sa respondents kaya dapat itong ma interview. Hindi kasi uubra kung survey lang ang aming tools, baka pumalya lang ang aming research sa mga impormasyong malilikom namin gayong hindi ito reliable.

Alas tres na ng hapon at kasalukuyan kaming nasa Engineering building. At kami ni Andrea ang na assign sa paglikom ng data ngayon. Konting push na lang matatapos na namin ang research.

"Ay, bwiset! Wala nang tao sa room! Baka nagsiuwian na sila!" ang iritadong sabi ni Andrea pagkarating namin sa room kung saan dapat namin kikitain ang respondent namin. Nagtungo naman ito sa isang malapit na bench at naupo. Mukha siyang na stress nang malamang wala nang tao sa room, dagdag mo pang inakyat pa namin itong building. Lumapit ako sa kinauupuan niya at tinabihan siya.

"Ayos lang 'yan. Sa susunod na araw na lang ulit natin siya kitain. Marami pa naman tayong time."

"Sayang lang kasi sa oras. Dibale na, ang dami namang mga fafable sa building na ito eh. Shit." mukha naman siyang sumigla nang banggitin ang lalaki. Lumalakas talaga siya kapag lalaki na ang pinag-uusapan.

"Hoy! Research ang pinunta natin dito! Hindi lalaki! Sabunutan kita riyan eh."

"Pass na lang sis. Researh nga pinunta natin dito pero nasaan na yung respondent natin? 'Di ba wala?!" pairap nitong sabi.

"Edi kung wala naman na tayong gagawin dito, bumalik na lang tayo sa room. Tulungan na lang natin si Jordan sa research."

"Anong walang gagawin? Since nandito na tayo, libutin na muna natin itong building at nang makita naman natin ang mga nakatagong gwapo na ayaw magpakita sa'tin!" hinila agad ako nito at nagsimula nang mag ikot-ikot. Napansin ko ngang ang daming lalaki sa corridor. Sabagay halos karamihan naman sa mga Engineering ay mga lalaki. Bihira lang ang babae. Ata? Kaya naman enjoy na enjoy si Andrea sa pag awra.

"Grabe pala kung hindi ako nag psych at nag Engineering na lang, siguro matagal na akong nadiligan. Shit, nakikita ko pa lang sila nagwe-wet na ako." bulong nito sa'kin. Tignan mo nga ito, parang hindi na ghost nung nakaraan ah. Mukha namang napagod na siya at naupo na muna kami sa bench pagkababa namin sa ground floor ng building. Ikutin ba naman namin ang kada floor para lang masilayan ang mga lalaki!

Napansin kong natahimik siya at malalim ang iniisip. Mababakas mo sa mukha niyang ayos lang siya pero hindi nagsisinungaling ang kanyang mga mata.

"Andrea. Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan sa balikat niya. Lumingon siya sa'kin saglit at binaling na ulit ang tingin nito sa harap niya.

"Ayos naman ako, ano ba namang tanong 'yan?" iniba niya ang kanyang mood, pero hindi pa rin ito nangangahulugang mabuti na ang kanyang pakiramdam.

"Hindi sa akin gagana 'yang pagsisinungaling mo. Kilala na kita. Sabihin mo na sa'kin." ani ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya. Mukhang wala naman na siyang nagawa kaya sinabi niya na rin sa'kin.

"'Di pa kasi ako maka move on sa pag-ghost sa'kin ni Claude. There are still questions lingering in my head. Sana man lang may pasabi siyang iiwan niya ako o hindi niya ako gusto. Sa ganoong paraan ay baka matanggap ko pa. Hindi 'yung igo-ghost niya na lang ako basta basta at hindi na magpaparamdam. Ang sakit lang." malungkot at seryosong sambit nito. Mukha ngang nasaktan siya masyado, ngayon ko lang kasi siya nakitang nagkakaganyan. Hindi ko naman alam ang aking sasabihin since wala naman akong idea sa mga ganyan. At lalong lalo nang wala pa akong experience.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now