Chapter 23: Review and Sleepover

74 4 0
                                    

Kinabukasan ay pumunta na sa bahay namin si Justin. Nag message siya na nasa tapat na raw siya ng bahay namin, naghihintay sa tapat ng gate. Kaya pinuntahan ko na siya.

"Ang gwapo natin ngayon ah?" wika ko nang makita siyang naka simpleng pambahay lang pero bagay pa rin sa kanya. Tee-shirt at maikling shorts lang ang suot niya na halos kita na ang legs niyang maputi at may kalakihan. Betlog shorts ata tawag diyan eh. Hindi ko na lang pinansin kung may bumabakat nga.

"Syempre. Nagpapagwapo ako para sa'yo." ngumiti pa siya at lumabas ang pantay-pantay niyang mga ngipin na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Seryoso ba? Na may gusto talaga siya sa'kin at nililigawan ako?! Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.

"Tara pasok ka na." pumasok na nga siya sa loob ng gate. May dala siyang kaunting papel at isang libro. Siguro reviewer niya. Habang naglalakad kami papasok nang bahay ay naamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya sa umaga.

Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya sisimulan na namin ang pagrereview. Finals na kasi kaya sure akong pahirapan ang mga exam. Gustuhin ko mang kasama si Andrea ay hindi naman siya pwede, lalo na't may kasabay na raw siya. Si Chelsea naman ay sure akong kaya na nun ang sarili niya. Feeling ko nga kahit hindi na siya magreview ay makakapasa pa rin siya.

"Akala ko ba ay magrereview ka? Eh hindi mo naman binabasa 'yang reviewer mo?" tanong ko sa kanya nang mapansing nakaupo lang siya sa tabi ko.

"Nadidistract kasi ako eh." aniya.

"Bakit? Naiingayan ka ba sa tugtog?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nagpapatugtog kasi ako. Sanay kasi akong makinig sa music habang nagrereview, pero mahina lang naman. Sakto lang 'yung lakas kumbaga. Mas kumakalma kasi ako kapag may music at naiintindihan lalo ang inaaral. Ewan ko lang sa iba at dito kay Justin.

"Hindi 'yon. Ang ganda nga ng playlist mo eh. 'Di ba mga kanta 'yan ni Ariana?" nacurious tuloy ako sa sinabi niya.

"Oo. Paano ko nalaman?"

"Nung nalaman ko kasing paborito mo siya, pinakinggan ko na rin mga kanta niya."

"Ah." napatango ako sa kanya habang ngumingiti. Ang ganda lang ng gesture na kaya siya nakikinig kay Ariana dahil paborito ko ito. Arianator na ata siya eh.

"Eh bakit ka nga pala nadidistract?" pagkuway tanong ko sa kanya.

"Hindi lang ako makapag focus sa inaaral ko. Nadidistract kasi ako sa'yo eh." aniya na siyang kinakilig ko. "Namumula ka." natatawa niyang puna sa namumula kong pisngi.

"Uy, hindi ah." pagtanggi ko habang pinipigilan ang ngiti.

"Hindi raw. Pero kitang kita oh." pang-aasar pa nito sa'kin at tinutusok pa ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.

"Ano ba? Tigilan mo nga 'yan." ang inis-inisan kong sabi. Tumawa lang siya.

"Magreview na lang tayo. Ganito, magtulungan na lang tayo sa pagreview para hindi tayo madistract sa isa't-isa." rekomenda ko na siyang sinang-ayunan naman niya.

"Mabuti pa nga."

"Sige, try natin 'tong Introduction to Psychology." inuna ko na 'yung major namin dahil isa ito sa mahirap lalo na sa exam.

Kaya ang nangyari ay nagtatanungan kami para malaman namin kung alam namin ang sagot. Since magkaiba naman kami ng course ay may natututunan din ako kahit papaano sa reviewer niya.

"Ito. Which part of the brain is responsible for forming, storing and processing memory?" tanong niya sa'kin.

Napaisip ako saglit. Familiar sa'kin 'yan. Yan 'yung pinaka natandaan ko sa mga tinuro sa'min nung nakaraan eh. Ano nga tawag dun? Hippopotamus ba? Hindi 'yan. Pero magkasing tunog sila eh.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now