Chapter 26: Enchanted Kingdom

84 5 2
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Umaga na pala. Sobrang lamig, magdamag ba namang nakabukas ang aircon. Tanging ang comforter lang ang nagsilbing pampainit at ang lalaking kayakap ko. Ang init ng katawan niya eh. Ang sarap sa pakiramdam. Tinignan ko ang katawan niyang tanging sando lang ang suot. Hanggang bewang niya na lang kasi 'yung comforter sa kanya. Nakita ko tuloy ang ganda ng katawan niya. Napansin ko rin ang suot niyang kwintas. 'Yung regalo ko. Nang dumako ang tingin ko sa kanya ay gising na pala siya!

"Good Morning." nakangiting bati niya sa'kin. Ang husky ng boses niya sa umaga. Parang nang aakit.

"Good Morning." humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at inayos ko ang aking sarili. "Mukhang kanina mo pa ako pinagmamasdan habang tulog ah?" sambit ko habang tinatanggal ang kung ano man ang meron sa mukha ko.

"Ang cute mo lang kasing pagmasdan habang tulog eh." ngumiti siyang nakalabas ang kanyang mga ngipin. Mas lalong lumiwanag ang mukha niya dahil natatamaan siya ng sinag ng araw. Mas lalo tuloy siyang gwumapo.

"Kaya pala ang ganda ng gising mo eh." asar ko sa kanya. Bababa na sana ako ng kama niya nang hilahin niya ulit ako pabalik saka niyakap ng mahigpit. Nakahiga na ulit kami. Yakap-yakap niya ako ng nakaharap sa kanya.

"Hoy! Ano ba?! Pakawalan mo na nga ako!" sigaw ko sa kanya pero natatawa ako dahil sa kilig.

"Mamaya na." pagmamatigas niya. "Hug muna tayo." nag baby-talk pa! Pero ang cute.

"Maghihilamos na ako no. Kaya pakawalan mo na ako." pakiusap ko ulit. Umagang umaga nagyayakapan kami. Ito pa talaga ang inuna namin. Si Justin kasi eh. Naramdaman kong parang inaamoy niya ako.

"Uy, ano ba?!" sigaw ko ulit.

"Hindi ka naman mabaho eh. Huwag ka nang maghilamos. Saka kahit 'di ka naman maghilamos ay ayos naman ang itsura mo, cute mo kaya." aniya. Wala na akong nagawa kaya pinagbigyan ko na muna siya. Ang kulit kasi eh. Kaya nag cuddle muna kami ng mahigit limang minuto.

Nagtungo na ako ng banyo para mag hilamos. Sumimangot pa nga siya nung humiwalay na ako sa yakapan namin eh. Kaysa namang lalabas ako ng kwarto niya ng hindi man lang nag-aayos 'di ba?! Binasa ko na ang mukha ko at sinabon. Wala naman akong tootbrush dito kaya ito na lang atang mouth wash ang gamitin ko. Mabuti na lang meron dito.

Pagkalabas ko ay siya na ang sumunod na pumasok sa banyo. Pagkatapos niya ay binigyan niya ako ng damit na pambahay at bumaba na kami para mag umagahan. Alas otso na pala ng umaga.

Naabutan namin si tita Madison, kasama ang isang katulong na naghahain ng mga pagkain. Habang si Josiah naman ay nakaupo na.

"Good morning po." bati ko sa kanila pagkarating namin sa dining table.

"Good morning kuya Austin!" bibong tugon ni Josiah kaya kinawayan ko lang siya.

"Oh. Gising na pala kayo. Sakto katatapos lang naming magluto. Tara, mag almusal na tayo. Maupo na kayo riyan."

Naupo na nga kami. Magkatabi kami ni Justin habang nasa kabilang side naman ng lamesa si tita Madison at Josiah.

"So, how was your sleep?" tanong sa'kin ni Tita.

"Ah, ayos naman po. Nakatulog naman po ng mabuti." sagot ko sa kanya habang kumukuha ng sinangag at itlog saka bacon bilang ulam.

"Really? Ang alam ko ay malikot matulog 'yang si Justin. Mabuti at nakatulog ka ng maayos." natawa ako ng mahina sa nalaman ko.

"Mommy naman eh." kamot ulong saad ng katabi ko. Ang cute niya, mukha siyang inaping bata.

"What? Totoo naman ah, hindi ba Austin?" baling pa ng Mommy niya sa'kin.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now