Chapter 5: Foundation Week

164 11 0
                                    

"Nasaan ka na Austin?!" pagbungad agad na sigaw sa akin ni Andrea nang sagutin ko ang tawag niya. Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito.

"Ano ba Andrea? Alas siete pa lang ah. Bwisit ka naman, itong antok na antok pa ako eh." ang yamot kong nasabi sa kanya. Ang sakit pa ng katawan ko kaka practice. Sana naman kayanin ko pa sa actual game.

"Kailangan mo nang pumunta rito ng maaga lalo na't ang daming gwapong nagsisilakaran sa campus natin!" tsk. Inistorbo niya talaga ang pagtulog ko para lang diyan? Basta talaga may mga gwapong nilalang ang taas palagi ng dugo nito. 'Di ko alam kung kagwapuhan ang pinanghugugutan niya ng lakas eh. Landi nga naman.

"Haynako, kung kalandian lang naman ang gagawin mo riyan sa school mas mabuti pang umuwi ka na lang at magpahinga para sa laro natin bukas. Huwag mo na nga akong idamay sa mga katarantaduhan mo!" humiga ulit ako sa kama ko. Ang totoo niyan ay okay lang na 'di ako pumunta ngayon since puro palaro lang naman ang ganap ngayon. At saka 'di naman ako kasali sa mga larong 'yun no. Nagkataon lang na bukas pa kami.

"Hoy Austin, baka nakakalimutan mong ngayon ang laro nina Jordan sa basketball. Pumunta ka rito at susuportahan natin sila!" sabi pa uli nito sa kabilang linya.

Oo nga pala. Ngayon pala ang laro nina Jordan.

"Nako, Austin, pag 'di ka rito pumunta siguradong magtatampo sa'yo 'yun, sinasabi ko sa'yo." pangongonsensya pa nito sakin. Konsensyahin ba naman ako?

"Oo na!" ang walang magawa kong pagsang-ayon sa kanya. "Mamayang 10 pa naman ang first game nila 'di ba?"

"Oo, kaya dalian mo na't baka mawalan pa tayo ng pwesto sa bleachers." binaba niya na ang tawag.

Napahikab naman ako sa sobrang antok ko. Hayyy. Iidlip na muna ako.

× × × × ×

"Halaaa?! 9:30 naaa?!" sigaw ko sa kwarto ko nang makita ko anv oras sa cell phone ko. Ang sabi ko iidlip lang pero nakatulugan ko na pala!

Makaligo na nga. Pagkababa ko, nakita ko yung alaga naming pusa. Hindi ko pala nasabi na may alaga kaming pusa. Pinakain ko na ito ng cat food.

Sakto lang naman ang laki ng bahay namin para sa aming dalawa ng kapatid ko. 'Di siya malaki at hindi rin naman sya maliit. Aanhin namin ang malaking bahay kung dalawa lang naman kami rito.

Pagkatapos kong maligo ay nagtungo na ulit ako sa taas. Ano kaya ang susuotin ko? Pwede ngayon mag sibilyan since foundation naman.

Tama na siguro itong bluish skinny jeans at sweater na kulay yellow. Binagayan ko naman ito ng white rubber shoes ko. Kinuha ko na ang bag ko at nagmadali nang umalis na ng bahay.

10:30 na ako nakarating ng school. Siguradong nagsisimula na 'yung game. Kanina ko pa hinahanap si Andrea pero 'di ko mahanap. 'Di ko rin siya makontak.

Saan na kaya nagsusuot 'yung babaeng 'yun? Nagugutom pa naman ako since hindi pa ako nag aalmusal. Kaya tumuloy na muna ako sa cafeteria at bumili ng makakain. Dahil sa pagmamadali ko 'di na ako nakapag almusal man lang.

"Isa pong longganisa at fried rice. Pa take out na lang po." sabi ko sa tindera.

Pagkabili ko ng pagkain ko ay nagmamadali akong tinungo ang gym. Punong puno na ito. Ang dami naman ata ng mga nanonood? Siguro nag invite rin ng mga outsider.

Grabe ang ingay rito sa loob. Sigawan nang sigawan ang mga nanonood. Maganda na siguro ang laban.

Hinanap ko na rin si Andrea sa gym ngunit bigo ko itong mahanap. Di ko rin makita ang mga kaklase ko at nagbabakasakaling kasama ni Andrea ang block namin.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now