Chapter 11: Eye Contact

127 10 0
                                    

"Oy, mukhang busy ka riyan ah?" sabi ng lalaki sa harap ko at naupo.

Tinignan ko naman kung sino ang umupo. Si Justin pala. Nandito kasi ako ngayon sa library at ginagawa ang research namin. Ginagawa ko lang 'yung ibang part na kaya ko para naman mabawasan na ang gagawin namin. Buti na lang meroon akong kaunting idea rito kahit papaano since nagresearch na rin kami nung Senior High School kami. It's just that ayoko lang talaga ng research. Sino namang estudyante ang matutuwa riyan di'ba? Pero alam ko namang may mga gusto rin ito. But not me. Alam ko nga may mga nag away-away na dahil dito eh.

"Oo, alam mo na, research na namin ngayon." sagot ko sa kanya at pinindot ang period sa keyboard pagkatapos ng sentence. "Wala kayong pasok?" tumingin ako sa kanya at pinatay na ang laptop pagkatapos ma-save ang document. Tama na muna siguro 'yung ginawa ko. Balikan ko na lang mamaya.

"Vacant namin ngayon eh. Pumunta ako rito sa library at sakto namang nakita kita ritong mag-isa lang. Nasaan sina Andrea?"

"Ayun, silang dalawa ang naghanap ng mga respondents para sa research namin at ako na muna ang umasikaso rito."

"May gagawin ka pa ba ngayon?" biglang tanong nito sa'kin.

"Bakit?" nilagay ko na ang laptop ko sa lagayan nito.

"Labas sana tayo para maglakwatsa."

Napaisip ako kung ano ang mga gagawin ko ngayon. Aside sa research namin ay wala naman na.

"Wala naman. Mamaya pang alas dos ang susunod naming subject."

"Edi kung gano'n, tara na!" ani nito sabay hila sa'kin. Kinuha ko naman ang bag at laptop ko.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Baka kasi kung saan lang ako nito dalhin at mapahamak lang ako. Mas mabuti pang huwag na lang sumama.

"Basta, sumama ka na lang." ayaw pang sabihin!

"Teka, pa'no sila Andrea? Isama kaya natin sila?"

"Huwag na. Sa susunod na lang."

Puro na lang siya sa susunod. 'Yung totoo? Ayaw niya bang kasama sila?

Pagkarating namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse niya at umalis na ng school.

Saan kaya balak nitong maglakwatsa? Bigla niya na lang naisipan at dinamay pa talaga ako.

Huminto kami sa tapat ng isang coffee shop. Mukhang mamahalin dito, sa pangalan pa lang ng branch ay pang sosyal na. Pumasok na kami rito.

"Mag order na muna ako. 'Di ba ayaw mo ng milktea?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Teka, paano niya namang nalaman na ayaw ko ng milktea?! Psychic ba siya?

"At pa'no mo naman nalaman, aber?" suspicious kong tanong sa kanya at tinaas ang kaliwang kilay ko. Mukha naman siyang nataranta.

"Ah, basta. I-order na lang kita ng masarap." ani nito at nagmadali na siyang umalis sa harap ko para mag order na. Napaisip naman ako. Wala akong maalala na nasabi ko sa kanya na hate ko ang milktea kahit noon pa man. Ay, ewan. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at naupo na lang malapit sa may glass window.

Maya maya pa ay dumating na siya bitbit ang order niya. Inabot niya sa'kin ito. Frappe ang binili niya! Meroon ding dalawang cake na nilatag niya sa lamesa. Mas lalong nagtaka ako dahil paborito ko ang frappe.

"Sakto ah. Paborito ko ang frappe. Salamat." nakangiti kong saad sa kanya pagkaabot ng frappe.

Naupo na rin siya. "Wala iyon."

"Akala ko ba maglalakwatsa tayo? Bakit nandito tayo sa coffee shop?"

"Baka kasi ma-late tayo kapag naglakwatsa pa tayo eh. Kaya rito na lang." aniya. Sabagay, mas okay na rin ito para naman makapagchill ako sa stress ng research na 'yan.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now