Chapter 37: Outing

60 6 0
                                    

Dumating na ang araw ng Sabado, ang araw ng outing namin. Naisipan naming magkita kita na lang sa bahay namin para sabay sabay nang mag byahe papunta sa beach na pupuntahan namin. Dito ko na pinatulog si Justin sa bahay para makapag paalam na rin siya kay ate Mitch. Mabuti na lang ay pumayag naman ito. Basta raw ay mag iingat lang daw kami at malaki naman ang tiwala niya kay Justin.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay ni Justin, nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Nakapag ready na kami ng mga gamit na kailangan namin magmula pa kagabi. Hinihintay na lang namin ang sasakyan ni Jordan dahil sinundo nito sina Andrea.

"Nasaan na ba sila? Anong oras na." nasabi ko na lang dahil sa pagkainis kakahintay. Napatingin ako sa cell phone ko at nakitang mag a-alas otso na ng umaga. Kailangan kasi naming agahan ang byahe dahil malayo layo ang pupuntahan namin. Sa Zambales namin napag kasunduan na mag outing. Malayo man ay okay na rin para makapag road trip na rin kami sa haba ng byahe.

"Relax ka nga lang, Love. Kanina pang nakakunot 'yang noo mo eh. Hindi bagay sa'yo." pagpapakalma sa 'kin ni Justin at niyakap pa ako nito sa likod niya. Somehow ay medyo nawala naman ang inis ko dahil sa ginawa niyang iyon.

"Ang tagal kasi nila." angal ko ulit. Chinat ko na rin si Andrea kung nasaan na sila. Sabi niya ay on the way na raw. Napairap na lang ako dahil sa tagal nila.

"Hindi naman halatang excited ka sa pupuntahan natin dahil hindi ka na makapag hintay." aniya at hinalikan pa ako sa pisngi. Tama nga siya. Excited din ako kasi mag ca-camping lang kami roon. May dala nga kaming tent ni Justin eh. "Ayan na pala sila oh."

Nakita ko namang huminto na ang sasakyan ni Jordan malapit sa sasakyan ni Justin at nagsibabaan sila.

"Ba't ang tagal niyo?!" ang agad na sigaw na tanong ko sa kanila.

"Paano kasi nag inarte pa si Andrea." pagdadahilan ni Chelsea. Nakita ko ngang nakanguso si Andrea habang katabi si Kian. Mukhang nag aaway sila base na rin sa panunuyo sa kanya ni Kian. Hindi na lang namin inalam kung ano ang dahilan ng away nila.

Napansin kong may kasama si Chelsea na isang lalaking moreno at matangkad. Gwapo rin ito. Pero ang nagpapagwapo talaga sa kanya ay 'yung kulay ng kanyang balat na bumagay sa kanya. Ito ata 'yung boyfriend ni Chelsea.

"By the way, Austin, Justin. Ito nga pala si Lawrence. Boyfriend ko." napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Chelsea dahil sa pagpapakilala niya ng kanyang boyfriend kaya nginisihan ko siya ng bahagya.

"At Lawrence. Sila nga pala ang dalawa ko pang friends, sina Austin at Justin. Mag boyfriend sila." diretsahang pagpapakilala ni Chelsea, agad namang inilahad ni Lawrence ang kanyang kamay na tinanggap naman namin.

"Mag boyfriend kayo? Cool." nakangiting sabi nito sa amin. Mukha rin pala siyang mabait. Nginitian ko na lang siya.

"Tara na. Malayo layo pa ang byahe natin." pag singit na ni Jordan.

"Oo nga pala. Tara." segunda ni Chelsea. Nagsipunta na sila sa sasakyan ni Jordan samantalang kaming dalawa naman ni Justin ay tinungo ang sasakyan niya. Napagkasunduan na lang din kasi na kay Jordan na lang sila sasakay.

Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng front seat ay tinawag ako ni Andrea.

"Austin! Sa inyo na lang ako sasabay." ang medyo iritang sabi nito. Ayaw ko naman siyang mawala sa mood nang tuluyan kaya pumayag na lang ako. Baka kasi hindi pa ito sumama sa outing at madamay pa ang iba at magbago rin ang isip. Gano'n naman talaga kapag may umaayaw sa mga lakad 'di ba?

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo." pag payag ko sa kanya at agad naman niyang binuksan ang backseat at naupo na. Napatingin na lang ako kay Kian na umiiling na lang dahil sa inaasta ng kanyang girlfriend. Sumakay na ito sa front seat ng sasakyan ni Jordan. Sina Chelsea at Lawrence ang nasa likod samantalang driver naman nila si Jordan. Siya lang ang walang kasama sa pagpunta sa outing namin.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon