Chapter 36: Intramuros Date

65 5 0
                                    

Nagising ako dahil nararamdaman kong meroong humahalik sa aking noo. Nang idilat ko ang aking mga mata ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Justin. Ang aliwalas at ang gwapo ng boyfriend ko sa umaga. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti dahil sa kanya.

"Rise and shine, Love." ang pakanta nitong sabi.

"Good morning, Love." masayang bati ko rin sa kanya at tinaas ang aking mga kamay sa ere para ipaalam sa kanyang yakapin niya ako na sinunod niya naman. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Napahawak ako sa kanyang batok at pinalalim ang halik namin.

"Ang sarap naman ng morning kisses." nakangiti at hinihingal kong sabi habang magkadikit ang aming mga noo. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ang cute mo pagmasdan habang tulog." medyo husky nitong sabi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hilahin ulit siya para mayakap. Idiniin ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy amoy na nagdulot ng kiliti sa kanya.

"Tama na, Love. Hahaha." pagpigil niya sa akin.

"Ayaw mo na?" ang medyo nagtatampo kong sabi sa kanya.

"Baka 'di ako makapag pigil, sige ka." ang nang-gigigil nitong wika. Kaya tumigil na nga ako. Tumabi na lang ulit siya sa akin ng higa at inihiga sa dibdib niya. Tinignan ko siya. Hindi nakakasawang tignan ang kanyang mukha.

"Merry christmas." sabi niya at hinalikan ako sa labi ko ng mabilis.

"Merry christmas din, Love."

"Sayang 'di tayo nagpaputok kagabi." naka pout nitong sabi, ang cute niya tuloy lalo. Lalo na kapag mukha siyang isip bata. Haha.

"Naaadik ka na ha." hinampas ko nga ng mahina ang kanyang dibdib dahilan para matawa siya. Ang ganda pakinggan ng kanyang tawa, parang musika sa aking pandinig.

"Ikaw kasi, hindi mo lang alam kung gaano ako palaging nang-gigigil sa 'yo. Uhm." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya lang kaya naka pout ako sa kanya habang pinang-gigigilan ang mukha ko. Natawa lang ako ng bahagya sa kanya.

"Tara, baba na tayo." aya niya sa akin kaya nag ayos na kami saka bumaba.

Tinanghali na pala kami ng gising. Anong oras na rin kasi kami nakatulog kaninang madaling araw eh.

"Morning mommy." bati ni Justin kay tita Madison at hinalikan sa pisngi. Nandito kami ngayon sa dining table.

"Morning ka riyan. Mag aalas dose na ah." sagot naman sa kanya ng mommy niya. Nakakatuwa naman sila pagmasdan. Close na close talaga sila.

"Napasarap lang po ng tulog eh." tumabi na sa'kin si Justin at kumuha na nang makakain. Halos ito rin 'yung mga handa kagabi.

"Maiba ako, musta ang christmas mo rito, Austin?" nakangiting tanong sa akin ni tita Madison.

"Masaya naman po." maiksi kong sagot sa kanya. Hindi ko na sinabing masaya ako lalo na't kasama ko si Justin at ang pamilya niya dahil nakakahiya.

"Mabuti naman. Mas lalong sumaya ang pasko namin dahil nandito ka. Bakit hindi mo papuntahin dito ang kapatid mo sa new year para mas marami tayo at masaya."

"Busy po kasi siya sa work eh. Pero try ko pa rin po siyang kausapin baka pwede siya sa new year." sagot ko naman, tumango lang siya sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit kami ni Justin sa kwarto niya para mag cuddle lang ulit. Ilang oras din kaming nagyakapan lang at nagkulitan.

"Date tayo, Love." nabigla naman ako sa biglaang pag aya niya sa akin na mag date. Nakahiga kami ngayon sa kanyang kama. Halos matagal na rin 'yung huling date namin.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon