Chapter 3: Happy

203 12 0
                                    

"Guys! Wala raw 'yung prof natin ngayon. Bale mag attendance na lang daw tayo." sigaw ng isa sa mga kaklase namin. So, bale mamayang hapon pa ulit ang next class namin. Nagsulat na kami ng pangalan namin sa yellow paper at pinirmahan ito.

Lumapit sa'kin si Andrea.

"Austin! Samahan mo'ko dali!" ang masaya nitong pag-aya sa'kin. Ba't ang ligalig nitong babaeng ito? Naka drugs ba 'to?

"Teka, san ba tayo pupunta? Kung makasigaw ka riyan akala mo napakalayo ko. Saka ba't parang ang saya mo ngayon ha?" pag usisa ko naman sa kanya.

"Syempre naman, makikipagmeet ako sa library! Since wala naman na tayong pasok ay samahan mo na ako." pinalo palo pa ako nito dahil sa kaligayahan niya. Iba talaga ang epekto sa kanya ng lalaki.

"Taena ka. Makikipagmeet ka na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa? Pahinga ka nga muna kahit saglit lang pwede?" prangkang sabi ko sa kanya. Akala mo naman ay mauubusan siya ng lalaki kapag tumigil siya sa pakikipagkita kung kani-kanino. Kaloka siya.

"Oo na! Kaya tara na at baka mainip na 'yun do'n. Mawala pa." hinila na niya ako kaya 'di na ako nakaangal pa. Ngayon ko lang siya unang masasamahan sa pakikipagmeet. Notorious na ata siya rito eh. Mantakin mong halos linggo-linggo siyang may bagong ka-meet. Minsan nga ilang araw lang eh. Hindi ko lang alam kung may mga nangyayari sa kanila, ayon ang ayoko nang malaman pa. Wala akong alam sa sex life niya. Pero if ever namang meroon, grabe naman ata?!

"Bakit 'di ka na lang kaya mag settle sa isa no? Masaya naman ata?" ani ko, nakahawak pa rin siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa library. Akala mo naman tatakbuhan ko siya. Kinurot niya ako sa braso ko.

"Aray! Para sa'n 'yun?!" tanong ko sa kanya ng pasigaw habang hinahaplos ang pinagkurutan niya. Tinignan ko at nakitang namumula ang balat ko na may marka pa ng kuko niya.

"'Di ba sabi ko sa'yo na mga manloloko lang sila?! Kaya dapat hindi sila sineseryoso! Tsaka, kung makapagsabi ka naman diyang masaya eh wala ka pa ngang nagiging syota. Therefor, your statement is invalid." ani nito na para bang may ipinaglalaban. Napairap na lang ako sa kanya. Ipamukha pa ba naman sa'king single since birth ako.

"Oo na! Nagsasabi lang naman ako."

Nakarating na kami sa library, nag log-in muna kami using our library card para sa attendance at tinungo na ang lugar kung saan man naroroon ang kanyang kikitain.

Ba't kasi ako pa ang sinama nito, eh pwede namang si Jordan na lang. Teka, nasaan ba 'yung lalaking 'yon? Pumasok ba 'yun?

Makikipagmeet siya sa library, ibig sabihin ka-schoolmate lang namin ang makakameet niya. Sino naman kaya 'yun?

Pagkarating namin sa bandang dulo ng library, may nakita kaming lalaking mag-isang nakaupo sa library table. Actually pang apatan yung upuan dito. Iba iba kasi ang library table dito. May pang dalawahan, pang apatan at may pang maramihan like for group study something.

Nilapitan na namin ni Andrea 'yung lalaki.

"Uhm. Hi? Ikaw ba si @iwannahearyoumoan_ugh?" ang tanong ni Andrea pagkalapit namin sa nakaupong lalaki.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Teka, anong pinagsasabi nitong babaeng 'to? Bakit may pa i wanna hear you moan—hear you moan pa siya riyan? Hinila ko siya sa kabilang isle na napapagitnaan ng bookshelves.

"Hoy babae ka, ano 'yung i wanna hear you moan na 'yun ah? Akala ko ba makikipagkita ka lang? Eh, bakit parang makikipagsex ka na rito sa library?!" mahina kong bulong sa kanya na may diin kasi nasa library nga kami at baka marinig ng lalaki.

"Ano ka ba? Username niya 'yon! 'Yun ang name niya sa dating app duh!" pag iinarte niya sa'kin at pinaikutan ako ng mata. Pinakita niya pa sa'kin 'yung cell phone niya. 'Yun nga ang pangalan. Kaloka!

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now