Chapter 33: Naughtiness

74 8 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok na ako ng school, baka marami na akong na-miss na lesson kung hindi pa ako papasok eh. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil wala ang prof namin kaya naisipan na lang naming kumain dito. Diba. Kababalik ko lang galing sa munting bakasyon namin ay wala agad prof.

"Parang ang saya mo ngayon ah. Iba 'yung ngiti sa labi." sabi sa akin ni Chelsea na kinatigil ko sa pag iisip sa nangyari sa amin ni Justin nung araw na nag celebrate kami ng first monthsary namin. Lalo na nung nag make love kami.

"Ha? Ano ka ba? Ang dami mong napupuna." ang nahihiya kong sabi. Gano'n ba ako ka obvious? Iniisip ko lang naman kasi 'yung pangyayari sa gabing 'yun, hindi ko naman alam na nakangiti na pala ako.

"Paanong hindi 'yan magiging masaya eh nag celebrate sila ng first monthsary nila nung nakaraan. At talagang umabsent pa sila ha. Ito, tignan mo 'tong pictures nila sa Nasugbu." pinakita ni Andrea ang mga ig posts ni Justin. "May promise ring pa sila."

"Tingin nga." kinuha ni Chelsea ang kamay ko at tinignan ang silver ring ko ro'n. Ang promise ring.

"Love." mahinang basa nito. "Ikaw na talaga, bakla." ang kinikilig na hampas sa akin ni Chelsea. Napangiti na lang ako sa kanya habang nakatingin sa singsing na bigay sa akin ni Justin.

"Kaya pala pinauna mo na kami nun sa cafeteria, 'yun pala ay mag cecelebrate na." dagdag pa nito.

"Surprise niya 'yun. Hindi ko naman alam na magcecelebrate kami at biglang dadalhin sa Nasugbu." pangangatwiran ko.

"Ikaw nga pala Chelsea, ano na ang status ng lovelife mo?" baling sa kanya ni Andrea.

Uminom muna siya ng softdrinks sa bote bago siya nag salita.

"Ito, may kasama na ako sa pasko next month." taas kilay nitong sabi.

"Taray! Eh sino ba 'yan? Buti nagustuhan ka." usyuso sa kanya ni Andrea.

"Oo nga. Pakilala mo naman kami. Hindi ko man lang napansin na lumalandi ka na pala." segunda ko naman.

"Eh paano kasi busy ka riyan sa Justin mo, 'no. Saka ko na siya ipapakilala sa inyo." aniya.

"Nasaan nga pala si Jordan?" tanong ko nang mapansin kong wala siya.

"Ewan ko ro'n. Nagmamadaling umalis kanina. Baka may pinuntahan." kibit balikat na sabi ni Andrea habang kumakain ng burger.

Pagkatapos ng klase namin ay nabasa ko ang text message sa akin ni Justin.

"Sorry, Love. Hindi kita mahahatid sa bahay niyo ngayon. May gagawin kasi akong importante. Ingat ka palagi. I love you."

"Sige, Love. I love you too." reply ko sa kanya at binulsa na ang aking cell phone. Mas okay na rin siguro na hindi ako ihatid ni Justin ngayon. Palagi niya na lang akong hinahatid-sundo.

Kaya sinamahan ko na lang si Andrea papunta kay Kian habang si Chelsea naman ay pinuntahan ang boyfriend niya.

"Yo, Austin. Balita ko nag honeymoon na raw kayo ni Justin ah." nakangising salubong nito sa amin nang makalapit na kami sa kanya. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo riyan?" mahina kong tanong sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. Tinignan ko rin ang paligid. Baka kasi may nakarinig sa kanyang sinabi eh. Mabuti na lang ay wala naman.

"Hahaha. Syempre alam ko 'yun. Ako pa." mahanging sabi nito. "Paano mauna na kami ng bebe ko. Kami naman ang magha honeymoon." tinaas baba niya pa ang kilay niya. Napailing na lang ako sa katarantaduhan niya.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now