Chapter 28: Rain and Intimacy

73 8 0
                                    

Pagkatapos ng last class namin ngayon ay agad na sinundo ako ni Justin para pumunta sa bahay nila. Mabuti na lang ay maaga ang uwian namin ngayon.

"I miss you." ang agad na salubong sa akin ni tita Madison nang pumasok na kami sa bahay nila at nakipagbeso pa sa akin, gano'n din ang ginawa niya sa anak niya.

"Good afternoon po. Na-miss ko rin po kayo." magalang kong tugon sa kanya.

"Mabuti nakapunta ka ulit dito. Palagi kitang tinatanong kay Justin kung kailan ka ulit babalik pero busy ka raw." pumunta kami sa sofa para maupo, naiwan ako rito kasama si tita Madison since umakyat muna si Justin sa taas. Magpapalit na siguro ng kanyang damit.

"Ah, opo. Busy po kasi sa school saka kahapon lang po sa akin nasabi ni Justin na pupunta kami rito." tumango ito sa akin.

"So, kayo na ba ng anak ko?" nakangiting tanong nito sa akin na parang kinikilig?

"Ah, opo. Hehe." nahihiya kong tugon. Ang awkward naman! Bakit iniwan pa ako rito ni Justin nang mag-isa? Nasaan na ba siya?

"Hindi man lang sa'kin sinabi ni Justin. Kung hindi pa kita tinanong baka hindi ko pa rin malalaman hanggang ngayon. Kailan pa ba?"

"Last week lang po."

"Last week." tumango tango pa siya na parang tinatandaan 'yung date.

"Dahil diyan ay dapat na mag celebrate tayo!" masayang sabi nito. Mahirap naman siyang tanggihan kaya tumango na lang ako.

"Sige po Tita, kayo po ang bahala."

"Kuya!" narinig kong tawag sa akin ni Josiah kaya napalingon ako sa kanya kung nasaan man siya. Nakita ko siyang masayang tumatakbo palapit sa akin.

"Oh, Josiah. Musta ka na?" tanong ko rito nang makalapit na siya sa akin at yumakap. Niyakap ko na rin siya.

"Ito po, okay lang at na-miss ka po." magalang nitong sagot.

"Na-miss din kita. Huwag kang mag-alala maglalaro tayo mamaya." masaya naman itong lumundag saka yumakap ulit sa'kin at hinalikan sa pisngi. Ang bibong bata. Parang si Justin lang.

"Take a shower na, Josiah. Pupunta tayo ng mall." bilin dito ng Mommy niya.

"Talaga Mommy?!" excited nitong tanong.

"Yes. Kaya take a bath na."

"Yehey! Bilhan mo ako ng maraming toys ha?" nagtatakbo na ito paakyat sa taas. Napailing na lang si tita Madison. Sakto namang dumating na si Justin, nakapang bahay.

"Jus. Pahiramin mo muna si Austin ng damit mo, pupunta tayo sa mall." utos sa kanya ng mommy niya pagkarating niya sa'min.

"Bakit mommy?" kunot noong tanong nito.

"Anong bakit? Magce-celebrate tayo. Kayo na pala ni Austin, hindi mo man lang sa akin sinabi. Kung hindi ko pa siya tinanong hindi ko pa malalaman." ang parang nanenermon nitong wika.

"Gusto ko kasing kaming dalawa ang magsabi sa'yo. Pero nasabi niya na pala."

"Yeah. Magbihis na kayo at bibili tayo ng mga lulutuin. Maiwan ko na muna kayo." umalis na ito at umakyat na sa taas.

"Napaka supportive talaga ng mommy mo."

"That's why I love her. Kayo nina Mommy at Josiah ang love na love ko. Pa kiss nga." yumakap ito sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Makita nga tayo ng Mommy mo." mahinang bulong ko sa kanya sabay tingin sa taas nagbabakasakaling nakita nga kami pero mabuti na lang at wala.

"Eh ano naman? Love kita eh." inikutan ko nga ng mata.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now