Chapter 38: Trust vs. Mistrust

74 5 0
                                    

Hinalikan ako ni Jordan sa labi!

Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakapag react sa ginawa ni Jordan. Parang nanigas lang ako sa pwesto ko at nabigla sa pangyayari. Parang hindi nag function ang motor skills ko na pigilan siya. Naramdaman kong gumagalaw na ang kanyang labi pero hindi ko 'to tinugon. Ang higpit nang pagkakahawak niya sa pisngi ko na parang ayaw niya akong pakawalan pa.

Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag isip ng maayos ay saka ko lamang siya naitulak para maghiwalay ang aming mga labi. Napatakip ako sa aking bibig dahil na rin sa pagkabigla. Mukha namang nabigla rin si Jordan sa kanyang nagawa.

"I'm sorry, Aus–" hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin nang may tumulak sa kanya at may tumamang kamao sa kanyang pisngi dahilan para matumba siya sa buhanginan. Nang lingonin ko kung sino ang may gawa ay saka ko lamang nakita ang galit na galit na mukha ni Justin habang nakatingin ng masama kay Jordan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.

"Gago ka!" ang matigas na sigaw nito at sinuntok pa ulit si Jordan na katatayo lang ulit. Bumawi naman si Jordan ng isa ring malakas na suntok kay Justin na naging dahilan ng pagbubuno nilang dalawa.

"Justin! Jordan! Tama na 'yan!" sigaw ko at lumapit na sa kanila para pigilan sila sa pagsusuntukan. Niyakap ko na si Justin para maawat na siya lalo na't dumudugo na ang kanilang mga mukha dahil sa lakas ng mga suntok nila. Hindi ko naman mapigilan si Justin dahil sa tindi ng galit nito. Mabuti na lang ay dumating si Kian at Lawrence para pigilan silang dalawa.

"Gago ka! Kaibigan ka pa naman ni Austin!" pangduduro pa nito kay Jordan habang nagpupumiglas sa paghawak namin ni Kian sa kanya.

"Tama na pre." pagpipigil sa kanya ni Kian.

"Bitawan niyo ako! Bubugbugin ko 'yang gagong 'yan!" pagpupumiglas ulit nito.

"Justin! Tama na!" sigaw ko sa kanya at sinampal ko siya sa mukha para matauhan siya. Natigilan naman siya sa ginawa ko. "T-tama na." ang nanginginig kong sabi dahil medyo naiiyak na ako sa mga nangyayari. Tinignan niya ako sa mata ng may galit. Walang sabi sabi ay tumalikod ito sa amin at naglakad patungo sa makahoy na lugar ng beach.

"Justin!" pagtawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pag lakad.

"Sundan ko na muna siya." paalam ko kay Kian, tumango ito sa akin.

"Sige. Kami na ang bahala rito kay Jordan." at nilapitan na si Jordan para tulungan.

Sinundan ko na kung saan pumunta si Justin. Kailangan ko siyang makausap para makapagpaliwanag. Nadaanan ko pa si Andrea at Chelsea na kararating lang.

"Anong nangyari?" ang nag aalalang tanong ni Andrea nang makitang sugatan ang mukha ni Jordan dahil sa mga suntok ni Justin. Hindi ko siya pinansin at tinungo na ang kakahuyan. "Anong nangyari sa kanya?" narinig ko na lang na tanong nito kay Kian.

Naabutan ko si Justin na nakaupo sa ilalim ng puno. Malalim ang iniisip.

"Justin." mahinang sabi ko habang palapit ako sa kanya. Tinignan niya ako ng walang emosyon saka binaling ulit ang tingin nito sa buhangin. Tumabi ako ng upo sa kanya. "Justin." sabi ko ulit at hinawakan ang braso nito. Hinawi niya naman ito.

"Bakit hindi ka na lang bumalik kay Jordan at ipagtanggol ito?" malamig nitong wika dahilan para mapatigil ako. Siguro iniisip niya na pinagtatanggol ko si Jordan dahil sinampal ko siya.

"Hindi ko siya ipinagtatanggol." pagdedepensa ko naman sa sarili ko. "Inawat ko lang kayo."

Humarap siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. "Pero nakita ko kayong naghahalikan." mahinang usal nito. At may tumulong luha sa pisngi nito. Nasaktan naman ako nang makita iyon.

Into You BxB (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt