Chapter 43: make up

109 7 0
                                    

WARNING!!! RATED 18. MATURE SCENES AHEAD:)

Mag isa siyang nakaupo sa bench. Nagsimula na akong maglakad palapit sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang pangungulila at pananabik. Ngumiti siya nang makita niya akong papalapit sa kanya. Ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, na-miss ko rin siya.

Tinitigan ko ang kanyang itsura. Ang hazel brown niyang matang nakatingin lang sa akin na parang binabasa ang buong pagkatao ko. Ang matangos niyang ilong at ang mapulang labi niyang nakangiti sa akin. Namiss ko nang halikan ang kanyang labi. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Halos lahat ng sa kanya ay nagustuhan ko. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito. Ang akala ko noon ay hindi ko mararanasan ang mahalin ng isang tao.

Nang makalapit na ako sa kanya ay naupo ako sa kanyang tabi. May ilang layo ang pagitan sa amin. Hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa akin.

Walang nag sasalita sa amin. Nagtititigan lang kami.

Hindi nag tagal ay siya na mismo ang lumapit sa akin at pinasandal sa balikat niya habang naka akbay sa akin. Naamoy ko ang kanyang pabango. Halos kabisado ko nang sa kanya 'yan. Hindi nakakasawang amuy-amoyin.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"I'm sorry." mahina niyang wika. Tinignan ko siya. Nakita ko sa mga mata niyang naiiyak siya. Parang nanghina naman ako sa aking nakita.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." sunod sunod niyang sabi. Tumango lang ako sa kanya.

"I'm sorry, Love." husky niyang sabi. Naiyak naman ako dahil ngayon ko na lang ulit narinig ang pagtawag niya sa akin ng 'Love'. Hindi niya alam kung gaano ko kagustong pakinggan sa tuwing binibigkas niya 'yan sa akin. Para akong natutunaw.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin ko na lang siya ng mahigpit. Naiyak ako sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang isa niyang kamay sa aking ulo, ang isa sa likod ko at ang kanyang baba sa aking noo nang yakapin niya rin ako. Naiyak ako dahil sobra ko siyang namiss at masaya rin ako at the same time dahil nagka ayos na kami.

"Sorry rin, Love." ang naiiyak kong sabi habang nakasubsob ako sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong katawan. Ilang araw ko ring hindi naramdaman ang kanyang mainit na katawan na ang sarap sarap sa pakiramdam lalo na kapag kayakap ko siya. Pakiramdam ko ay ligtas ako.

"I'm sorry talaga." sabi ko ulit.

"Shh. Okay na. Okay na tayo." pagpapatahan niya sa akin. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo ko kaya tinaas ko ang aking paningin sa kanya. Umiiyak din siya pero nakangiti sa akin. Napangiti na rin ako dahil sa wakas ay bati na kami.

"I love you." mahina ngunit punong puno ng emosyon niyang sabi.

"I love you too." tugon ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at tinitigan ako sa mukha na puno ng admiration at pagmamahal. Nilapit niya sa akin ang kanyang mukha saka hinalikan sa labi. Napapikit ako at dinama ang muling pagtama ng aming mga labi. Pakiramdam ko ay kami lang ang tao rito sa park. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Namiss ko rin ang kanyang labi at ang kanyang mga nakaw na halik sa akin.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pinagdikit namin ang aming mga noo saka nakangiting nagtitigan. Walang nagsasalita sa amin. Tanging ang paghinga lang namin ang naririnig at ang hanging tumatama sa aming balat.

"Bati na tayo?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya saka hinalikan siya sa labi ng mabilis. Natawa naman siya. Namiss ko talaga siya.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang panyo. Pinaharap niya ako sa kanya at nakangiting pinunasan ang aking basang pisngi dahil sa pag iyak ko kanina. Binigay niya sa akin ang panyo.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now