Chapter 7: Champions

168 11 0
                                    

"Bilisan niyo na riyan para maabutan pa natin ang simula ng last game nina Jordan!" sigaw ni Andrea sa amin. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

Bibili kasi kami ng makakain namin para mamaya habang nanonood ng laro. Bakit kasi ang dami na naman ng nakapila rito sa cafeteria? Dito na lang kami bibili kesa sa mga booth. Mas triple ang presyo sa booth eh! Sa cafeteria pa nga lang na sobra sobra na ang tubo sa booth pa kaya?!

"Pasabay na lang ako ng limang bottled water Austin para sa'ting lahat ah? Bayaran ka na lang namin mamaya." pakiusap naman ni Chelsea habang nasa kabilang pila rin para bumili. Tinangoan ko naman siya.

Ngayon na ang last day ng foundation namin kaya rin siguro maraming tao. Mas dumoble nga ata yung dami ngayon eh. Natapos na rin ang game namin kahapon. And guess what? Kami ang nagchampion sa volleyball boys! Hindi lang kami pati sina Andrea! Ngayong hapon naman namin malalaman kung sino ang magcha-champion sa basketball. Psychology vs. Educ ang maglalaban ngayon eh. Sana manalo sina Jordan para sa psych mapunta ang mga major awards.

Habang nasa pila ako ay may kumalabit sa likod ko kaya naman ay nilingon ko ito.

"Oh ikaw pala 'yan Justin, anong ginagawa mo rito?" siya pala 'yung kumalabit sa'kin.

"Bumili ako ng foods, nakita kitang nakapila kaya nilapitan kita. Manonood kayo ng game?"

"Ah, oo. Ngayon na ang last game nina Jordan kaya kailangang suportahan." sagot ko naman. Umusad na pala ang pila kaya umabante na ako.

"Pwede bang sa inyo ako sumama?" pagtanong niya sa likod ko. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Bakit niya gustong sumama sa'min? Nilingon ko siya.

"Bakit gusto mo sa'ming sumama?" 'di ko maiwasang matanong.

"Wala kasi akong kasama eh. Bawal ba?" mukha namang naoffend siya sa response ko. Nakonsensya tuloy ako, ang rude ko kasi eh.

"Hindi naman. Okay lang naman na sumama ka sa'min." pagkuway sagot ko. "Hindi mo kasama si Josiah?"

"Hindi siya nakasama, may pinuntahan kasi sila ni mommy eh."

Ako na pala ang susunod sa pila.

"Saglit lang ha. May bibilhin lang ako." tumango naman siya.

Binili ko na ang mga dapat kong bilhin.

"Tara na." pag-aya ko sa kanya pagkatapos kong makuha lahat ng aking pinamili.

"Tulungan na kita. Ang dami mo nang bitbit eh." saad nito at kinuha ang ilang dala kong mga pinamili. Ang dami ko rin kasing binili eh. Nagpasabay na kasi sa akin si Andrea.

"Ah, sige. Dalhin mo na rin itong bottled water." sabay ibinigay ang plastic ng mineral, ito kasi ang pinaka mabigat sa lahat.

Umalis na kami ng cafeteria.

"Sorry talaga sa nangyari sa'yo." paghingi na naman nito ng paumanhin sa akin habang naglalakad kami.

"Ang kulit mo rin pala no? 'Di ba sabi ko sa'yong kalimutan mo na 'yun." ang natatawa kong sabi sa kanya. Nakakainis kasi, paulit ulit siya.

"Sige, sige." mabuti naman! Nakita ko sina Andrea at Chelsea nakaupo sa 'di kalayuan.

"Andrea, Chelsea, tara na!" sigaw ko sa kanila sa bench. Lumapit naman sila sa'min.

"Nasaan na yung piattos ko?" bungad agad ni Andrea. Tsk. Patay gutom talaga. Binigay ko naman sa kanya ang plastic bag laman ang mga malalaking junk foods.

"Hanapin mo na lang diyan. Huwag mong ubusin 'yan ha! Baka wala pa tayo sa gym ay maubos mo na 'yan."

Kinalkal niya na ang laman ng plastic bag.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now