Chapter 18: Wallpaper

91 8 0
                                    

"Austin!" narinig kong sigaw ni Andrea habang nasa hallway ako. Mabuti na lang hindi pa start ng klase sa kabilang room, dahil kung hindi ay baka pinagalitan na kami sa ingay ni Andrea. Nakita ko siyang tumakbo palapit sa'kin. Kasama niya si Chelsea. Ang laki ng mga ngiti nila. Ano na naman kaya ang kinangingiti nila?

"Oh, anong meron?" ang agad na tanong ko sa kanila pagkalapit nila sa'kin. Hindi mapagsidlan ang kanilang kasiyahan. Hindi sila mapakali. Mukhang kanina pa nila ako rito hinihintay.

"Mabuti at dumating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay eh." ang hyper na saad ni Andrea.

"O-kay? Eh ano naman kung kararating ko lang? Ba't niyo ba ako hinihintay? Tara na nga sa room natin." aalis na sana ako para pumasok ngunit pinigilan ako ni Chelsea.

"Sandali. May naghahanap kasi sa'yo kanina pa eh. Wala ka naman kaya pinaghintay na lang namin." may naghahanap na naman sa'kin? Huwag mong sabihin na may nagpapabigay na naman sa akin eh kilala ko na kung sino ito kaya sino naman itong naghahanap sa akin ngayon?

"Gano'n ba? Eh sino raw ang naghahanap sa akin?"

"Si ano–" hindi na natuloy ni Andrea ang kanyang sasabihin nang may nagsalita sa likod ko.

"Nandito ka na pala, Austin." napalingon ako kay Justin. May dala siyang isang pulang box na hindi ko alam kung ano ang laman nito.

"Ikaw pala, Justin. Sabi nila hinahanap mo raw ako?" ika ko. Pinigilan ko ang kiligin. Naalala ko tuloy 'yung pag stalk ko sa kanya.

"Ah, oo. May ibibigay kasi ako sa'yo eh." taray ha! Dati nagpapaabot lang siya ng mga bagay na gusto niyang ibigay sa akin, tapos ngayon siya na mismo ang pumupunta sa'kin. Lumelevel up! Narinig ko namang naghagikgikan sina Andrea sa likod ko. Parang may ibibigay lang?!

"Ano ba ang ibibigay mo? 'Yan ba?" pagtukoy ko sa dala niyang box.

"Oo. Ito nga." inabot niya sa akin ang red box. "Red Ribbon chocolate cake." nakita ko nga sa ibabaw ng box na chocolate cake ang laman nito.

"Salamat dito ah. Nag abala ka pa."

"Wala iyon. Uhm..." napakamot siya ng batok. Nahihiya ba siya? Ang cute niya. May gusto ata siyang sabihin eh.

"Bakit?"

"Sabihin mo na Justin." ani Andrea.

"Tumahimik ka nga riyan." sita ko sa kanya.

"Aayain sana kitang lumabas bukas. Kung pwede lang?" pagkuway sabi nito.

"B-bakit?"

"Wala. Gusto lang kitang ayaing lumabas."

"Gora na Austin!" sumabat na naman si Andrea. 'Yung totoo? Siya na lang kaya ang lumabas kasama si Justin no.

"Sige, ayos lang. Tignan ko kung pwede." pumayag na ako. Siguro this is the time para matignan kung pwede na nga ba. Subukan ko nang mag step out of my boundaries.

Napangiti siya habang sina Andrea ay walang tigil sa kaiingay sa likod ko.

"Hatid na rin kita mamaya pauwi." ani pa nito.

"Sige. Ikaw bahala. Hindi ba kita maaabala?" sagot ko naman.

"Uwian na rin namin that time eh. Magkita na lang tayo mamaya. Sige, alis na ako." paalis na sana siya nang bigla namang dumating si Jordan kaya nagkasalubong pa sila.

"Uy, pre." pangangamusta niya kay Jordan na siya namang tinangoan niya lang bilang pag acknowledge. Ang cold niya talaga kay Justin. Tuluyan na siyang umalis. Kaya sina Andrea at Chelsea ay wala nang tigil sa kaiingay. Kay Andrea pa lang ay rinding rindi na ako tapos dumagdag pa si Chelsea.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now