Chapter 21: Flowers, Date and Getting to Know Each Other

94 9 1
                                    

"Oh, nasaan na si Andrea?" tanong ko kay Chelsea nang makita kong wala na si Andrea sa room namin.

"Ewan. Bigla na lang siyang nawala. Baka lumabas na." kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas na kami para mag lunch. Napapansin kong parang napapadalas na ang pag alis ni Andrea tuwing lunchbreak namin. Saan naman kaya siya pumupunta? Hindi man lang nagpaalam sa akin o kaya kay Chelsea man lang. Dati ay nagpapaalam naman siya eh. May tinatago talaga 'to sa'kin.

"Saan kayo?" text sa'kin ni Justin.

"Nandito kami sa cafeteria, kumakain. Bakit?" reply ko sa kanya. Hindi naman na siya nag reply kaya tinuloy ko na ang pagkain. Maya maya naman ay may biglang dumating at naupo sa tabi ko. Si Justin pala.

"Makikisabay lang sana ako sa inyong kumain. Okay lang ba?"

"Nakaupo ka na riyan saka ka lang magsasabi." sita sa kanya ni Jordan na hindi niya namang binigyan ng pansin.

"Ayos lang." sabi ko na lang.

"Anong ayos lang? May kaibigan naman 'yan diba? Bakit hindi 'yun ang kasama niyang mag lunch?" sabat ulit ni Jordan.

"Oo nga no? Bakit pala hindi mo na nakakasabay si Kian? Hindi ko na rin siya nakikitang kasama mo siya."

"Ayun nga. Palagi siyang nawawala tuwing lunchbreak namin. May pinupuntahan. Kapag uwian naman namin ay sasabihin niyang uuwi na raw siya. Hindi ko na nga siya masyadong nakakasama eh." anito.

"Gano'n?" hindi kaya kasama niya si Andrea sa mga oras na 'yun? Nakapagtataka namang pareho silang nawawala tuwing lunchbreak.

"Oo, ayaw niya naman akong isama. Kaya heto, mag-isa na lang ako palagi."

"Ang drama naman pala ng kwento mo pre." ani Jordan.

"May problema ka ba sa'kin? Kanina ka pa ha." nagsisimula na naman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Kapag sinabi ko sa'yong meron, ano ang gagawin mo?" maangas na sagot ni Jordan.

"Tama na 'yan. 'Yan na naman kayo eh. Pwede bang magbati kayo kahit minsan lang?" wika ko.

"Ayos lang naman sa'kin. Iyon ay kung ayos lang dito kay Jordan. Palagi akong pinag iinitan." napa 'tss' na lang si Jordan. Napansin ko namang parang natatawa si Chelsea sa kabilang side ng mesa habang kumakain. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga usapan namin.

"Taray mo bakla. Pinag aawayan ka ng dalawang lalaki." bulong sa'kin ni Chelsea habang naglalakad na kami pabalik ng room. Tapos na kaming kumain.

"Ewan ko sa kanila. Puro lang sila bangayan. Nakaka stress sila, alam mo 'yun?" sagot ko sa kanya.

"Hindi naman lumpo si Austin para ihatid mo pa siya sa room namin." narinig ko pang saad ni Jordan sa likod namin na siyang ikinatawa ni Chelsea.

"Tignan mo na? Kaya ayokong magkasama silang dalawa eh."

"Hayaan mo na. Ang isa sa kanila ay magiging boyfriend mo rin kaya sure akong titigil din sila. Pinag aagawan ka kasi nila, kaya 'yan. Palagi silang nagtatalo."

"Sana nga."

"O siya. Mauna na ako Austin ah. Magkita na lang tayo mamaya."

"Pasensia ka na kay Jordan ah? Huwag mo na lang siya pansinin."

"Wala 'yun. Nasasanay na rin ako sa kanya. Sige balik na ako sa room. Baka ma-late pa ako eh." umalis na siya kaya pumasok na ako ng room. Nakita ko namang nag-uusap si Chelsea at Andrea, nilapitan ko siya.

"At saan ka na naman galing ha?"

"Kumain lang ako sa labas." nginuya pa nito ang kinaing Mcdo fries. Doon ata siya galing.

Into You BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon