Chapter 34: Ashley

66 8 1
                                    

WARNING!!! RATED 18. MATURE SCENES AHEAD:)

Pagkatapos kong mag ayos para sa pagpasok ay hinintay ko na si Justin na makasabay sa pag pasok sa paaralan. Hindi rin nagtagal ay may bumusina na sa labas. Kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na. Laking gulat ko naman nang hindi pala si Justin ang nasa labas ng bahay namin kundi si Jordan.

"Oh. Jordan, anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ka papasok ng school?" kamot ulong sabi nito. "Iyon ay kung ayos lang sa'yo." dagdag pa nito.

Napaisip naman ako. Siguro wala namang masamang sumabay sa kanya.

"Sige. Ayos lang naman." ani ko.

"Edi tara." nakangiti niyang sabi kaya sumakay na kami sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe kami ay tinext ko na lang si Justin para ipaalam na kasama ko ngayon si Jordan papasok ng school. Baka kasi pumunta pa siya sa bahay namin eh. Nag reply naman siya ng "okay". Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko.

"Bakit mo nga pala naisipang ihatid ako?" natanong ko sa kanya. Nilingon niya ako saglit pero binalik niya ulit ang tingin niya sa kalsada.

"Just to make it up to you. 'Yung mga time na 'di kita pinansin." napatango naman ako sa sinabi niya. Siguro nasaktan ko lang talaga siya kaya iniwasan niya ako. Sadyang okay na ata siya ngayon.

"Namiss ko rin 'yung palagi tayong magkasama." sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"Ako rin. Pwede naman ulit tayong magsama palagi. Nandito na ako." aniya.

"Oo naman. Kaibigan kita." napalingon siya sa'kin saglit.

"Yeah." seryosong sambit nito na kina kibit balikat ko na lang.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa school.

"Nga pala. Kumain ka na ba, Austin?" tanong nito sa'kin habang naglalakad na kami sa hallway.

Nakasanayan na namin ni Justin na sa cafeteria kami palaging nag aalmusal kaya hindi na kami kumakain sa bahay.

"Hindi pa. Bakit?"

"Sakto, hindi pa rin ako kumakain. Tara kain tayo." aya nito sa akin. Naalala ko si Justin. Siguro ay kumain na ito sa bahay nila.

"Sige ba. Basta libre mo." masayang tugon ko. Umakbay lang ito sa akin at tinungo na ang cafeteria. Masaya naman ako na bumalik na sa dati si Jordan. 'Yung dating closeness namin. Siya na ang namili samantalang ako naman ang naghanap nang mauupuan namin. Hindi rin nagtagal ay bumalik na siya at sinimulan na namin ang pag-kain.

"Ba't kayo lang ang kumakain?" narinig kong salita ni Andrea, may bitbit na tray laman ang pagkain niya. "Hindi niyo man lang kami inaya."

"Malay ko ba kung kumain na kayo o hindi." sagot sa kanya ni Jordan.

"Sus, gusto mo lang ma solo si Austin eh. Sorry, may boyfriend na siya." hindi naman umimik si Jordan at hinayaan na lang si Andrea. Naupo na ito, kasama niya rin Chelsea. Sinabayan na nila kami sa pag-kain.

"Nga pala, bukas na 'yung birthday ni mommy. Pinapaalala ko lang sa inyo." ang biglang sabi ni Jordan.

"Oo nga pala." ani Chelsea. "Semi Formal attire ba?"

Into You BxB (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ