Chapter 20: Kwek-kwek

84 9 1
                                    

"Iniwan ko sa taas ng ref 'yung pambayad mo sa tuition para sa finals mo. Ibalik mo sa akin mamaya 'yung sukli." ang agad na wika ni ate Mitch sa kabilang linya pagkasagot ko sa tawag niya.

"Oo na. Kailangan ko nang umalis para pumasok. Ge, baba ko na 'to." sagot ko sa kanya at binaba na ang tawag. Nagbihis na ako ng uniform ko at bumaba na. Napansin ko namang lumapit sa'kin 'yung pusa namin.

"Oh, gutom ka na?" nag meow lang siya sa'kin. Binuksan ko na ang lagayan ng cat food niya, mas lalong lumakas ang meow niya nang marinig ang pagbukas ko ng takip. Na conditioned na ata siya sa tunog ng takip sa cat food. Everytime na naririnig niya kasi ito ay aware na siyang pakakainin na siya.

"Gutom ka na nga." pinakain ko na siya. Kinuha ko na ang pera sa ibabaw ng ref at binilang.

"8,000?" anong sukli ang pinagsasabi niya? Eh sakto lang naman ang bigay niya sa'kin. Nilagay ko na ito sa wallet ko at kinuha na ang bag para umalis. 2 weeks before major exam kasi ay nagbabayad ako ng 8k para sa tuition ko, bale pang 32k ko na ito ngayong first semester. Ang gara nga eh meron kaming Prelims at Midterms samantalang sa ibang school nga Semis lang saka Finals lang. Nakakapagod mag aral, gusto ko na lang umasawa ng mayaman.

Sinigurado kong naka unplug na ang mga appliances at naka lock ang pinto bago lumabas. Pagkalabas ko ng gate ay nakita kong naka abang si Justin habang nakasandal siya sa kanyang sasakyan at naka cross arms.

"Oh, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya habang palapit sa kanya.

"Good morning." 'yan lang ang sinabi niya sa'kin at nginitian niya pa ako.

"Good Morning." bati ko rin sa kanya. "Bakit ka nandito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Eh, ano pa nga ba? Edi ihahatid kita papasok. Tara na." hinawakan niya na ang aking kamay at pinapasok niya na ako sa sasakyan niya. Sumakay na rin siya at nag drive na patungong paaralan.

"Ang kulit mo rin no? 'Di ba sabi ko sa'yong huwag mo na akong ihatid-sundo." wika ko sa kanya. Nagkausap kasi kami sa text, sabi niya kasi ay ihahatid-sundo niya raw ako. Pinigilan ko naman siya pero heto pa rin siya ngayon.

"'Di ba sabi ko rin sa'yong ihahatid-sundo kita sa ayaw at sa gusto mo?" nginisihan niya pa ako. "At isa pa, nililigawan kita kaya hayaan mo lang ako, okay?" dagdag niya pa. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Paano kung ma-late ka dahil sa'kin? Tsaka sayang ang gasolina mo no. Hindi mo naman ito kailangang gawin kung nanliligaw ka." pangangatwiran ko.

"Hindi ako male-late at hindi rin sayang ang gasolina basta ikaw ang ihahatid ko. Kaya ihahatid at sundo na kita magmula ngayon, okay?"

"Sige, ikaw bahala." nasabi ko na lang. Mukhang wala na rin naman na akong magagawa eh.

"Good. Nga pala, nag almusal ka na ba?" tanong nito sa'kin at nilingon niya pa ako. Binalik niya rin sa daan ang atensyon niya kalaunan.

"Hindi pa eh. As usual, sa school na lang ako mag aalmusal."

"Gano'n ba? Sakto hindi pa ako kumakain kaya sabay na tayo." sumang-ayon na lang ako sa kanya dahil sigurado akong hindi naman siya papayag na ako lang ang mag isang kumain sa cafeteria.

Nandito na kami sa school at naglalakad na kami sa hallway patungong cafeteria. Mabuti na lang maaga kaming pumasok dahil kung hindi ay wala na kaming time para kumain. Bago pa man kami lumiko sa isang hallway patungong cafeteria ay may tumawag sa panagalan ko.

Into You BxB (COMPLETED)Where stories live. Discover now