Chapter 25: Birthday Party

74 7 1
                                    

"Bakla! Bilisan mo na! Para marami pa tayong oras sa birthday party." tawag sa'kin ni Andrea sa baba. Alas cinco kasi ang umpisa ng celebration. Nandito na sila sa bahay, sinusundo ako. Nagmadali na akong magdamit ng pang birthday party at bumaba na rin. Atat na atat na kasi eh. Nakita kong nakaupo sila sa sofa, mga naka porma. Nandito rin pala si Kian. Sinundo ata nila si Andrea at Chelsea since hindi naman namin alam kung saan ang bahay ni Justin.

"Oh, ayan na pala siya eh. Tara na." tumayo na sila.

"Ay, teka. May nakalimutan pa pala ako." nagmadali ulit akong umakyat para kunin ito.

"Ano ba 'yan! Mauna na kami sa labas ah?" narinig kong reklamo ni Andrea. Kinuha ko sa lagayan ng damit ko ang maliit na pahabang box, laman ang kwintas na ireregalo ko kay Justin. Makakalimutan ko pa sana, mabuti na lang at naalala ko. Simple lang ang wrapper nito at may nakadikit ding note bilang pagbati.

Nagulat naman ako pagkalabas ko ng aking kwarto dahil nakaabang si Justin sa tapat ng pinto. Hinintay pa ata ako. Mabuti na lang nailagay ko na sa paper bag 'yung regalo ko sa kanya. Kung hindi ay baka nakita niya na. Edi nawala na sana 'yung element of surprise!

"Oh, akala ko nasa labas ka na?"

"Hinintay pa kita eh."

"Talagang hinintay mo pa ako ah? Tara na." bumaba na kami.

"Gusto ko kasing naka akbay ako sa'yo." aniya at umakbay nga sa'kin. Ang gwapo ng birthday boy. Naka clean cut ngayon ang buhok niya. Naka polo pa siya na kulay maroon at faded blue jeans. Naka reebok rubber shoes naman siya.

"Happy Birthday." nakangiting bati ko sa kanya.

"Salamat. Kanina mo pa ako binabati ah?" sagot niya naman. Actually, binati ko na siya sa text kanina eh. Tsaka binati ko ulit siya pagkarating nila rito bago ako naligo.

"Syempre. Espesyal na araw mo ngayon."

"Kaya naman pala natagalan kasi naglandian pa. Bilisan niyo na hoy!" pang-aasar sa'min ni Andrea. Hindi sa kanya halatang excited siya. Akala mo siya ang may birthday eh. Pumasok na siya sa isang sasakyan. Hindi 'yan 'yung sasakyan ni Justin. Nakita kong naka park sa kabila 'yung kay Justin. Baka kay Kian. Nauna nang umalis sila Kian kaya sumunod na lang kami. Wala sa'min si Chelsea. Baka nasa kabilang sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nina Justin. Namangha naman ako kasi parang hindi lang simpleng bahay ang pinuntahan namin. Kundi mansyon! Sobrang laki! Ang lawak din ng bakuran.

"Akala ko ba ay simple lang ang birthday party mo? Bakit ang daming tao?" tanong ko kay Justin pagkababa namin ng kanyang sasakyan. May mangilan-ngilang tao sa labas. Siguro mga nasa 50 ang imbitado, kasama na kami.

"Nag invite kasi si Mommy ng ibang relatives namin. Kaya ayan. Hayaan mo, mag eenjoy naman tayo."

Naalala ko na naman tuloy ang mommy niya. Parang nanglambot ang aking mga tuhod dahil sa kaba.

Pagkapasok namin sa mansyon nila ay sinalubong kami nina Andrea since sila ang unang nakarating dito. May mga bumati sa kanyang mga taong hindi ko naman kilala. Siguro 'yung mga ka relatives niya nga. Sinamahan niya na muna ang mga ito para i-entertain. Naiwan kami sa isang sofa.

"Grabe pala ang yaman nila no?" kumento ni Chelsea habang palinga linga.

"Palagi ka ba rito Kian?" tanong ni Andrea.

"Hindi eh. Minsan lang ako magawi rito. Madalas lang kaming tumambay roon sa chillin' place namin."

"Sayang hindi natin kasama si Jordan." ani Chelsea at napa buntong hininga pa siya. Hindi na siya na invite ni Justin eh, since palagi akong iniiwasan. Siguro kung iimbitahan man siya ay hindi rin naman siya pupunta.

Into You BxB (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora