PROLOGUE

540 18 0
                                    

Prologue

Luminga-linga ako sa paligid. Kanina ko pa hininhintay si Chase dito sa harap ng seven eleven na malapit sa university na pinapasukan ko dahil sabay kaming papasok ngayon sa pinag papasukan naming part time. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko para tawagan siya. It already one o'clock. Saktong may huminto na motor sa harap ko,tinangal niya ang helmet.

"Sorry na late ako. Hinatid ko pa si Chelsea, Hon." Bumaba siya.

Ngumiti ako at yumakap. "Ayos lang,tara na? Mal-late na tayo,pagagalitan tayo letisia nito," biro ko. Tumango siya at ibinigay ang hawak niyang isa pang helmet.

Mabilis kong sinuot 'yun at umangkas sa motor.

"Kapit Hon, sa 'kin ka lang dapat ma fall bawal sa daan," hirit niya. Napatawa ako sabay hampas sa braso niya.

"Loko tara na!" Mabilis niyang pinaandar na ang motor kaya minuto lang ay nasa restaurant na kami.

Chase is my sweet boyfriend. Panganay at tumatayong tatay sa pamilya nila kaya napakaswerte ko nang ako ang niligawan niya sa maraming babaeng gusto siya.

Bumababa ako at binigay ang helmet.

"Dalian mo ah, una na 'ko sa loob," nagmamadali kong sabi dahil kanina pa kami late. Tumango lang siya kaya mabilis ako pumunta sa likod at pumasokbsa pinto na para sa aming nga staff. Naabutan kong nag aayos na rin si Letisia.

"Oh buti nandito na kayo, marami ang tao ngayon," singhal niya. Tumango lang ako at kinuha sa locker ko ang uniform namin. Dumeretso ako sa banyo at mabilis na nag palit bago tumuloy sa labas para simulan na ang trabaho.

"Lorie, paki kuha naman ng order sa table six!" sigaw ng kasamahan ko. Mabilis ko kinuha ang pen at order slip bago lumapit sa labas.

"Good afternoon Sir, may i take your order please?" magalang kong sabi at ngumiti. Isinulat ko ang lahat na sinabi nila at inulit ng isang beses para ikumpirma bago bumalik sa kitchen at ibigay ang order.

Nakita ko si Chase na tumutulong na sa kusina. Napatingin siya sa gawi ko at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik,kumilos na siya at inaabot ang mga gagamitin sa mga lulutuin na order.

Napatingin ako sa gilid ko ng may marahan na sumiko sa 'kin.

"Mare, tama na yan please maawa kayo," reklamo niya. Napatawa na lang ako at tumungo sa mga costumer na bago.

Buong mag hapon ay ganun ang routine ko. Madaming costumer ngayong araw dahil friday at last day rin ng iba pang studyante.

Pabagsak akong umupo sa upuan.

"Nakakapagod!" Si Lea sabay pabagsak na umupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang balikat ko ang nag unat.

Lumabas si Chase galing kusina at nakangiting nag lakad patungo sa 'kin.

"Nandyan na ang labidabs niya!" kinikilig na wika ni Lea. Napailing na lang ako sa inakto niya. Palagi na lang siyang ganiyan peri ayaw naman mag boyfriend.

"Masakit ang balikat mo?" pag aalala niya. Ngumiti lang ako.

"Ngalay lang 'to. Ikaw? Maupo ka muna." Hinila ko ang isa pang upuan sa kanan ko.

Umupo siya. "Ilang taon na ba kayo?" tanong ni letisia na papalapit sa 'min.

"Mag one year na kami next month," ani ko. Umingay ang paligid namin at napuno ng kantyawan.

"Kayo ah, anong balak niyo pag tapos ng year? Mag papakasal?" si Railey isa sa mga kasamahan din namin.

Nag katinginan kami at sabay na umiling.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now