Chapter 11

147 9 0
                                    

Chapter 11: Imposible

"Anong ginagawa mo dito?"

Umalis na si Papa at nalapitan ang mga kapatid ko.

"Sabi mo mag pahinga ako dahil puro ako trabaho."

"Paano mo nalaman ang bahay namin?"

Ngumisi ito.

"I am the boss," mayabang niyang sabi.
Bumuntong hininga ako. Doon niya rin siguro nakuha ang number ko.

"I texted you." Binaba ko ang bag ko sa sofa at kinuha sa bulsa ang cellphone ko. Bungad sa 'kin ang tatlong text na galing sa kaniya.

Pinatay ko ito at binalik ang tingin sa kaniya.

"Anong pakay mo dito?

"Ah, I need my stress reliever."

Kumunot ang noo ko. Anong connect?

"Hindi ko dala, kung ano man 'yun. Wala rin dito." Nagulat ako ng lumapit siya sa 'kin kaya napa atras ako hanggang sa naramdaman ko na ang likod ng ng sofa.

Yumuko siya at pinantayan ang mukha ko. Itinungkod niya sa gilid ko ang mga kamay niya. Nag tama ang mga mata namin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya at nilapit ang bibig sa tainga ko.

"Hindi mo kailangan dalhin dahil ikaw na mismo 'yun. Wala rin kung saan dahil nasa harapan nakita," tila paos niyang sabi.

Umayos siya ng tayo habang ako nanatiling nakasandal sa sofa at makatulala lang sa sahig.Nanlamig ako ng pasadahan niya ng marahan na haplos ang buhok ko.

"Two years is enough, Lorie. I won't let you go this time."

Natauhan ako at mabilis na hinawi ang kamay niya at humarap sa mga kapatid ko.

Napahinga ako ng maluwag dahil hindi nila nakita 'yun. Nakatalikod silang lahat sa gawi namin at nakatayo si Juliet habang tumatalon.

Humarap siya sa 'kin at mabilis na yumakap.

"Ate, Nanalo ako!" sigaw niya. Humagikgik kami pareho. Umupo ako para mapantayan siya at binuhat.

"Anong gusto mong premyo?" Nagliwanag ang mukha niya at mas lalong lumaki ang ngiti.

"Spaghetti, Ate!" tili niya. Tumawa ako at tumango. Tumingin ako sa iba ko pang kapatid.

"Sa inyo?" Nag liwanag ang mga mukha nito.

"Pizza, Ate yung Hawaiian!" ani ni Warren.

"Bola, Ate!" sigaw ni Gelo. Tamawa lang si Papa at umiling sa mga sinabi ng nga kapatid ko. Nag papababa si Juliet at nagulat ako ng mabilis siyang tumakbo at yumakap sa bintini ni Zander.

"Ikaw po kuya? Ano pong premyo ko?" inosente niyang tanong. Tumawa si Zander at lumuhod para mapantayan si Juliet.

"What do you wan't then, Princess?" tanong nito.

Pumalakpak si Juliet at humarap sa 'kin. Tinuro ako nito kaya napunta sa 'kin ang tingin niya.

"Can you make my Ate happy po?"

Hindi ako nakapag salita sa gulat sa inirequest niya.

Ngumiti si Zander sa 'kin at tumingin sa kapatid ko.

"I will, princess.. I promise." Tinaas niya ang kanang kamay tanda ng pangako. Humagalpak ako ng apiran ito ng kapatid ko.

"Apir!" tili niya. Napailing na lang siya at tumawa ng mahina.

Tumakbo naman si Juliet kay Papa at nag pabuhat dito.

"Ay kuya!" pag tawag niya kay Zander. Tumingin sa kaniya si Zander at ngumiti.

"Boss ka po ni Ate 'diba? Pwede po bang taasan niyo sahod niya? Ang baba po eh!" sigaw niya. Nataranta ako sa sinabi niya.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang bibig niya. Pati rin si Papa ay mukhang nahiya sa sinabi ni Juliet. Jusko kang bata ka! Ang lakas ng loob mo, mawawalan pa ko ng trabaho nito.

Humagalpak lang sila Warren at Gelo sa sinabi ni Juliet. Inosente niyang hinawi ang kamay ko sa bibig niya at tiningnan muli si Zander na mukhang hinihintay ang sagot nito.

Tumingin si Zander sa 'kin at ngumiti.

"We will talk about it later, princess," malambing sabi niya nanagpapalakpak sa kapatid ko.

Nagsa kusina sila Papa kasama sila Warren at Gelo na tumutulong mag luto. Si Juliet ay natutulog sa lap ko.

"Maliit lang ang pinasasahod sayo?" tanong niya. Umiling ako at tumawa.

"Hindi naman. Nag bibiro lang si Juliet kanina," paliwanag ko. Hinaplos ko ang ulo ng bunso namin.

"Hindi naman?" Kunot noo niyang tanong.

"Tama ang pinasasahod sa 'min noong mga panahon na wala ka." Tumango siya.

Ilang minuto kaming tahimik at pinag mamasdan ang tulog na si Juliet.

"Is this your house or rent?"

"Hinuhulugan pa rin pero yung kotse amin na 'yun." Tumango siya at kinuha ang phone niya sa bulsa ng itim niyang coat.

"Mag kano na lang ang balance?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko.
Sineryoso niya ang biro ni Juliet.

"Anong balak mong gawin? 'wag mong sabihin na sineryoso mo ang biro ng bata?" Nag kibit balikat lang siya at nag tipa sa cellphone niya.

Ilang sandali pa binababa niya na ang phone at humarap sa 'kin na nakangiti.

"Check your account."

Kunot noo kong kinuha ang phone ko sa mesa at binuksan ang app ng banko kung na saan ang mga savings ko.

Halos malaglag ang eyesballs ko sa nakita. Tumingin ako sa kaniya at balik ulit sa phone ko. Paulit ulit ko yung ginawa at bumuntong hininga. Tange, sineryoso niya.

"Nababaliw kana, Boss..." Ngumiti lang ito at sumadal sa sofa at nag dequatro.

"Ibabalik ko 'yan sayo. Paunti unti sa bawat sweldo ko." Kumunot ang noo niya.

"Hey, you don't have to do that."

May sapak na talaga. Grabe siyang kung magtapon ng pera. Sobra sobra yung sinend niyang pera sa savings ko. Sobra pa sa sobra to be exact.

"Kailangan. Pinag tatrbauhan ang pera boss." Umawang ang gilid na labi nito at mangha akong tiningnan.

"Unbelievable..." He muttered.

Umayos siya ng upo.

"Bigay ko 'yun hindi utang. Hindi rin ako naniningil."

"Bakit?" Umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"That's the princess want."

Parang may kumiliti sa puso ko. Isang ceo ng isang malaking company. Naturingang malupit sa mga empleyado pero malambot sa mga bata. Tinawag niyang princess ang kapatid ko. Parang napaka imposible

"Dito kana kumain, mag bibihis lang ako." Tumango lang siya. Dahan dahan kong inilipat ang ulo ni Juliet sa unan at umakyat.

Humarap ako sa salamin. Sumilay ang isang matingkad na ngiti sa labi ko. Akalain mo pwede pala kaming maging mag kaibigan. Mabilis kong sinampal ang sarili ko. Assumera na naman. Malay mo naman naawa lang diba, kaibigan agad.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن