Chapter 14

118 10 0
                                    

Chapter 14: Honey

"Mars, may balita na kumakalat na nakita daw si Sir sa bahay niyo. True ba?" bulong ni Mara.

Pumikit ako ng mariin. Saan? sino?

"Oo.Kinapalan ko ang mukha at nag pasabay."

Tumango lang ito sat pinag patuloy ang pag tipa sa keyboard niya. I tilted my head and hinawakan ko ang leeg ko dahil sa ngalay.

Kung hindi sana siya pumupunta sa bahay ng walang sadya, edi sana walang issue na ganun. Hangga't maari ayaw ko ng gulo,may girlfriend siya tapos makikita siya sa bahay ng ibang babae. Ang pangit isipin.

That night hindi talaga siya umalis kaya wala akong nagawa kun'di ang duon siya patulugin. Mataas din ang lagnat niya ng dampian ko siya. Hindi din nag tagal si Canary. I swear that was the first and last time na matutulog siya sa bahay.

"Mars, galit na galit daw si Ma'am Hanna kanina nung pumasok siya sa office niya, narinig pa nga namay nahulog," bulong ni Sab.

"Ay, bakit daw?" mahinang tanong ni Kris. Mag sasalita pa sana si Sab ng may malakas na boses kaming narinig.

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng ingay. Isang magandang babae na mukhang nasa 30's na. Maganda at makinis ang balat nito na halatang galing sa mayamang angkan. May nakasunod sa kaniyang janitor si Mang pedring. Dumeretso sila sa office ni Hanna.

"Yari si Ma'am Hanna," bulong ni Mara.

"Tama na nga ang chika. Mamaya may makarinig pa sa 'tin," sabi ko.

Mabilis kaming humarap sa monitor.

"Bakit kaya nandito yung mother ng girlfriend ni Sir?" bulong ni Sab.

Mother? Nanlaki ang mata ko. Nanay 'yun ni Hanna?

"Sino ba ang girlfriend ni Sir?" mahinang tanong ni Mara.

Sasagot pa sana si Sab ng makarinig kami ng isang tili.

Nanlaki ang mga mata namin ng lumabas ang babae kanina. Hila hila niya ang buhok ni Hanna habang kinakaladkad ito patungo sa elevator. Galit ang makikita sa mukha ng babae. Sinubukang kalasin ni Hanna ang pag kakahawak sa buhok niya pero napa sigaw siya nang mas higpitan nito ang kapit sa buhok niya. Pulang pula na ang buong mukha ni Hanna, may mga kalmot din ito sa leeg.

Nang magbukas ang elevator,kinaladkad niya muli ito papasok.  Hanggang sa nagsara ito ay narinig parin namin ang tili ni Hanna.

"Grabe..." bulong ni Sab. Napailing nalang ako. Bakit niya ginanun ang anak niya?

Bumalik na kami sa kaniya kaniyang trabaho habang pinag uusapan parin ang nangyaring eskandalo kanina. Naawa ako kay Hanna. Andami niyang kalmot at pinahiya pa siya.

Nag break time na kaya inayos muna namin ang mesa namin bago kunin ang gamit para pumunta sa cafeteria. Umupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria para walang ibang makarinig sa usapan namin.

"Grabe, ano? Kawawa si Ma'am.Halos mangiyak-ngiyak na siya," sabi ni Mara.

"Ang dami niya ring sugat pero bakit kaya ginawa yun ng nanay niya," sabi ko.

Napatigil silang lahat at tumingin sa 'kin. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Pano mo nasabing nanay niya 'yun?" Tanong ni Sab.

"Ang sabi mo mother yun ng girlfriend ni Sir."

"Kaya nga." Kunot noo niyang sabi.

"Bakit? Hindi ba si Hanna ang girlfriend ni Sir?" natatawa 'kong tanong.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz