Chapter 30

153 11 1
                                    

Chapter 30: Ring

"Zander, 'wag kang malikot!" sigaw ko. Nakasimangot siyang sumunod. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang matawa.

'He's cute but ang ganda niya pag may make up'

Humagalpak ako ng tingnan niya ako ng masama. Patuloy lang sila Chelsea at Juliet sa pag lalagay ng kolorete sa mukha nito habang siya naka upo lang sa kama ni Chelsea. Napag katuwan siya na lagyan ng make up nila Chelsea ng sabay kaming bumisita kay Tita kasama si Juliet.

Natatawa kong nilabas ang dress na na nakita ko kanina sa mall kaya binili ko. Isang spaghetti dress na champagne color.

"Tapos na ba 'yan, babies?" natatawa kong tanong. Humarap sila sa akin at tumango. Lumapit ako sa harap ni Zander para ipakita sa kaniya ang dress. Nanlaki ang mga mata niya. Hinila ko siya patayo at pinahawak sa kaniya ang gown.

"Suotin mo para bagay tayo." Kahit na may pag tutol sa mukha niya ay pumasok siya ng cr para mag palit.

Tiningnan ko sa salamin ang suot ko. Naka pang suit ako at naka tali rin ng maayos ang buhok ko. Ilang saglit pa lumabas si Zander na nakasimangot. Malakas ang pagpalakpak naming tatlo pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Nag thumbs up lang ako at ngumiti. Lumapit ako sa kaniya at yumakap.

"Ang ganda mo.." natatawa kong bulong.

"Tss.." ungot niya at umirap sa hangin. Napailing na lang ako

'Ang isa sa mga may ari ng isang sikat na  kumpanya ay sunod sunuran sa gusto ng mga parang nakakabata niyang kapatid..'

Paniguradong kapag iniligay ito sa sa mga dyaryo ay talagang magiging usap usapan ito.

"I love you.." bulong ko. Nakita kong namula ang tainga niya.

"Picture!!" sigaw ni Chelsea. May hawak siyang phone at winawagayway.

Umayos ako ng tayo. Tulad ng ginagawa ni Zander. Niyapos ko ang baywang niya at inilapit sa kin. Inakbayan niya ako.

"1..2..Smile!" sigaw ni Juliet. Nakarinig kami ng pag tunog tanda ng nakuhaan na kami ng picture.

Nakarinig kami ng sigawan sa baba. Kaya dali dali kaming tumakbo pababa. Good thing wala kaming mga sapin sa paa kaya hindi kami ma tatapilok habang tumatakbo.

Nanigas ako ng makita ko ang magulang ni Zander. Bumaba ang tingin ko sa mga unan na nagkalat sa sahig. Nagtama ang mata namin ni Blaire ng mapadpad sa kaniya ang tingin ko hawal niya ang braso ng ina nito at parang pinipigilan. Kita sa mukha niya hiya at parang nang hihingi ng tawad sa kung anong nangyari.

Tumikhim ako at tumayo ng tuwid.

"Ano po ang ginagawa niyo rito?" sabi ko. Seryoso lang ang tingin ko sakanila.

Galit na umabante si Ma'am. Leonara.

"Malandi ka! Mang aagaw!" sigaw  ni Ma'am. Leonara. Halos hatakin siya ni Blaire dahil sa pag pupumilit niyang lumapit sa kin. Samantala ang mga magulang ni Zander ay kalmado at kitang kita na seryoso ang mga ito.

Napatingin ako sa kamay ko ng may humawak rito.

"Blaire and I already broke up, Tita," seryoso niyang sabi. Napaamang si Ma'am Leonara at pagak na tumawa.

"Your kidding.." Nanatiling seryoso si Zander at umiling.

"Ask your daughter, Ma'am," aniya. Humarap si Ma'am. Leonara kay Blaire. Mabilis na tumango si Blaire.

"That's true, Mom. Our relationship officially ended when... Lorie decided leave the company, and Zander." Parang naistatwa naman si Ma'am. Leonara sa sinabi ng anak niya.

Walang nag salita at ilang minutong namayani ang katahimikan sa bahay namin nang tumukhim ang father ni Zander si Mr. Del Fuego.

"And you two?" seryoso niyang ani.

"We're officially in a relationship, Dad, Mom." Tumingin siya sa kin at nginitian. Napadpad ang mata nila sa mga katawan namin.

Napapikit ako ng mariin.

'Hindi pa pala kami na kakapag palit.'

Umiling iling lang si Mr. Del Fuego.

"You're the girlfriend?" mapanuyang tanong ng ama niya. He shrugged.

"Maybe."

I heard someone's giggled. Nakangiti niya akong tinapunan ng tingin at hindi alintana ang matalim na tingin ni Ma'am Leonara.

"Ahem!" Napatingin ako sa Mother niya ng tumikhim ito. Hindi kagaya kanina ay seryoso ito,ngayon ay matamis itong nakangiti sa kin.

"Congrats to the both of you.." Tipid akong ngumiti. Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa mga nang yari. Marahang pinisil ni Zander ang kamay ko.

"So. . . Kailan ang kasal?" Dagdag ni Mrs. Del Fuego. Malaki ang ngisi niya habang salitan kaming tiningnan ni Zander.

"A-Ah.." Napatingin sila sa kin na parang hinihintay ang sasabihin ko. Papaano ko ba sasabihin ito?

Mag sasalita na ako nang may humagis na unan at bumagsak sa paanan ko. Lumuhod si Zander at kinuha iyon, hindi niya inintindi ang ikli ng dress na suot niya.

"Oh..my.." Napatakip ako sa bibig ng makita kong kinuha niya ang isang sising. May malaking bilog na bato ito na napapalibutan ng maliliit din na crystal.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng humangad siya sa kin habang hawak ang singsing.

He smiled.

"Lorie, In infront of our family, I want to ask you this..question that i've thinking almost a years now.." Lumunok siya. "Ms. Lorienna Vasquez, My honey. Will you marry me?"

Umangat ang tingin ko sa pamilya namin. Walang pagtutol sa mukha ng mga magulang ni Zander bagkus nakangiti ang mga ito. Si Blaire ay nakangiti habang mahigpit ang hawak sa braso ng ina nito na ngayon ay walang magawa kun'di ang manood. Napunta ang tingin ko kay Canary at sa mga kapatid ko. Pare pareho silang malaking nakangiti nag thumbs up ang dalawang lalaking kapatid ko habang kinikilig na mag kayakap sila Juliet at Chelsea. Si Canary naman ay nakangiti at bakas sa mukha ang saya. At pang huli ay ang mga taong gumabay sa kin. Si Papa at Tita. Kapwa silang nakangiti sa min at sabay na tumango sa kin.

Humarap ako kay Zander. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa dahil sa nakikita kong kaba sa mukha niya.

He held my hand.

"Lorie...for the second time, will you please marry me?" masuyo niyo niyang tanong.

Sunod sunod akong tumango.

"Yes. Oo naman." Natatawa kong sagot. Para siyang nabunutan ng tinik.

"Please say it, honey.." malambing niyang sabi.

"Yes, I will marry you, Zander. So you don't need to say please because I will marry you.." Tumuloy ang luha ko pag tapos kong sabihin ang mga katagang yun.

Umingay ang buong bahay sa tili at sigawan samahan pa ng palapakan ng pamilya namin.

Mabilis niyang sininuot sa daliri ko ang singsing at tumayo. Mahigpit niya akong niyakap.

"Thank you, Thank you," paulit ulit niyang sabi. Nakanguso akong yumakap ng mahigpit.

"Thank you?" bulong ko.

He chuckled.

"Silly. I love you so much, Honey..." bulong niya.

'I love you, too.'

____________________________________

Last 1 chapter then epilogue na :>

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz