Chapter 6

154 13 1
                                    

Chapter 6: Girlfriend

I gulped when he walks towards me. He stop and smile.

"Hey..." He said.

I smiled at him.

"Boss, kamusta?" Pinilit kong hindi mautal sa harap niya. Nag titinginan na ang ibang tao sa 'min mostly babae habang kinikilig ang mga ito.

I saw his adams move up and down.  Napatitig ako sa mga mata niyang mapupungay.

Ibubuka pa sana nito ang bibig ng akbayan siya ni Yohan.

"Tama na 'yan. Maupo muna tayo."

Inalis na niya ang pag akbay at tumalikod. Laking gulat ko ng umupo si Sir Zander sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Hoy, hindi ka d'yan. Hindi yan ang table na 'tin!" sigaw ni Yohan. Bored niyang tinapunan ng tingin si Yohan at binalik sa 'kin ang tingin.

Tumingin ako kay Yohan at ngumiti. "Ayos lang."

Nakita ko pa ang pag tutol sa mukha ni Yohan pero sinamaan lang ito ng tingin ni Sir Zander.

"Sabi ko nga, d'yan ka na." Ngumuso siya na tila bata na nag ta-trantrumps.

"A, Sir mga kaibigan ko po." Tumango lang siya at sandaling tinapunan ng tingin.

"How are you?" tanong niya.

"Ayos naman po,Sir–"

"Zander." Pag putol niya sa pagsasalita ko.

"Pero, Sir–"

"Zander, Lorie. Zander," mariin niyang sabi. Bayolente akong napalunok tsaka tumango.

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik. He didn't answer me. He just shrug.

"I heard what happened 2 years ago." Aniya. "I'm sorry. I wasn't there that time."

"Ayos lang Zander."

Biglang nag ring ang phone niya. Nang tiningnan niya kung sino ito ay kumunot ang noo niya at agad na pinatay ang tawag. Nilapag niya iyon sa mesa at muling nag tumunog.

"Sagutin mo na. Mukhang importante."  Umiling lang siya at muling pintay ang tawag.

"You're the most important here, Lorie."He said seriously. He turn his phone off.

Narinig ko ang pag tikhim ng mga kasama namin. Nag pipigil silang ngumiti.

Naiilang akong tumawa at uminom ng tubig. Malamig ang buong paligid pero pakiramdam ko lalagnatin ako.

"Speed.." I heard someone said from other table.

Kumuha siya ng lettuce at nilagyan ng beef. Humarap siya sa 'kin at tinapat ito sa bibig ko.

"Open your mouth." Utos 'yon. Lumayo ako ng bahagya at kinuha ang hawak niya.

"Kaya ko. Sige na kumain kana lang."  Sinubo ko na ang pagkain at kumuha ulit ng lettuce at beef.

"Feed me."

Pumikit ako ng mariin. Pinag ti-tripan ba 'ko nito?

"May kamay ka Zander."

Bumugtong hininga siya at hindi na tumutol pa.

Muling umingay ang mesa namin at mesa nila Lea nang subuan ni Railey si Lea. Habang si Yohan nag paparinig kay Letisia na sana sila din daw.

Napailing ako. Ilang taon ang lumipas at nag papasalamat ako dahil hindi sumama ang loob nila sa 'kin nang umalis ako ng resto.

Hinimas ko ang t'yan ko. Ramdam ko na busog na 'ko. Tumayo na sila Lea at lumapit sa 'kin at yumakap mula sa likod.

"Babye, Lorie. Text text na lang."  Si Lea. Kumalas siya at sumunod si Letisia.

"Hindi kami pwedeng mag tagal, Lorie. Next time na lang tayo mag bonding ah," may lungkot na wika ni Letisia. Kumalas siya pag kakayap sa 'kin.

Tumayo ako at hinarap sila at sabay na niyakap.

"Namiss ko kayo. Sorry guys," Magaan nilang tinapik ang balikat ko. Kumalas ako sa pag kakayap.

"Wala 'yun. Naiintindihan ka namin,basta nandito lang kami." Nakangiting sabi ni Letisia.

Akmang yayakap sila Railey at Yohan nang mapatingin sila sa likod ko. Mabilis silang umayos ng tayo at tumingin sa 'kin.

Ngumiti sila at kumaway.

"Bye, Lorie. Next time ililibre kita," Sabi ni Yohan at kinindatan ako.

"Sabi mo 'yan a, walang atrasan," Natatawa kong sabi.

"Railey, alagaan mo si Lea. Sige ka maagaw yan ng iba," sabi ko at kumindat sakaniya. Humagalpak sila Railey at Letisia. Sinamaan sila ng tingin ni Lea.

"Walang aagaw d'yan. Sure ako,"  sabi niya na tila sigurado. Ngumisi si Lea at humarap sa 'kin.

"Lorie 'diba sabi mo akong makilala nung katrabaho mo? Ano bang name nun? Ah Wayne, tama. Sabihin mo payag na 'ko saan–" pinutol ni Railey ang pag sasalita niya.

"Pumayag ako?" seryoso niyang tanong. Humarap si Lea sakaniya na may magandang ngiti.

"Makikipag friends lang naman. Tulad na 'tin friends." aniya. Dumilim ang mukha nito.

"Ang magkaibigan pinag paplanuhang mag pakasal sa isa't isa, Lea!" mariin niyang sabi. Napalaki ang mata ko. Nawala na rin ang ngisi niya at namula ang dalawang pisngi.

"Mag sialis na nga kayo,aba respeto naman sa walang jowa," mataray na sabi ni Kris. Umagree naman si Mara.

"Oo na. Mga bitter," pang- aasar ni Lea at ngumisi kay Kris. Ngumisi din si Kris sa kaniya na nasa tabi ko at nakatayo na rin.

"Walang label," asik niya. Humagalpak kami lahat maliban kina Zander at kila Lea at Railey na ngayon ay nakabusangot na.

"Tara na nga!" inis na sabi ni Lea at hinatak si Railey palabas. Sumunod naman si Letisia na kaway muna bago lumabas.

"Tara na, Zander pre," aya niya. Nag tama ang mata namin ni Zander.

"See you, again?" Tumango ako at ngumiti. Tumingin ako kay Yohan.

"Ingat kayo," Ani ko. Tumango siya at natatawang tumingin kay Zander.

"Alis na kami. Mag iingat talaga ako. Lalo na ngayon hehe," aniya at hinatak lalabas si Zander.

Humarap ako sa table para kunin na ang bag ko nang makita ko ang isang phone na nag tumutunog.

"Naiwan ni Zander," bulong ko.

"Balik mo na lang pag nag kita ulit kayo," sabi ni Mara. Tumigil sa pag ring ang phone kaya kinuha ko na ito.

Akmang ipapasok ko na sa bag ko ng tumunog ito ulit at this time halos lumabas ang puso konsa sobrang kabog sa nabasa ko sa screen kung sino ang tumatawag.

'Babe'

Babe? Shuta may girlfriend na pero parang nakikipag flirt pa sa 'kin. Mga mayayamam nga naman hindi nakukunteto sa isa. Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba. Anong flirt? Assumera ka self dating boss mo yun.

Mabilis akong nag lakad palabas ng resto. Nakita ko na nakatayo sila Mara sa labas ng isang boutique.

"Ang tagal mo a, tara samahan niyo muna akong mag shopping!" excited na sabi ni Mara. Nauna siyang pumasok kaya wala kaming nagawa kun 'di pumasok.

_____________________________________

Babe? Charing! Don't forget to vote and comment, salamat!

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now