Chapter 28

128 7 0
                                    

Chapter 28: Ligaw

"Welcome back, Anak!" sigaw ni Papa. Tumawa ako at lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit.

"I miss you, Pa.." Naiiyak kong sabi. Humigpit ang yakap niya.

"I miss too, Anak. Masaya akong nakabalik kana.."bulong ni Papa. Kumalas ako at hinarap ang dalawa kong kapatid na nalalaki na nakabusangot.

Natatawa akong yumakap sa kanila.

"Namiss ko kayo mga bugok." Yumakap sila ng mahigpit sa kin. Kaya lihim akong napangiti.

"May mga pasalubong ako.." bulong ko.  Agad naman silang kumalas at nag niningning ang mga mata na nakatingin sa kin.

"Namiss karin namin, Ate sobra. Nasan ang mga pasalubong?" Mabilis na sabi ni Warren. Natatawa akong tinuro ang isang maletang dala ko kung saan nakalagay ang mga galing batangas. Mabilis nilang kinuha yun at binuksan.

"Pupunta tayo sa susunod dun."

Nag hiyawan naman sila at nag apir. Natawa nalang si Papa. Napunta ang tingin ko sa batang nag tatago sa likod ni Papa.

"Hindi mo ba ako namiss?" Umiling siya at nag tago sa likod ni Papa.

"Hanap ka kuya ko..." putol siyang sabi.
"May pasalubong si Ate sayo," Mabilis pa sa alas kwatro ang pag yakap niya sa baywang ko.

Binuhat ko siya. Yumakap siya sa leeg ko

"Sinong kuya, Juliet?" Tanong ko. Inosente siyang ngumiti.

"Si kuya boss, Ate." Napatigil ako.

"Palagi kang hinihintay niya Ate. Madami siyang toys, Ate."

Napatingin ako sa pinto ng bumukas at niluwa si Zander. Nag tama ang mata namin pero agad siyang umiwas. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. May dala siyang cake at dalang plastic na may laman na dalawang ice cream na malalaki. Nilapitan siya ni Papa.

"Anak, buti nandito ka halika dito kana kumain," sabi ni Papa sa kaniya. Napalunok siya at sunod sunod na umiling.

"Ah..Pa. hindi na po may gagawin din po kasi ako eh, dumaan lang po ako para ihatid ang mga ito." Tinaas niya ang mga hawak niya. Nag lakad siya sa minnie table at nilapag iyon.

"Alis na po ako." Tumingin siya sa kin at tipid na ngumiti. "Alis na 'ko, welcome back."Tumango ako. Tumalikod siya at akmang bubuksan na ang pinto.

"Pwede bang dito ka na muna kumain? Kahit sandali lang." Gulat niya akong tinapunan ng tingin.

"Nakakahiya–"

"Hindi. Para ka ng pamilya kaya hindi tatabla sa kin yang hiya hiya mo."

Papa na nga tawag mo sa papa ko eh, ngayon ka pa mahihiya? sabi ko isip ko. Napakamot siya ng ulo at tumango.

"Sige, dito na lang ako kakain." Nag apir naman sila Warren at Gelo at pumalakpak si Juliet.

"Hala, sige, tayo na sa hapag ng makakain na tayo," masayang sabi ni Papa.

Naiiling akong umupo sa upuan. Napapagitnaan namin ni Zander si Juliet. Sinandukan ko ng kanin si Juliet at akmang kukuha ako ng menudo nang tumayo si Zander at siya na ang kumuha. Nilapag niya iyon sa gilid ng plato ni Juliet. Kumuha rin siya ng tubig sa pitcher at isa isang nilagyan ang baso namin. Binuksan niya rin ang cake na dala niya kanina. Nilabas niya ang ice cream sa plastic at nag lakad papuntang kusina. Nilagay niya iyon sa freezer tyaka muling bumalik sa pag kakaupo niya. Mukhang palagi nga siyang narito dahil halos alam na niya ang lahat.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant