Chapter 16

145 8 1
                                    

Go to him

"Bye guys!" paalam ko.

Dumretso ako sa pinto dahil naroon na raw si Canary. Hindi ko dala ang kotse ko ngayon dahil gagamitin ni Papa. Kaya nag pasundo na lang ako.

Nakita ko siyang kumaway habang nakasandal ito sa motor niya. Patakbo kong tinawid ang pagitan namin.

"Sorry, nag hintay ka." Ginulo niya lang ang buhok.

"Ayos lang "  Kinuha niya ang itim na helmet at isinuot sa akin. Nauna siyang sumakay sa motor at umangkas na ako.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Ikaw bahala."

Pinaandar na niya ang motor. Ilang minuto pa ay inihinto niya ito sa harap ng ihawan. Bumaba ako at tinanggal ang helmet ko.

"Dito naman tayo para maiba."

Bumaba siya at tinanggal ang helmet. Kinuha niya ang helmet sa 'kin at isinabit iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa ale.

"Pumili ka na." Kumuha ako ng dalawang isaw at laman. Siya naman ay kumuha ng limang ulo at atay.

"Ayan lang? Damihan mo naman,hindi ako ibang tao kaya mag pakatotoo ka," pang aasar niya.

Tumawa na lang ako at kumuha pa ng tatlong isaw, laman at ulo.  Binigay namin iyong sa ale at nag bilin na may bibilhin lang kami at babalik agad.

"Saan na naman tayo?" Hindi siya sumagot at hinila lang ako papasok sa isang perya. tumingin ako sa orasan ko. Mag a-alas otso na pala.

"Tara sa loob. Madami dami panaman yung niluluto ni manang bago matapos yung atin."

Parang pumalakpak ang tainga ko sa sinabi niya at agad na tumango.

Hinila niya ako sa ticket booth ng freeze bee. Nang makabili siya agad kaming pumila.

"Sigurado kaba na ito uunahin natin?"

Natitig ako sa galaw ng rides na ito. Palakas ng palakas ito kaya pataas ng pataas. Matagal tagal na akong hindi nakakasakay ng ganito kaya hindi ko alam kung kakayanin ko. Mabuti na lang at nakapantalon ako ngayon at hindi naka skirt.

"Oo naman, natatakot kaba? Himala yata," pang iinis niya.

Sinabayan niya pa ang malakas na halakhak. Mas lumakas ang sigawan ng mga nasa freeze bee ng umikot na ito. Umabot na ito sa tuktok. Napalunok ako at humigpit ang hawak ko kay Canary.

"Nandito ako. Chill," natatawa niyang sabi.

Ilang minuto pa ay kami na ang susunod. Umupo ako at ibinababa ang pang harang. Bumuga ako ng hininga na nag patawa kay Canary. Lumapit sa 'min ang operator para ilock ang mga harang na nakaikot sa 'min. Kumapit ako ng mahigpit.

"Hawakan ko kamay mo A," sabi ni Canary. Umiling lang ako at hinigpitan ang hawak sa harang na nasa katawan ko.

"Ayaw. Humawak ka na lang diyan mamaya malaglag kapa."

Humagalpak siya. Ilang sandali pa tumunog na ng bell at nag simula na ang pag sway ng freez bee.

"Ito na, Lorie!" Humalakhak siya.

Napapikit ako ng naramdaman kong unti unti ng lumalakas ang pag hagis.
Hanggang sa nag sigawan na ang mga kasama ko dahil sa umaabot na ng tutok ang ikot nito. Mas humigpit ang hawak ko. I bite my lowerlip para pigilan ang pag sigaw ko. Ayakong dumilat baka mawalan pako ng malay. Naririnig ko ang iba't ibang hiyaw. Ang hiyaw na nag eenjoy katulad ni Canary at yung iba ay nag mamamkaawang itigil na. Maya maya unti unti ng humina ang pasway kaya dumilat na ako. Tumigil na ito at sumampa na ang operator para tanggalin ang mga harang. Agad kong hinila pababa si Canary doon dahil gusto niya pang umulit. Natibay ang bituka nito.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now