Chapter 23

113 9 1
                                    

Chapter 23: Akin

"Bakit ang tagal mo?" bungad ni Kris. Tinaas ko lang kape ko at umupo na sa upuan ko.

"Ang tagal ng kape ko," pag dadahilan ko.

Hindi na sila umimik at nag trabaho na.

Ibinuhos ko ang oras ko mga ginagawa ko para hindi kona maiisip ang panlalait at nga salitang naisampal sa kin.

Sumandal ako sa upuan ko at hinilot ang ulo ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mara. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Sure ka?" tanong ni Sab.

"Oo, medyo sumakit lang ulo ko." Tumingin ako sa orasan.

Hindi nanpala kami nakapag break time dahil sa tambak na pinatrabaho sa 'min. Malapit na ang holiday kaya dumadami rin ang mga papeles na kailangang tapusin. Ilang minuto na lang uwian na namin.

"Tapusin na natin ito para ibang papeles naman bukas," sabi ni Sab tsaka umunat at muling humarap sa monitor.

"Pag talaga nag holiday nako, susulitin ko na!" excited na sabi ni Mara.

Napatawa na lang kami. Hinarap na  namin ang monitor at nag simula na ulit.

Seryoso akong nag titipa nang may nag lapag ng iang paper bag kaya napaangat ako ng tingin.

"Ang hirap pala pumasok dito 'no?" Sabi ni Canary. Napakamot siya ng ulo.

"Adik ka, pano ka nakapasok dito kung ganun?" bulong ko. Tinuro niya ang lace na naksubwit sa leeg niya. Nakajacket siya ng black at naka salamin.

Napailing na lang ako. Hindi ito ang unang beses na ginawa ang ganito. Katulad dati nag suot siya ng jacket at nag suot ng id lace para kunwaring dito siya nag tatrabaho. Hindi nag c-check ng id ang security pero mga bag oo.

"Hinintay mo nalang sana ako."

Umiling lang siya.

"Kumain kana?"

Umiing ako.

"Pumasok ka pa sus, ilang minuto nalang uwian na," natatawa kong sabi.
Napakamot siya sa ulo niya.

"Kagaya nga ng sabi ko. Mahirap maka pasok. Kanina sa baba hindi pinapasok nung sinabi ko sa guard na hinahanap kita tas tinanong kung anong pangalan ko," sabi niya.

"Sinabi mo?" Tumango siya at ngumiwi.

"Oo, kaya akala ko okay na pero tinawagan niya ang boss niyo tas sabay sabing 'Hindi po kayo pwedeng pumasok sir, utos po ni boss.' akala ko ba close kayo ng boss mo bakit hindi niya ko pinapasok?" inis na sabi niya.

Napatawa nalang ako. Saktong narinig napatingin ako sa orasan.

"Uwian na pala."

Tumingin ako sakaniya at laking gulat ko ng lagitpit niya na ang gamit ko at inaayos na niya ang mga folder.

"Saglit... ayan. Ayos na tara?" masaya niyang sabi. Napailing na lang ako.

Kinuha ko ang bag ko at kumapit sa braso niya.

"Lets go." Humarap ako kina Sab na ngayon ay nakatulala.

"Guys, this is Canary. Canary mga friends ko." Bahagyang yumuko si Canary sa kanila.

"Nice to meet you all," Aniya.

Halos malaglag ang panga nila ng tanggalin ni Canary ang salamin niya.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now