Chapter 20

116 8 0
                                    

Chapter 19: Kiss

"Nasa loob ba si Sir Reil?" I asked his secretary. Tumango siya at tinuro ang pinto.

"Bukas yan, Miss. Kanina pa kayo niyan hinihintay," aniya na natatawa. Napailing na lang ako bago kumatok ng tatlong beses bago pumasok.

Dumeretso ako sa sofa at umupo. Umangat ang tingin niya sa kin at binaba ang hawak na papeles.

"Why do you took so long?" seryoso niyang tanong. Nag kibit balikat ako at sumandal.

"Nag tatrabaho ako malamang," sabi ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo. Nag lakad siya papalapit sa kin at umupo sa tabi ko.

"Can you come with me?" niyang ani. Umayos ako ng upo at kunot noo siyang tinapunan ng tingin.
Two days ago na nung mag date kami at binalaan ako nung lalaki. Hindi siya nag explain kung anong ibigsabihin nung lalaki na blake ang pangalan. Hindi ko din tinanong dahil gusto kong sakaniya manggaling ang lahat.

"Saan mo na naman akong dadalhin?" Ngumiti siya.

"To my favorite place," aniya.
Bumugtong hininga ako.

"May trabaho pa tayo," sabi ko. Nag kibit balikat siya.

"You can continue it tomorrow." Napailing na lang ako.

"Bakit ba ang hilig hilig mo na ipagpabukas ang mga trabaho?" inis kong tanong. He just shrugged.

"So, its a yes or yeah?" aniya.

Natatawa akong tumango. Tumayo siya at bumalik sa mesa niya at inayos lahat ng papeles. Sinuot niya ang coat niya at kinuha ang suit case niya bago bumalik sa kin.

"Let's go?" Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at nakangiti ko yung hinahawakan. Hinila niya ako palabas ng office niya. Hindi kami pinansin ng sekretarya pero alam kong alam niya na aalis kami.

Bumukas ang elevator sa parking area pero na natili siyang nakahawak sa kamay ko. Medyo naiilang na ako dahil kanina pa kami nakakagaw atensyon. Binuksan niya ang Shot gun seat para makapasok ako. Agad naman siyang umikot sa driver seat. Huminto ang sasakyan sa isang harap ng gate. Kinusap niya ang guard ng ilang saglit at binuksan ang gate. Huminto kami sa harap ng malaking buksa na pinto at may dalawang madre. Hindi ko na siya hinintay pa at agad akong bumaba. Lumapit si zander sa kin at hinawakan ang baywang ko. Lumapit ang dalawang madre sa 'min.

"Good afternoon po sa inyo," bati ng isang madre.

"Good afternoon din po..." magalang kong sabi at nag mano. Nakangiti nila akong tiningnan at muling binalik kay Zander.

"Sino ang magandang dilag na ito iho?" tanong ng isa sa kanila.

"Ah this is Lorie po, nililigawan ko. Lorie this is Sister Marissa and Sister Denisse," pag papakilala niya sa dalawang madre. Nanlaki ang mata nila habang napailing na lang.

"Napaka ganda mo iha, ikaw pala ang tinutukoy nitong lalaki ito." Sister Denisse said. Hilaw akong tumawa.

"Naku iha, madalas ka kasing ikwento niyan kapag nadalaw siya dito sa umapunan," pag kukwento ni Sister Marissa. Tinapunan ko ng tingin si Zamder na ngayon ay nangangamot ng ulo. Sabay sabay nalang kaming napatawa nila Sister at napailing.

Pumasok na kami sa loob. Nakahawak parin siya sa bewang ko hanggang sa marating na namin ang play ground. Napatigil ang isang batang babae ng mapatingin siya sa gawi namin. Mabilis pa sa alas kwatro ng takbuhin niya ang distansya namin mula sa kaniya at yumakap sa mga binti ko. Sumibol ang tuwa sa puso ko ng marinig ko ang paghagikgik niya habang nakasubsob sa binti ko. Natatawang binitawan ni Zander ang baywang ko at lumubod para pantayan ang bata.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now