Chapter 17

126 8 0
                                    

Like

Padabog akong bumalik sa upuan ko. Matagumpay siyang ngumiti at humarap sa katrabaho ko.

"Paalisin mo na. Tell him,  Lorie is busy," utos niya. Mabilis siyang sumunod at tumungo sa elevator.

"Masaya kana?" sarcatic kong tanong. Ngumisi ito at taas noong tumango.

"You choose me over him. Of course, I am," mag mamalaki niyang sabi.

"Ang trabaho ang pinili ko hindi ikaw."

Rinig ko ang pag pipigil ng iba ng tawa. Isinawalang bahala ko nalang iyon at humarap nasa monitor ko.

"Boss, Oras na po ng trabaho," sabi ko ng hindi lumilingon sa kaniya. Hindi siya nag salita pero nawala unti unti ang presensya niya kaya alam kong umalis na na siya.

Mabilis na lumapit sa kin sila Mara.

"Ano 'yun? Ba't may pag pili?" tanong ni Sab. Nataas baba ang kilay niya at may pang aasar akong tiningnan.

"Wala. Mag trabaho na lang tayo," tamad na sabi ko.

Aangal pa sana sila ng dumating ang bagong manager namin. Lalaki ito at nasa mid 30's na. Gaya ng nakasanayan mabilis at maayos namin na ginawa ang trabaho namin.

Kinuha ko kay manang ang tray at umupo sa sa tabi ni Sab.

"Para kang gulay diyan na hindi nadiligan," sabi ni Mara. Kanina ko pa tinutusok tusok ang tilapia. Parang wala akong gana kumain.

"Wala akong gana kumain," mahina kong sabi.

Dinampian ni Sab ang noo ng kamay niya at tiningnan kung may sakit ba ako.

"Wala ka namang lagnat pero himala at umayaw ka sa pag kain," panunuya niya. I just rolled my eyes.

"Nag d-diet kana? May nagugustuhan ka na ano?" pang aasar ni Kris. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Zander kaya pinilig ko ang ulo ko. Hindi pwede. No.

Hindi ako nag salita kaya napatigil sila sa pang aasar at nanlaki ang mga mata.

"Oh my! may nagugutuhan kana nga!" tili ni Mara. Tumayo pa ito,agad namang hinila siya pabalik sa pag kakaupo ni Kris.

"Sino ang lalaki?" kinikilig na sabi niya ulit. Hindi ako sumagot. Tinitigan ko ang ulam ko.

"Wala siya rito," tanging sabi ko lang. Nalaglag ang nga balikat nila at nag laho ang mga ngiti.

Wala siya rito dahil nasa office siya.

"Sayang. Ilalakad sana kita," panghihinayang ni Kris. Umiling na lang ako at sumubo ng kanin.

Hindi mo 'yun magagawa. May girlfriend kris.

"Tigilan niyo lovelife ko. Yung sainyo dapat ang topic natin, diba Mara?" Tinaas baba ko ang kilay ko sakaniya. Namula ito at umiwas ng tingin. Aha!
Napahinga ako ng maluwag ng mapunta kay Mara ang topic.

Hindi ako sigurado sa nararamdam ko. Baka pag hanga dahil sa physical appearance niya. I don't know kung kailan 'to nag simula. Nung nag kita ba ulit kami,naging boss ko siya o dun sa bahay noong tawagin niyang prinsesa ang kapatid ko. I really got dissapointed to him ng hindi siya naging honest. He has a girlfriend but his flirting with me? What i am to him? Maybe a past time.

Parang may kumirot sa dibdib ko dahil sa salitang past time. Chase never feel me that way. He always make sure that I feel love by him.

Naging maingay ang mesa namin pero tanging ngiti at mahinang tawa lang ang inambag ko.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now