Chapter 27

130 8 0
                                    

Chapter 27: Can't be together

"Eve!" sigaw ko. Agad naman siyang bumaba galing taas.

"Ano? May sunog ba?!" natataranta niyang tanong.

Hinila ko siya sa harap ng tv.

"Sus, yung naman akala ko kung ano." tamad niyang sabi. Umupo siya sa sofa.

Tamad niyang kinuha ang remote at nilaksan ang volume ng tv.

"Bagay sila." Mapait siyang ngumiti. Tinapik ko ang balikat niya at umupo sa tabi niya.

Yung ex niya nasa tv kasama ang maharot niyang pinsan. Naawa ako dito sa kaibigan ko dahil sawi rin sa pag ibig. 1 year ago simula nung umalis ako sa company ni Zander. Kay Irish ko na secretary niya ibinigay ang resignation letter ko. Desidido na akong umalis. Hindi ko masisikmurang mag trabaho sa mismong dahilan kung nawala ang isa sa mahalaga sa kin. Sumama ako kay Eve dito sa batangas para dito mag trabaho. Huling balita ko sa kaso ay nakakulong na ang may sala. Napanatag na ako doon palang pero may kirot pa rin dahil ang minahal kong lalaki ang taong nakakakulong ngayon. Naalala kong tumawag sa kin mismo si Papa at sinabing nakakulong na ang may sala, sasabihin niya sana kung sino pero agad na pinigilan ko yun. Ayokong maririnig ang pangalan niya.

"Hoy, Ayos ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng tapikin ni Eveleen ang pisngi ko.

"Oo." Bumuga siya mg hangin.

"Di ka pa rin nakakamove on?" tanong niya. Natatawa akong umiling. No need to lie. Nadala na ako.

"Hindi pa."

Tumawa siya.

"Ako rin e," natatawa niyang sabi.

"Tara shot," natatawang biro ko.

Binato niya ako ng unan sa sofa. Sabay kaming humalaklak. Maya maya parehas kaming natahimik at natulala sa mesa.

"Nakakapagod ba? May pang pamanhid ako dito, ninakaw ko sa hospital," biro niya. Umiling lang ako.

"Tara gala tayo, wag ng inom. Hanap na lang tayo ng bago?" natatawa kong sabi. Tumayo siya.

"Arat, bihis na!" Natatawa akong tumayo at nag tungo sa kwarto ko.

Nag palit ako at nag suot ng high-waisted denim jeans. White vneck shirt at sinuot ko ang black shoes ko. Tinali ko ng pusod ang buhok ko at kinuha ang denim jacket ko. Mabilis akong bumaba at naabutan ko siyang may hinahalungkat sa bag niya.

Umangat siya ng tingin sa kin.

"Tara?" Tumango ako nauna ng lumabas.

Huminto ang sasakyan ni Eve sa harap ng isang resto na sikat na sikat.

"Mauna kana sa table, mag c-cr lang ako," paalam ko. Tumango lang siya kaya dumaan na ako sa gilid kung nasaan ang cr.

May nabunggo pa akong babae at nalaglag ang gamit niya. Agad ko siyang tinulungan mag pulot ng gamit niya.

"Sorry, Miss," paumanhin ko. Tumayo na ako at ibabalilk na sa kaniya ang gamit ng mag katinginan kami. Nag tama ang mga mata namin.

"Lorie?" mahina niyang sabi. Mabilis kong nilagay sa kamay niya ang mga gamit niya at mabilis na tumalikod.

"Lorie!" sigaw niya. Kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo. Lumabas ako at tumakbo sa isang iskinita.

'Blaire is here that means his here...'

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now