Chapter 4

163 11 0
                                    

Chapter 4: Cctv footage

Mabilis lumipas ang araw at tatlong linggo na simula noong mawala si Chase at mailibing. Marami sa nga kaibigan namin ang nag sipunta para makilamay at makilibing. Sa mga araw na 'yun tanging pag iyak lang ang ginawa ko. Nang mailibing siya nangako ako sa puntod niya na hahanapin ko ang may gawa kung bakit siya nawala pero hanggang ngayon wala pa rin nang yayari sa kaso.

Walang witness. Sabi rin ng mga police ay hindi na mag sasampa pa ng kaso ang iba maliban sa 'min. Kaya mas lalong lumabo ang kaso.

Nandito ako ngayon sa police station para panoorin ang cctv footage na nakuha ng mga police kung saan kitang kita ang nangyari na banggaan.

Sa unang ay nakita ko ang isang isang itim na mercedes sa gilid naman nito ay si Chester. Tiningnan ko oras. Mukhang papapunta na siya sa bahay para sunduin ako. Pinoward ito ng ilang minuto. Ilang sandali pa mula sa harapan nila may mabilis na isang itim na sports car ang magewang gewang papunta sa gawi nila. I bite my lowerlip. Sa lakas ng pag tama ng kotse sa gilid ng mercedes umatras ito at nadamay ang mga kasunod na sasakyan kasama na si..Chase. Tumagilid ang isang kotse dahilan para maiipit si Chase. Bumaba ang ibang sakay ng mga sasakyan at lahat sila ay may galos papalapit sa kotseng naka bunggo sa kanila nang mabilis itong umatras at humarurot paalis.

"Hindi na kita ang plate number sa cctv kaya mahihirapan tayong mahanap ito," sabi ng isang police. Napatingin ako sa kaniya.

"May iba pa po bang cctv na nakalagay sa ibang bahagi nung daanan na 'yun,Sir?" maagap kong tanong. Desperado akong malaman.

"Wala na, Miss. Hindi rin nadadaan ang mga tao dun o kung madaanan ay kaunti lang."

"Anong... anong mang yayari sa kaso ngayong hindi nakita ang plaka?" Napalunok ako pag tapos ko banggitin ang tanong ko.

"Mag tatanong pa kami  sa ibang naroon. May nakapag sabi na may kasunod daw ang kotse na 'yun."  Tumingin siya sa 'kin.

"Itutuloy niyo ba talaga ang kaso?" tanong niya. Tumango ako.

"Opo, Sir," seryoso kong sagot. Napabugtong hininga siya at tumayo ng diretso at humarap sa 'kin.

"Alam mo, Miss. Mas mabuti sigurong mag areglo na lang kayo," sabi niya na nakapag painit ng ulo ko.

Ngumisi siya.

"Tatapatin na kita. Sa kotse palang ng naka disgrasya ay mukhang mayaman na. Kaya bakit hindi na lang kayo makipag areglo nang mag karoon kayo ng pang negosyo."

Kinuyom ko ang kamay ko.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago dumilat.

"Wala akong paki kung mayaman siya. Kung pera lang pala kaya kong kitain yan. Hindi sapat na mayaman siya para makaligtas sa batas. Tatandaan mo 'yan," mariin kong sabi. Napailing siya na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Girlfriend ka lang, 'di ba? Hindi ikaw ang mag d-desisyon miss, ang pamilya niya." Nakangisi niyang sabi. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Girlfriend ako. Alam ko rin na ang gusto ng pamilya niya ay hustisya hindi pera," mariin kong sabi.

Tumalikod ako sa kaniya at nag lakad papunta sa pinto. Huminto at saglit at humarap sa kaniya.

"Isa pa hindi naman kami mukhang pera... kagaya mo... kalbo."

Bakas sa mukha niya ang galit pero hindi niya ako malapitan dahil lahat ng kasamahan niya ay nakatingin sa 'min. Ang iba ay nag pipigil ng tawa at ang iba ay nakangiting naiiling.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now