Chapter 2

202 15 3
                                    

Chapter 2: I want you

"Lorie, paki hatid naman sa table five please!" sigaw ni Lea

Agad kong kinuha ang tray at pumuntasa sa table five.

"Here's you order, Ma'am, Sir. Enjoy po!" Ngumiti sila at tumango.

Bumalik ako para ibalik ang ang tray at kunin ang order slip. Sinalubong ko ang mga bagong costumer at iginaya sila sa bakanteng mesa.

Pumasok ako sa locker room at umupo. Hinawakan ko ang balikat ko at bahagyang inikot ang braso ko. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Chase.

Ngumiti siya sa 'kin at tinaas ang tray na may lamang pagkain bago lumapit sa 'kin. Umupo siya sa harap ko at nilapag ang pagkain.

"Kapag nakikita kita. Nar-realize kong mas mahirap mag trabaho sa labas ng kusina." Napatawa ako.

"Parehas naman mahirap ang trabaho na 'tin."

Binuksan niya ang isang bote ng tubig at nilagay sa  gilid ng pagkain ko.

Kinuha ko ang tubig at uminom muna ng konti. Tiningnan ko ang dinala niyang pagkain. Beef stake at maring kanin, Panigurado akong siya ang nagluto nito. Kinuha ko ang kutsara at tinidor. Kumuha ako ng ulam at isinama sa kanin at isinubo.

Tumango-tango sa kaniya at nag thumbs up dahilan ng pag ngiti niya ng malaki.

"Ang dami ng kanin mo, pinatataba mo ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Hinawakan niya ang baba niya at tumagilid ang ulo niya.

"Oo, para  kana kasing kalansay na nag lalakad kanina nung nag hahatid ka ng order..." Umiling siya.

"Mabuti at hindi sila nag reklamo hays," pang aasar niya.

Inambahan ko siya ng tinidor kaya nakapataas siya ng kamay habang natatawa.

Mokong na 'to.

Binaba ko ang ang tinidor at tinarayan siya. Nag simula na akong kumain at ganon din siya. Nawala na lang ang inis ko nang mag kwento siya tungkol sa nangyari sa bahay nila,nag aaway daw ang kapatid niya dahil lang sa isang gwapong lalaki sa tv.

Nag kwento pa siya ng nagkwento hanggang sa matapos ang break namin. Pinauna ko na siyang lumabas, ayaw pa sana pero sabi ko baka nasa labas na ang boss namin.

Binuksan ko ang locker ko para kunin ang cellphone ko at tiningnan kung may text ba sila Papa. Nang wala akong makita ay binalik ko na sa bag ko. Halos mapatili ako ng pag sara ko ng locker ko, nakita ko ang boss namin na nakasandal sa locker at seryosong nakatingin sa 'kin.

"S-Sir, kayo po pala.. ah may k-kailangan po kayo?" Hilaw akong ngumiti. Napalunok ako ng mabilis siyang nag lakad papunta sa 'kin.

"Tapos na ang break but you still flirting with your guy, huh?" anang niya.

"A, nauna na siya Sir. Ako lang po ang hindi pa.. may tiningnan lang po ako." Natatakot akong mawalan ng trabaho si Chase.

Tumaas ang kilay niya. Napaatras ako ng dumilim ang mukha nito.

"Are you having an affair?" paratang niya. Napaamang ako.

"Hindi po Sir. Ang Papa ko po ang hinihintay kong mag text Sir." paliwang ko. Lumiwanag ang mukha niya at umayos ng tayo. Umiwas siya ng tingin.

"Go back to your work. Now." utos niya. Tumango ako at mabilis na lumabas. Naabutan kong aligaga sila Lea at Letisha.

Nang makita nila ako ay parang nabunutan sila ng tinik.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now