Chapter 10

155 11 0
                                    

Chapter 10: Sweet

Nag talo pa kami dahil ang gusto niya siya ang masusunod pero nanalo ako kaya hinayaan niya akong mag break sa cafeteria kasama sila Sab kahapon.

Ngayong araw ay maluwag luwag ang sced namin dahil half day lang kami ngayon. Pauwi na kami pero dumaan muna kami sa cafeteria dahil yun ang utos ni Zander.

"Hala gagi si Manang!" excited na sigaw ni Mara sabay turo sa isa sa mga nag aassist.

Hindi katulad dati ay palaging nagmamadali si manang dahil baka mahuli siya ngayon ay nakangiti niyang inaabot ang bawat order sa mga kasamahan namin.

Mabilis kaming lumapit sa kaniya. "Manang, apat pong order ng kanin tapos apat din po softdrinks," sabi ni Mara. Nakangiti niyang kinuha ang mga ito at mabilis na lumapit sa 'min.

"Tig isa pong order ng menudo, Chicken curry, sinigang at Adobong baboy po. Mag kano po lahat?" tanong ko at kinuha ang wallet sa bag. Mabilis siyang umiling at hinawakan ang kamay ko.

"Libre ko na iyan sa inyo mga iha. Mga suki ko na kayo kaya libre na iyan pasasalamat na rin sa inyo lalo na sa iyo iha." Matamis ang ngiti niya sa 'kin. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

"Wala po 'yon manang, mabuti po ay nag karoon na kayo ng pwesto dito," ani ko. Binitawan niya ang kamay ko at iniusog ang tray papalapit sa 'min.

"Kahapon noong pinabalik na kayo sa pag tatrabaho ng boss niyo ay aalis na sana ako kaso tinawag ako ng guard at mag hintay lang daw muna ako at gusto akong kausapin ng boss niyo,"pagk-kwento niya. Nag tininginan kaming lahat.

"Pinagalitan po ba niya kayo?" alalang tanong ni Kris.  Umiling lang si manang at ngumiti sa 'kin.

"Hindi. Pinag binigyang permiso niya ako na kung maari ay dito na ako mag trabaho at mag tinda. Ang laki ng pasasalamat ko sakaniya pero ang sabi niya sa babaeng nag ngangalang Lorie daw ako mag pasalamat."

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa 'kin?

Nag tinginan kami.

"Sa 'kin? Bakit daw po?" tanong ko.

"Walang sinabi iha. Maraming salamat talaga dahil sayo ay patuloy kong mapag aaral ang mga anak ko."
Kahit nalilito ay ngumiti ako sa kaniya. Humagikgik siya.

"Iha, mukhang may gusto sa iyo ang boss niyo dahil mukhang sa inyong dalawa,ikaw ang sinusunod niya," pabirong sabi ni Manang. Narinig kong nag pipigil ng tawa ang mga kaibigan ko.

"Hehehe, hindi po." Kinuha ko na ang tray at nag paalam. Naglakad kami sa dulo at umupo sa bakanteng mesa.

"Ikaw pala ang boss teh," pang aasar ni Sab.

"Baliw!"

Humagikgik lang sila at nag simula ng kumain. Maya maya pa may lumapit sa 'min na isnag mukhang deliver man.

"Sino po sa inyo si..." May kinuha siyang papel sa hawak niyang bag. "Lorienna Vasques po?" Sumalubong ang kilay ko.

"Ako po, bakit?"

Inilapag niya ang bag sa mesa at inilabas ang limang nakakahon na pagkain na mukhang pang mayaman.

"Teka kuya, baka nag kakamali po kayo. Hindi po ako nag oorder ng pagkain," agap ko. Napakamot siya sa ulo niya.

"Ma'am para sa inyo daw po iyan, alis na po ako," sabi niya at mabilis na umalis.

Binuksan ni Sab ang isa at bumungad sa 'min ang mabangong amoy.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now