Chapter 22

105 9 0
                                    

Chapter 22: Insult

"Good morning, mare!" ganadong bati ni Mara.

Ngumiti ako sa kaniya. Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng monitor ko.

"Good morning, Mara."

Umupo ako.

"Anong nangyari sayo? Para kang lantang pechay!" puna niya. Humarap ako sa kaniya.

"Anong gagawin mo kung yung taong gusto mo may girlfriend na?"

"Iiwas. Ayaw ko makasira ng relasyon," aniya.

Tama nga naman.

Sumimsim siya sa kapeng hawak niya.

"Aaminin mo ba sa kaniya na gusto mo siya kahit may gifriend siya?" tanong ko ulit. Kumunot ang noo niya.

"Malamang hindi. Katulad ng sinabi ko ayaw kong makasira. Kikimkimin ko na lang yun dahil kung sasabihin ko pa sa kaniya yun. Malamang sa malamang ay mas masasaktan ako at baka maka apekto pa yun sa pag sasama nila."

"Bakit?" tanong niya.

Umiling lang ako at humarap sa monitor ko.

Bumuga ako ng hangin.

Tama nga na iwasan ko na siya. Ayaw ko rin na makasira ng relasyon kahit pana kasunduan o kung ano man yan. Sila parin at wala akong magagawa doon.

"Lalim nun ah, bakit yung nagugutuhan mo ba na sinabi mo sa 'min may gf?" tanong niya. Tumango ako.

"Mahirap yan."

Tumayo ako at humarap sa kaniya.

"Tama ba na iwasan siya?" Nagkibit balikat siya at sumimsim ng kape.

"Kung iiwas ka, pwede naman. Isa yun sa way para hindi ka masaktan."

Kinuha ko ang pouch ko sa bag.

"Bili lang ako ng kape sa baba," paalam ko. Tumango lang siya. Lumapit ako sa elevator at pindot ang down.

"One Creamy Hot Coffee please," sabi ko. Mabilis siyang nag tipa at sinabi ang presyo. Ibinigay ko ang bayad at umupo sa isang table para hintayin ang kape ko.

May kamahalan ang kape dito kaya mabuti nalang at dala ko ang pouch ko. Nilabas ko ang cellphone ko para may pag libangan muna.

"Excuse me, pwede bang makiupo, Miss?" sabi ng isang mahinhin na boses. Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Naka puting turtle neck ito at hanggang siko ang sleeves. Naka high knee pencil cut siya.

Anak mayaman.

Napailing ako. Ang ganda niya sobra. Maputi, matangos ang ilong at parang pang modelo ang tindig niya.

"A, Sure."

Ngumiti siya na mas lalong nag paganda sakaniya. Pinag titinginan din siya ng lahat ng tao dahil sa angking ganda niya. Feeling ko nanliit ako dahil kaharap ko siya. Mukha akong alalay lang niya.

"A, may I ask kung ilang taon kana nag w-work dito sa company?" mahinhin niyang tanong. Ibinaba ko ang cellphone ko mesa at umayos ng upo.

"Two years pa lang po ako dito, Ma'am." Tumango-tango siya at nilibot ang tingin.

"This is my first time na dito bibili ng coffee. I forgot kasi na bumili sa Starbucks."

Lihim akong napangiwi. Ang mahal ng nga kape dun parang may gold.

Tumango tango lang ako. Bumalik ang tingin niya sa 'kin.

"Are you close to your boss?" tanong niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Ah hindi po gaano. Baka po ang sekretarya ni Boss ang ka close niya," kabado kong sagot sa kaniya.

Tumango-tango lang siya. Lihim kong inayos ang skirt ko at white long sleeves nang pasadahan niya ako ng tingin. Naiilang ako ng tinginan niya ako at parang sinusuri ang suot ko.

"You look good," aniya. Yumuko ako.

"Salamat po, Ma'am."

"Ako ba? I will visit my boyfriend later and I want to look beautiful in his eyes so..."

"Napaka ganda niyo po, Ma'am." Lumapad ang ngiti niya.

"Really? Ow, thank you!"

"What's your name by the way?" tanong niya.

"My name is Lorienna, Ma'am," sagot ko.

Hindi ako sigurado pero parang may dumaang inis sa mata niya pero agad napalitaan ng ngumiti siya sa 'kin.

Nahad niya ang kamay niya.

"I'm Blaire Quezon, your boss girlfriend."

Para kong nanlamig sa sinabi niya. Siya yung kausap ni Yohan kahapon?

Nabalik ako sa realidad ng ngumuso siya.

"Nangangalay na ako."

Mabilis pa sa alas kwatro na iniabot ko ang kamay ko.

"N-Nice to meet you po, M-Ma'am Blaire." Hilaw akong ngumiti para takpan ang kaba na nararamdaman ko.

Hilaw siyang ngumiti at mabilis na binitawan ang kamay ko.

"Blaire, my daughter!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Parehas kaming napatingin sa pinto at mas lumakas ang pintig ng puso ko ng makitang si Ma'am Leonara kasama ang sekretarya niya.

Mabilis na tumayo si Blaire nang lumapit sila Ma'am Leaonara. Yumakap ng mahigpit si Ma'am sa anak niya kaya tumayo ako.

"Oh my gosh, i missed you. Bakit hindi mo sinabing umuwi kana? Sana pinasundo ka namin," sabi ni Ma'am Leanora sa anak niya.

Ngumiti lang si Blaire at umiling. Tumayo ako at kinuha ang pouch ko para sana umalis na.

"It's alright, Mom. Nagpasundo ako kay Yohan," sabi niya. Lumakas ang pintig ng puso ko ng harapin nila ako.

"Kristy, accompany my daughter to Reil's office. Susunod ako," aniya pero sa akin parin ang tingin. Yumuko ang secretary niya at itinuro kay Blaire ang palabas. Nilingon ako ni Blaire.

"Thanks, Lorie." Tumango lang ako hilaw na ngumiti. Nang makalabas si Blaire ay nawala ang ngiti ni Ma'am Leonara.

"Sit down. I want to talk to you," utos niya.

Wala akong nagawa kun 'di ang maupo ulit. Naupo siya kung saan umupo kanina sa Blaire.

"Alam kong may namamagitan sa inyo ni Reil." Humigpit ang hawak ko sa pouch na hawak ko sa lap ko.

"Nakita mo na ang anak ko na girlfriend niya." Ngumisi ito. "Now, look at yourself. Walang wala ka sa anak ko." Umiling iling ito.

"To tell you the truth. I know na una palang ay may something na sa inyo but hindi ko kayo pinakielaman know why? 'cause i know, na b-bored lang ang manugang ko kaya nag hanap siya ng laruan which is you." Inosente siyang ngumiti.

"I hope you get my point here, Lorie. Thank you for not letting my daughter  talk to someone not trustworthy." Tumayo na ito at nag lakad palabas.

Nanatili akong nakaupo at mahipit ang kapit sa pouch ko. Bumuga ako ng hangin para mabawasan ang bigat sa dibdib ko at tumingala para pigilan ang nag babadyang pagtulo ng mga luha ko.

"Lorie?" pag tawag sa kin sa counter. Mabilis akong tumayo at kinuha ang kape ko.

They right... I need to stay away from you..

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ