Chapter 7

152 10 0
                                    

Chapter 7: Boss

Kunot noo kong tinitigan ang mga kaibigan ko na kanina pa tingin nang tingin sa salamin. Parang minu-minuto eh nawawala ang mga make up.

"Ano nang nangyayari sa inyo? Adik na ba kayo sa make up?" naiiritang tanong ko. Mula sa monitor sabay silang limgon sa 'kin.

"Hindi girl. Sinisigurado lang namin na maganda pa rin kami hanggang mamaya," sabi ni Mara at nag lagay ulit ng foundation.

"Hindi agad-agad mahuhulas ang mga make up niyo dahil ang lakas ng air-con!" Umirap ako.

"Hindi mo ba nabalitaan?" kunot noong tanong ni Sabrina na nasa kanan ko.

"Bumalik na si Sir Reil. Siya ang boss na 'tin. Akala ko talaga hindi na siya babalik after nung nangyari 2 years ago," aniya.

"Alam mo, Lorie. Kahawig niya 'yung lalaki sa resto." biglang sabi ni Mara, nakita ko naman ang pag-iwas ng mata ni Kris.

Mag tatanong pa sana ako kaya lang biglang pumasok ang secretary ni boss kasama ang manager naming babae.

"I know all of you know that Mr. Reil is back," ani ng Manager. Walang nag salita sa 'min at na natiling nakinig.

"In this company. We don't need a lazy and worthless people so kung ganun ka. The door is open. Understood?" dagdag niya. Tumango kami at ang iba ay sumagot pa.

Nang umalis na sila tsaka palang kami nakahinga ng maluwag. Hindi ko pa nameet ang boss namin pero pakiramdam ko ay napaka strikto nito. Humarap na kami sa kaniya kaniyang monitor at sinimulan na ang trabaho.

Siguro ang tanda na nun kaya masungit tapos may baston,well sabihin na natin na may itsura dahil mayaman. Kulubot ang mukha,puti ang buhok.

I bite my lower lip para pigilan ang pag ngiti ko. Natatawa ako kapag naiisip ko ang posibleng mukha ni boss. Loka ka self! mawawalan ka ng trabaho sa ginagawa mo.

Mabilis ang oras at hindi kagaya dati ay sobrang busy na namin ngayon. Sumaglit kami ngayon sa cafeteria para kumain dahil marami pa kaming trabaho.

"Sinasabi ko na. Mas marami tayong gagawin ngayon na nandyan na ulit si Sir," nalulumong sabi ni Sabrina. Dinukdok niya ang ulo sa mesa habang hawak hawak-hawak niya ang kape sa mesa.

Sumimsim ako ng kaunti sa kape ko.

"Ano bang ugali ni Sir?" tanong ko. Inangat niya ang ulo niya at binalingan ako ng tingin.

"He's hearthless. Ayaw na ayaw niya sa tamad at sa madaming pag kakamali. Well bibigyan ka lang niya ng dalawang pag kakataon pero after that hindi niya sasabihin kung tanggal kana basta kapag hindi niya nagustuhan ang trabaho mo sa pangat beses. Mag balot kana," aniya.

"Ganun siguro kapag matanda na. Mainitin ang ulo.Bakit hindi nalang ang mga anak niya ang humawak ng kumpanyang ito para hindi na siya mastress. Bawal 'yun sa matanda 'diba?" lintanya ko. Umuwang ang bibig niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

What? Tama naman 'diba?

"Walang anak si Sir, Lorie." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napangiwi ako.

"Bakit? Hindi sila nabiyayaan ng misis niya?" bulong 'ko. Lumapit na rin sila Mara at Kris para marinig ang bulungan namin.

"Mahabagin. Mas lalong walang asawa si Sir," problemadong sabi niya.

Eh? Tumandang single?

"Ganun? Paano kung may mang yari sa kaniya? Sino ang mag aalaga sa kaniya pati dito sa kumpanya?" bulong ko. Ayokong mawalan ng trabaho kapag nag kataon.

Biglang naging tahimik ang paligid. Kaya umayos na kami.

"Finally." Nanigas ako ng marining ko ang isang malamig na boses na galing sa likudan.

"B-Boss... goodmorning po," magalang na sabi ni Sabrina. Tumayo siya at bahagyang yumuko at umupo ulit.

Boss? bwesit! seryoso ba 'to?

Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at hindi ako nag kamali ng hula kung sino ito.

Nakapamusal siya at seryoso lang ang tingin sa akin. Mas lalo sumigaw ang kakisigan nito dahil sa itim niyang suit. Napalunok ako ng humakbang siya papalapit sa 'min.

"I'm glad your here," aniya sa malambing na tono. Tumayo ako at humarap sa kaniya.

"G-Good morning, Sir." Ngumiti ako ng kaunti para talpan ang kaba ko.

Shit! I thought matanda ang boss namin pero bakit si Zander ang nasa harap ko?

"Didn't i tell you, stop calling me Sir." Bumalik sa pagiging malamig ang boses niya. Mas lalo akong kunabahan. Ayoko mawalan ng trabaho sa katangahan ko.

"Sorry." Tumango lang siya.

"I left my phone on the table last time. Did you saw it?" Tumango ako.

"Opo, dala ko," sagot ko agad. Tumango siya.

"Can I get it now?"

"Of course, Z-Zander..." alanganin kong sinabi ang pangalan niya. Nauna akong maglakad habang siya ay nakasunod sa 'kin papuntang mesa ko.

Agad kong kinuha ang bag ko sa gilid at hinanap ang phone niya. Nilahad ko ang phone sa kaniya.

"You wan't to see my office?"

Napalunok naman ako.

"No, Sir." Tumango ito at kinuha ang phone niya sa kamay ko.

Agad niyang binuksan iyon at parang kabado na tumingin sa 'kin.

"May binasa ka bang conversation sa phone ko, Lorie?"

"Wala po, Sir. Hindi ko po binuksan ang mga private messenges niyo." I answered with honesty. Para naman siyang nabunutan ng tinik.

"Alright. Have you eaten?" tanong niya. I actually don't have time to eat Sir.

"Yes, Sir," sagot ko nalang. Tumango lang siya.

"Thank you."

Tumango lang ako. Nang makalabas na siya tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko mawawalan na ko ng trabaho.

Ilang minuto pa nakita kong kumakaripas papalapit sila Sabrina papalapit sa 'kin.

"Ayos ka lang? Pinagalitan kaba? Sinigawan?" sunod-sunod na tamong ni Sabrina. Umiling lang ako. Umupo ako sa upuan ko ganun din sila.

"Hindi."

"Warning?" tanong ni Mara.

Umiling din ako.

"Tinanggal ka?" Namimilog na mata na tanong ni Kris.

For the third time ay umiling ako.

Pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag.

"Anong Cellphone yung sinasabi ni Sir? Akala ko ba hindi mo pa siya nakikilala?" usisa ni Sabrina.

Akala ko din, Sab. Akala ko din.

"Bakit nasa'yo ang phone ni Sir?" tanong niya ulit.

"Dati ko siyang Boss sa isang resto when i was in college. Nagkita kami last week dahil sa hindi inaasahang reunion... at naiwan niya ang phone niya. That's it." paliwanag ko.

Tumango lang si Sab. Habang si Mara naman ay halos umabot na ang ngiti sa tenga.

"Naging kayo ba?" tanong ni Mara. Ngumiwi ako.

"No. I have my boyfriend, Chase." I said. Nanlaki ang mata niya at nag peace sign.

Humarap ako sa screen at sinimulan na mag tipa. I can't believe na boss ko na naman siya.

_____________________________________

:>

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora