Chapter 29

149 11 0
                                    

Chapter 29: Desisyon

Kalalabas ko lang ng restaurant ni Zander dahil bumisita ako sa mga kaibigan ko rito. Nang makita ko si Blaire papunta sa gawi ko.

"Can we talk?" seryoso nitong tanong sa akin.

"About?"

"About Zander."

Pumunta kami sa kalapit na coffee shop dito sa restaurant para doon mag usap. Hindi raw siya kasi sana'y na may mga taong nakakakilala sa amin.

Umorder muna kami at hinintay na kumonte ang tao.

"Are you happy now because Blake is now in prison?" sabi nito na nag pahinto sa akin.

Binaba ko ang baso ko at seryosong hinarap siya.

"Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Chase. Oo naman," kalmado kong sagot. Napatawa ito ng mahina.

"Masyadong matagal ang inabot mo bago mo makuha ang hustisya," sabi nito. "You already know what Zander's little secret. Do you still want him?"

Tinaasan ko ito ng kilay. Tila may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya madiretso.

"I'm Zander's fiance, we can still get married--"

"We're together now," pag putol ko sa pag iilusyon niya. Hindi ko alam kung bakit bigla yon lumabas sa bibig ko siguro ay... sa takot.

Takot na baka nga mawala na siya sa akin ng tuluyan. Ayos lang ba kung ipagdamot ko siya kahit hindi kami pwede?

Akala ko ay katulad sa teleserye ay sasabunutan o sasabihan niya ako ng masasakit na salita pero ngumiti ito ng matamis na tila nanalo sa loto.

"Do you love him?" may tuwang tanong nito na nagpakunot noo sa akin.

"Yes," walang pag aalinlangan kong sagot. Bigla siya natawa na tila nabunutan ng tinik.

"Then you should fight for him, too. Hindi pwedeng siya lagi ang lumalaban mag-isa, Lorienna," seryosong sabi nito sa akin.

"Hindi mo ako aawayin?" takang tanong ko.  Inirapan niya lang ako at natatawang umiling.

"Why would I? Magagalit sa akin ang magaling kong kaibigan na mahal na mahal ka," mataray na sabi nito at ngumiwi.

"Now, I want you to this para na rin sa inyo lalo na sayo." Umirap ito sa hangin.

"Kung ayaw mong may ma-link na ibang babae ulit sa kaniya kausapin mo ang magulang niya at sabihin mo lahat ng nararamdaman mo sa harap nila. Malay mo, ikaw pala talaga ang gusto nila..."

"Why are you doing this?"

"Let's say, pagod na akong maging diary ni Zander kapag nakakainom siya at sinasabi araw-araw na mahal ka raw niya." Ngumiwi ito at hinilot ang gilid ng tainga. "Nakakarindi ang drama niya."

Lumabas na ako. Naabutan kong nasandal si Zander sa sasakyan niya. Mabilis siyang umayos ng tayo ng makita niya ako. Lumapit ako sa kaniya.

"Kamusta?" Nag kibit bakikat lang ako at ngumiti.

"May gusto pa kong puntahan."

Gumaan ang pakiramdam ko ng makausap ko si Blake at mang hingi siya tawad. Feeling ko nakawala ang puso ko sa kulungan.

Ngumiti siya. Hindi kagaya kanina ay mas maliwanag ang mukha niya. Binuksan niya ang pinto ng shot gun seat. Pumasok ako at mabilis niyang umikot at pumasok sa driver seat.

Labyrinth Lies (ACCUSE SERIES #1)Where stories live. Discover now